Project ALAB

Project ALAB

Share

The Project ALAB is an advocacy-driven national initiative to integrate servant leaders in marginalized communities.

Photos from Project ALAB's post 31/08/2026

๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐€๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐”๐ฅ๐š๐ง ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐‘๐ž๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ŸŒง๏ธโœจ

Sa isinagawang proyekto noong ika-19 ng Agosto, 2026, ang Munting Almusal sa Ulan ay hindi magiging posible kung wala ang inyong tiwala, suporta, at tulong. Bilang bahagi ng aming pangakong maging bukas at tapat sa komunidad, narito ang detalye ng mga nakalap at nagastos na pondo para sa proyekto. Bawat halagang ibinahagi ay ginamit para sa munting almusal na naihatid sa ating mga benepisyaryo.

Maraming Salamat sa pakikiisa at patuloy na pagpapakita ng malasakit. Dahil sa inyong kabutihang loob, naipaabot natin ang munting tulong kaya nating maibigay para sa mga nangangailangan.

CFO Report:
https://bit.ly/MASU_CFO_Report

Patuloy na Lagiโ€™t lagi



PubMat by: Karl Juanites & Angelica Arenas
Caption by: Joanna Cerilo

Photos from Project ALAB's post 29/08/2026

SA ORAS NG SAKUNA, HINDI KA NAG-IISA. ๐Ÿ“ž

Ang bawat oras ay mahalaga, at ang tamang impormasyon ay ang unang hakbang tungo sa kaligtasan. Maaaring gamitin ang mga numerong aming inihanda para sa agarang tulong sa inyong nasasakupan, kabilang ang mga emergency response, medical assistance, at iba pang serbisyo.

Maging handa at maging mapagmatyag para sa mas ligtas na komunidad. ๐Ÿšจ

Patuloy na Lagiโ€™t lagi . โค



PubMat by: Angelica Arenas
Caption by: Pearnicole Alvarez

Photos from Project ALAB's post 20/08/2026

๐€๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐†๐ข๐ญ๐ง๐š ๐ง๐  ๐’๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š, ๐ƒ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐š๐ฒ ๐€๐ฅ๐š๐› ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ฆ๐š ๐Ÿฅฃโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Sa panahong hindi maintindihan, ang proyektong โ€œMunting Almusal sa Ulanโ€ ay tila nagbigay muli ng sigla at saya sa mga lokal. Ipinaramdam ng Project ALAB ang init na ipinagkait ng sunod-sunod na pagbuhos ng ulan sa Kamaynilaan noong ika-19 ng Agosto 2026.

Ang mga litratong ito ay nagpapakita na ang pagmamalasakit ay aksyong walang pinipiling panahon. Umulan man o umaraw, patuloy nating paigtingin ang adhikain na magkaroon ng sistemang makatao, kung saan ang pribilehiyo ay pangkalahatan.

Mula sa Project ALAB, nais naming magpasalamat sa mga naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.

Patuloy na Lagiโ€™t lagi . โค



PubMat by: Karl Juanites
Caption by: Rechelle Vistro
Captured by: Angelica Arenas, RB Benito, Michaella Pacat, Samantha Reyes
Edited by: Ceddie Baรฑaga

19/08/2026

: Pagsasagawa ng Munting Almusal sa Ulan

Matagumpay na isinagawa ng Project ALAB ang paghahandog ng Munting Almusal sa Ulan ngayong araw, ika-19 ng Agosto. Kita ang maiinit na ngiti sa mga labi ng bawat residenteng nakatanggap ng ating warm meals, tanda ng kanilang pasasalamat sa gitna ng sakuna.๐Ÿค—

Patuloy na Lagiโ€™t lagi . โค



Pubmat By: Karl Juanites
Caption By: Pearnicole Alvarez

19/08/2026

: Patuloy na Paghahandog ng Munting Almusal sa Ulan

Sinimulan na ng Project ALAB na magbahagi ng munting almusal sa mga residenteng naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaan noong nakaraang Lunes, ika-17 ng Agosto. Ito ay kahit papaano'y makatulong sa kanilang pisikal na pangangailangan sa gitna ng patuloy na pag-ulan dala ng habagat.

Patuloy na Lagiโ€™t lagi . โค


Pubmat By: Karl Juanites
Caption By: Pearnicole Alvarez

18/08/2026

๐Œ๐”๐๐“๐ˆ๐๐† ๐€๐‹๐Œ๐”๐’๐€๐‹ ๐’๐€ ๐”๐‹๐€๐๐ŸŒง๏ธ

Sa gitna ng malakas na ulan at pagbaha, ang kapakanan ninyo ang aming prayoridad. Kahit sa simpleng paraan ay makapagbigay ng kaunting init, ginhawa, at suporta sa mga naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang araw. Kaya naman, nais naming magbigay ng libreng almusal para sa inyo.

๐Ÿ“ Sa harap ng 878 Espaรฑa
โฐ 8:00 am - 9:00 am

Patuloy na Lagiโ€™t lagi . โค



PubMat by: Karl Juanites
Caption by: Angelica Arenas and Pearnicole Alvarez

Photos from Project ALAB's post 17/08/2026

๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐ƒ๐Ž๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’

Nananawagan po ang Project ALAB kasama ang Build Youth sa San Fernando, Pampanga para sa monetary at in-kind donations sa mga naapektuhan ng patuloy na pagbuhos ng ulan. Anumang halaga o uri ng donasyonโ€”maliit man o malakiโ€”ay lubos na makatutulong sa mga mamamayan sa Pampanga.

๐Ÿ“Œ Para sa donations:

Gcash:
Account Number: 09530546830
Account Name: Karl Ashley Mallari

GoTyme:
Account Number: 012302494154
Account Name: Karl Ashley Mallari

Details regarding the in-kind donation process:

Kindly coordinate with the following persons:

Mharyan Jiu Jauod
https://web.facebook.com/Mharyanjiu
09055479863

Florie Belle Monteclaro
https://web.facebook.com/fbellemonteclaro
09396536778

The specific items that are currently most needed by the affected communities.

- Pagkain at basic necessities
- Malilinis na damit
- Hygiene kits
- Bottled water
- Iba pang essential supplies

Address:
Lingat Residences, Paralaya Street, Brgy. Del Pilar City of San Fernando Pampanga 2000. | Residence Open 24/7 for Donations.

Any other guidelines or considerations that donors should know before sending in-kind donations.

- Make sure items are reusable (Clothes, Essential Items)
- Non-Easily Spoiled Foods. (Ex. Canned Foods, Rice, Noodles, Coffee)

Sa pamamagitan ng bawat donasyon, maipaparamdam natin ang malasakit at makapagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Patuloy na Lagiโ€™t lagi . โค



PubMat by: Angelica Arenas
Caption by: Angelica Arenas

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Manila