DepEd RXII New Xavier ES

DepEd RXII New Xavier ES

Share

New Xavier Elementary School, a public school dedicated to providing quality and accessible education. Supported by committed teachers and an active community.

It nurtures young learners in a peaceful environment that promotes academic growth & values.

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 06/10/2026

๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฒ-๐‘ถ๐‘ญ๐‘ญ & ๐‘ป๐‘ฌ๐‘จ๐‘ช๐‘ฏ๐‘ฌ๐‘น๐‘บโ€™ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ต๐‘ป๐‘ฏ ๐‘ช๐‘ฌ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘ฉ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต 2026 ๐Ÿ’™

The Supreme Elementary Learner Government of the New Xavier Elementary School proudly conducted the Teachersโ€™ Month Celebration with gratitude, joy, and appreciation for the incredible teachers who inspire, guide, and shape the lives of our learners every day.

This celebration is a special reminder of how much we value the dedication, passion, patience, and unwavering commitment of our dear teachers.

To all the amazing teachers of New Xavier Elementary School, thank you for being our learnersโ€™ mentors, role models, and second parents. You truly deserve to be celebrated! ๐Ÿ’โค๏ธ

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 30/09/2026

๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—”: ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—›๐—ฌ๐—Ÿ๐—˜ ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ

Noong Setyembre 3, 2026 ng gabi, naging makulay at puno ng inspirasyon ang Search for Mr. & Ms. SELG 2026 โ€“ Division Level na ginanap sa Alamada Central Elementary School.

Buong pagmamalaking tumindig sa entablado ang pambato ng New Xavier Elementary School, si G. KHYLE LYSTER B. SIBAN. Kasama rin niya sa makabuluhang laban si Bb. KORINA GWEN SANCHEZ ng Kibia Central Elementary School, na kapwa naging kinatawan ng bayan ng Matalam sa nasabing patimpalak at matagumpay na nagkamit ng titulo.

Higit pa sa korona, titulo, at entablado, ipinakita ni Khyle Lyster ang husay, tapang, tiwala sa sarili, at pagmamalaki sa kanyang pinagmulan. Sa bawat hakbang at bawat salitang kanyang binigkas, dala niya ang pangalan ng NXES at ang karangalan ng buong Matalam.

Isang taos-pusong pagbati! Kayo ay tunay na inspirasyon sa ating mga kabataan. Ang inyong pagharap sa entablado ay patunay na ang mga batang Matalameรฑo ay may talento, tapang, at kakayahang mangarap nang mataas. Maraming salamat sa pagdadala ng ating paaralan nang may dangal at pagmamalaki at maraming salamat din sa inyong mga magulang at sa lahat ng sumuporta sa paglalakbay na ito.

๐“๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“พ๐“ฐ๐”€๐“ช๐“ด โ€ข ๐•ƒ๐”ธ๐•‹โ„๐”ธ๐•ƒ๐”ธ๐•€โ„•
โœ๏ธJiamie S. Gloriani

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 29/09/2026

๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ & ๐‘ธ๐‘ผ๐‘ฌ๐‘ฌ๐‘ต ๐‘ถ๐‘ญ ๐‘ต๐‘ฟ๐‘ฌ๐‘บ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ‘‘

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumangkilik, nag-ambag, at sumuporta sa katatapos lamang na King & Queen of NXES 2026 fundraising at coronation rites! Napakalaki ng magiging tulong ng ating mga nalikom para sa ating mga proyekto, at hindi ito magiging posible kung wala ang tiwala, pagtutulungan, at dedikasyon natin.

Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal. Mabuhay po tayong lahat! ๐Ÿ‘‘โค

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 25/09/2026

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ซ๐—˜๐—ฆ-๐—ฆ๐—˜๐—Ÿ๐—š, ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—–๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Aktibong nakilahok ang mga opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) ng New Xavier Elementary School sa Division LearnCon (DLC)na ginanap sa Alamada Central Elementary School noong Setyembre 2โ€“4, 2026.

