Jello Reyes

Jello Reyes

Share

Stream “Lofi & Heartbreak” ⬇️

https://linktr.ee/itsjelloreyes

19/09/2026

STORY TIME.
Nung sinulat ko tong kantang to, hindi ko inisip na maka connect sa iba. Gusto ko lang tlga ilabas yung nararamdaman ko nung time na yun. You know, kagaya ng karamihan ngayon, pagod sa buhay, yung feeling na parang walang nangyayare sa mga ginagawa mo, self-doubt, regrets. Mga ganong feeling. Nung una ayaw kong ilabas to kasi akala ko hindi maganda kasi kung papakinggan mo, parang halata sa boses ko na walang gana at pagod. Pero ending, eto yung song ko na kahit ilang beses ko ulit ulitin patugtugin, hindi ako nag sasawa. Ito din yung isa sa mga songs ko na madaming naka connect. Hindi to perfect, mejo amateur pa nga yung pag kakamix ko dito, hindi ganon ka linis, sobrang simple ng chords kasi hindi ako marunong mag piano. Pero yung imperfection nya, yun yung nag pa ganda ng song na to kasi TUNAY. Galing sa inspirasyon. Original lahat. Naalala ko yung moment na ginawa ko to and ang sarap lang balikan. Nareremind ako lagi kung bakit ako gumagawa ng kanta. Proud ako sa song na to.

And realtalk lang, sa stage ng buhay ko ngayon, hindi ko na goal na sumikat or mag karoon ng hit song. Dati, oo (Ang fake ko naman kung sasabihin ko na hindi ako nangarap ng ganon) pero ngayon, Gusto ko na lang mag pa ka totoo, gumawa ng kanta na totoong nakakapag saya sakin, at kahit papano maka inspire at maka connect din sa ibang tao. Kanta na totoo, galing sa puso. Yan nalang goal ko ngayon. Bonus nalang yung iba. Kasi for me, sobrang rare na ng ganon ngayon. Yung tipong gumagawa ka ng song kasi it really makes you alive and happy. hindi dahil sa fame or anything that you can get from it.

Anyway, salamat kung naka relate ka sa song na to 🫡

06/09/2026

Simula by Tamzi420 featuring me. Napakinggan nyo naba mga homies?

Photos from Expose Philippines's post 05/09/2026

Kawawang pilipinas.

05/09/2026

Simula by Tamzi420 featuring me. Out now. Sana mapasama sa playlists nyo mga homies 🙏🏻🫡

04/09/2026

Simula - Tamzi feat. Me out now!

‼️OUT NOW‼️

SIMULA - TAMZI feat. JELLO REYES

Check below

03/09/2026

Collab song namin ni kuya Tamzi420 lalabas na sa sabado 12am. Sana mapasama sa mga playlists nyo sa spotify. Excited kami mapadinig sainyo yung art na to sana abangan nyo.

31/08/2026

If you’re not aiming for something, you’re not gonna get anything.

30/08/2026

Ganito ako nag pproduce para kay kuya Tamzi420. Lalabas na sa SEPTEMBER 5 yung song na to. Sana abangan nyo. Silip ka sa comments.

30/08/2026

Mga homies ko. May bago tayong kanta na ilalabas with my bayaw Tamzi420. Eto yung unang beses na makikipag collab ako. Sana abangan nyo. Excited kami maipadinig sainyo to. Silip ka sa comments.

Co-produced, mixed & mastered by truly yours.

SEPTEMBER 5, 2026

SAN MIGUEL REPRESENT! 💪🏻🔥

29/08/2026

SEPTEMBER 5 NA TO MGA HOMIES!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Manila