Kisc

Kisc

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kisc, Writer, Manila.

14/02/2026

SYNOPSIS: THE FAMILY'S SHADOW

Ako si Magnolia 'Lia' Garcia, at naniniwala akong ang pamilya ay hindi nasusukat sa dugo. Natutunan ko 'to mula sa mga taong tumanggap at nagpalaki sa'kin. Ngunit ang aking nakaraan ay parang multong hindi matahimik, mga alaala at imaheng hindi ko maipaliwanag.

Hanggang sa nakita ko ang isa sa mga tao sa imaheng 'yun: si Miguel. At sa kaniyang paglitaw ang mga misteryo sa pagkatao ko'y unti-unting mabubunyag— lahat ay magugulo.

05/02/2026

freedom wall

27/09/2025

sa blankong papel na ito, sisimulan kong sumalat muli, sulat na naglalaman ng aking tunay na nararamdaman.

tatlong buwan mahigit na ang lumipas. o kay bilis ng oras, hindi man lang natin namalayan na unti-unting hinabi ng tadhana ang mga sandaling nagdaan.

naaalala ko p'ang mga gabing tayo'y nagsisimula pa lamang mag-usap, ang mga kuwento mong saaking puso'y laging may puwang. sapat na upang maging patunay na saakin ika'y espesyal.

hindi man natin batid ang tatahakin nating bukas, ang importante naman ay ang ngayon— ang mga tinig mong parang musika saaking pandinig at ang iyong buong pagkataong tanggap kung sino at ano ako.

sa ngayon tayo'y magkaibigan, hindi sigurado kung ano nga bang patutunguhan. ngunit pinaramdam mong kahit sa maigsing sandali ay kaya ng taong magbuo ng saglit na walang katumbas.

at kung hanggang saan man tayo dalhin ng mga susunod na araw, buwan, at taon.
ang katotohanang ito’y hindi magbabago, na aking hinahangaan ang iyong pagiging totoo at kung paano mo yakapin ang buhay.

sa araw nang iyong kapanganakan nais kong maramdaman mo ang presensiya't pagmamahal ng isang taong hindi mo sinukuan. hinding-hindi magsasawa (magsasawang awayin ka) hangga't alam ko't ramdam kong saakin ka.

ngayon hiling ko lamang isang pag-ibig na tunay, kapayapaan sa puso't isipan, at mga ngiti't halakhak mong walang hanggan.

maligayang kaarawan, mahal kong enzo.
nawa'y ang bawat hakbang mo'y magdulot ng ligaya, at nang bukas ay maging panibagong kabanatang puno ng pag-asa at aral.

hangad ko ang mas marami pang oras, araw, buwan at taon na nasa tabi kita.


Kisc Xv Luxcroix

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kisc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Manila.