Dumalo sa nasabing programa sina Khurt Razel S. Gregorio, Khyle Lyster B. Siban, Mary Sheny H. Fullon, Jennirose B. Lagat, Jiamie S. Gloriani, Jay Lord V. Salvador, at Alfred Lawrence C. Lumogdang, kasama ang kanilang g**ong tagapayo na si G. Dexter John F. Raquel. Naging kapansin-pansin ang delegasyon ng New Xavier Elementary School dahil ito ang kabilang sa mga paaralang may pinakamaraming delegado mula sa Bayan ng Matalam na lumahok sa naturang Division LearnCon. Tampok si Khyle Lyster B. Siban, na nagsilbing Mr. SELG Matalam at kumatawan sa Bayan ng Matalam sa kompetisyon para sa Mr. & Ms. Division SELG 2026 at personal naman na tinanggap ng dating pangulo ng SELG na si Reniel P. Dagohoy ang plake bilang Most Outstanding SELG Leader kasama si G. Dexter John F. Raquel na tumanggap din ng plake bilang Most Outstanding SELG Teacher-Adviser.

Sa pamamagitan ng kanilang paglahok, naipakita ng mga batang lider ng New Xavier Elementary School ang kanilang aktibong pakikiisa sa mga programa at gawaing naglalayong hubugin ang kanilang kakayahan sa pamumuno, pakikipagkapwa, at paglilingkod sa kapwa mag-aaral.

Ang Division LearnCon ng Division Youth Formation ay nagsilbing pagkakataon para sa mga batang lider na makibahagi sa mga gawaing pang-edukasyon, makipag-ugnayan sa kapwa mga lider, at maipakita ang kanilang mga talento at kakayahan bilang mga kinatawan ng kani-kanilang paaralan at bayan.

๐“๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“พ๐“ฐ๐”€๐“ช๐“ด โ€ข ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚
โœ๏ธJonie Jr. L. Manlaunan

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 16/09/2026

๐‘ฒ๐‘ถ๐‘น๐‘ถ๐‘ต๐‘จ๐‘บ๐’€๐‘ถ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฏ๐‘จ๐‘น๐‘ฐ ๐‘จ๐‘ป ๐‘น๐‘ฌ๐’€๐‘ต๐‘จ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘พ๐‘ฐ๐‘ฒ๐‘จ 2026๐Ÿ‘‘

Isang makulay, makabuluhan, at hindi malilimutang pagdiriwang ng ating wika at kultura! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi at katuwang sa matagumpay na pagdaraos ng Koronasyon ng Hari at Reyna ng Wika 2026. Ang inyong oras, talento, suporta, at walang sawang pagtutulungan ang naging susi upang maging espesyal ang araw na ito.

Maraming salamat sa mga g**o, magulang, mag-aaral, bisita, tagasuporta, sponsors, at iba pa.

Mabuhay po tayong lahat!

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 16/09/2026

๐™’๐™„๐™†๐˜ผ ๐˜ผ๐™ ๐˜ผ๐™„, ๐™‹๐™„๐™‰๐˜ผ๐™‚-๐™„๐™Ž๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™†๐™๐™‡๐˜ผ๐™” ๐™‰๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐™„๐™๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‰๐™“๐™€๐™Ž

Masiglang ipinagdiwang ng Paaralang Elementarya ng New Xavier ang kulminasyon ng Buwan ng Wika noong Agosto 29, 2026, na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Tampok sa pagdiriwang ang ibaโ€™t ibang paligsahan gaya ng pag-awit, pagbigkas ng tula, tagisan ng talino, pagguhit, at parada ng mga kasuotan. Sa pamamagitan ng mga ito, naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento, kaalaman, at pagkamalikhain. Naging makulay rin ang parada dahil sa mga kasuotang sumasalamin sa kulturang Pilipino.

Ayon kay Gng. Francine A. Sidon, Tagapag-ugnay sa Filipino, mahalagang patuloy na pahalagahan ang sariling wika kasabay ng wastong paggamit ng makabagong teknolohiya: โ€œPatuloy nating mahalin at gamitin ang wikang Filipino, at gamitin ang AI nang wasto at responsable bilang kasangkapan sa pagkatuto.โ€

Samantala, binigyang-diin ni Bb. Lodina C. Cabaya, Ulong-Guro/OIC, ang kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya para sa pag-unlad ng mga mag-aaral habang pinapahalagahan ang wikang Filipino.

Sa kabuuan, naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipakita ang kanilang talento habang pinagtitibay ang pagmamahal sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at makabagong teknolohiya.

๐“๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“พ๐“ฐ๐”€๐“ช๐“ด โ€ข ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚
โœ๏ธAira Jane L. Dagohoy

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 06/09/2026

๐Ÿญ๐Ÿฏ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ ๐—๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ซ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ ๐—˜๐—ฆ, ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด

Labintatlong campus journalists mula sa New Xavier Elementary School (NXES) ang aktibong lumahok sa Division Journalism Training na ginanap noong Agosto 22, 2026 sa Matalam High School.

Layunin ng pagsasanay na higit pang malinang ang kaalaman, kasanayan, at kumpiyansa ng mga batang mamamahayag sa ibaโ€™t ibang larangan ng campus journalism.

Gumabay sa mga kalahok sina Gng. Geneby C. Tasic at G. Dexter John F. Raquel bilang kanilang mga tagapagsanay, na patuloy na humuhubog sa kakayahan ng mga batang manunulat sa pagsusulat at responsableng pamamahayag.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang New Xavier Elementary School kay Gng. Noemi C. Lumogdang, Pangulo ng PTA, sa patuloy na suporta sa mga programang pangmag-aaral, lalo na sa pagpapaunlad ng campus journalism. Lubos ding pinasasalamatan ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Kibia sa pangunguna ng mga lokal na lider sa kanilang suporta at pakikiisa sa mga gawaing naglalayong mapaunlad ang talento at kakayahan ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng sama-samang suporta ng paaralan, mga magulang, at komunidad, patuloy na nabibigyan ng pagkakataon ang mga batang mamamahayag na matuto, magsanay, at gamitin ang kanilang tinig upang maghatid ng makabuluhang impormasyon sa kanilang kapwa mag-aaral.

๐“๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“พ๐“ฐ๐”€๐“ช๐“ด โ€ข ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚
โœ๏ธJiamie S. Gloriani

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 19/08/2026

๐€๐๐† ๐๐”๐†๐–๐€๐Š formerly ANG GAHUM

๐€๐๐† ๐๐”๐†๐–๐€๐Š (๐‚๐€๐Œ๐๐”๐’ ๐‰๐Ž๐”๐‘๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐“๐’)
The Official School Publication of New Xavier Elementary School, S.Y 2026โ€“2027.

โœ๏ธ Meet the Brave Voices of New Xavier ES!
Our Campus Journalists are ready to inform, inspire, and ignite change through the power of words. With passion for truth and creativity, they stand as the storytellers of NXES.

Guided by their dedicated adviser, Sir Dexter John Raquel, these young writers will continue the tradition of excellence in campus journalism.

Photos from DepEd RXII New Xavier ES's post 17/08/2026

๐™Ž๐™€๐™‡๐™‚ ๐™Š๐™๐™๐™„๐˜พ๐™€๐™๐™Ž of ๐‘๐ธ๐‘Š ๐‘‹๐ด๐‘‰๐ผ๐ธ๐‘… ๐ธ๐‘†
S.Y 2026-2027

RISE & LEAD!

โ€œRise with purpose, lead with courage, and serve with heart.โ€

Meet the SELG Officers; a young leaders ready to RISE above challenges, LEAD with confidence, and SERVE with dedication.

Together, we rise.
Together, we lead.
Together, we make a difference.

RISE & LEAD, NXES-SELG!

SELG Adviser: sir Dexter John Flores Raquel

30/06/2026

๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ž๐ฐ ๐—๐š๐ฏ๐ข๐ž๐ซ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ!๐Ÿ’™

"๐‘ฌ๐’—๐’†๐’“๐’š ๐’๐’†๐’˜ ๐’ƒ๐’†๐’ˆ๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’“๐’Š๐’๐’ˆ๐’” ๐’๐’†๐’˜ ๐’๐’‘๐’‘๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐’•๐’ ๐’Š๐’๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’† ๐’‚๐’๐’… ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’Š๐’‡๐’‡๐’†๐’“๐’†๐’๐’„๐’†."

With warm hearts, we welcome you ma'am ๐‰๐„๐•๐ˆ๐‹๐˜๐ ๐Œ๐€๐„ ๐…. ๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐“๐€, Teacher I, to New Xavier E.S. We are truly happy to have you join our family and look forward to sharing this journey with you.

Together, let's create a positive and nurturing learning environment for every child.

We're glad you're here!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Matalam?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Purok 8, (Sitio Bugwak-New Xavier), Kibia, Cotabato
Matalam
9406

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII New Xavier ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Matalam.