Mr.Layko Katoliko Defensor

Mr.Layko Katoliko Defensor

Share

"Be prepared to give an answer"

13/01/2025

SABI NG MGA INC ni Manalo: “KAMI LANG MALILIGTAS, kayo ay sentensyado na sa apoy!”

SABI NAMAN NG BIBLIA:

12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, siya na may kapangyarihang magligtas at pumuksa. Kaya, sino ka na humahatol sa iyong kapwa?” - Santiago 4:12 Ang Biblia, 2001

BABALA ng Panginoong Jesu-Cristo:

4 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ng sinuman.
5 Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami. - Mateo 24:4-5 Ang Biblia, 2001

>Shared. Ctto

12/01/2025

Malapit na nman ang Ka fiestahan ng Sto. Niño de Cebu, o ang Holy Child of Jesus, Marami pa rin tayong tanong lalo na ang mga kaibayo natin sa Pananampalataya, tulad sa Jesus Nazareno.

Yung mga nanunuligsa sa Santo Niño na gustong patayin ang tradisyon na ito, sila ngayon ay matatawag na mga MAKABAGONG HERODES, dahil noon pa man nag isilang ang batang Jesus ay ipinahanap na ito ni Haring Herodes di para sambahin,kundi para patayin.

Nang hindi bumalik ang mga MAGO o PANTAS ki Haring Herodes, pinatawag niya ang kanyang mga alagad upang patayin ang batang Jesus at kasama ang mga sanggol sa kanyang nasasakupan.

Mateo 2:13

Pagkaalis nila nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, "Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag ina at huwag kayong aalis doon hanggat hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang PATAYIN.

Pinapatay ni Haring Herodes ang mga sanggol sa kanyang nasasakupan dalawang taong gulang pababa.

Mateo 2:16
Galit na galit si Herodes nang malamang siyay napaglalangan ng mga pantas.Kayat ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook lahat na may gulang na dalawang taon pababa. Alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga pantas.

Alam kasi ni Herodes na ito ng batang ito ang Mag hahari sa Sanlibutan, gaya ng sinabi sa mga hula ng mga Propeta.

Saan nga ba galing ang Pananampalataya ng mga Pilipino sa Santo Niño?

Ang Santo Niño de Cebu ay galing sa Espanya, sa Expedition ni Ferdinand Magellan, Noong March 16,1521,na kasama ang misyonerong pari na si Padre Pedro Valderama, na siyang nagbinyag sa lider ng Cebu, na sina Rajah Humabon at kanyang maybahay na si Lady Humaway, at si Ferdinand Magellan ang nagbigay ng imahe ng Santo Niño bilang regalo sa mag asawang naging Kristiyano, sa araw ng kanilang binyag Noong April 14,1521.

Pero di nawawala ang tanong taon taon ng mga kaibayo natin sa Pananampalataya kesyo, di naman daw mababasa letra por letra ang Santo Niño sa Banal na Kasulatan. 😂😂😂
May mababasa nga ba?
Of course meron😂😂

Bakit mo naman kasi hahanapin ang salitang Espanyol sa English at Tagalog na Bilblia? 😂😂😂
In Spanish
Señor meaning "Lord"sa Tagalog "Panginoon "

Santo meaning "Holy"sa Tagalog "Banal"

Isaias 9:6(Reina Valera 89)
"porque un NIÑO no es nacido un hijo no escape dado, y el domino estara sober su humbro.Se llamada su nombre:Admirable consejero, dios fuerte, padre eterno, Principe de Paz.

Isaiah 9:6(NRSV)
"For a CHILD has been born for us, a Son given to us;Authority rests upon his shoulder:Mighty God Everlasting Father, Prince of peace.

Isaias 9:6 (TLAB)
"Sapagkat sa ating ay ipinanganak ang isang BATA, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake, at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat:at ang kanyang pangalan ay tatawaging kamangha mangha, tagapayo, Makapangyarihang Dios, walang Hanggang Ama, pangulo ng kapayapaan. "

Marami pang mga talata na ang batang Jesus ay dumaan din sa pag ka bata, dahil nagkatawang tao siya.

Ano ba ang kahulugan ng PIT SEÑOR?

Salitang pinagsamang Cebuanong dialekto na "SANGPIT"meaning Call o Tumawag

SEÑOR na salitang Espanyol na ibig sabihin
"LORD O PANGINOON.

PIT SEÑOR
TUMAWAG SA PANGINOON
CALL TO THE LORD...

FOR GOD, FOR THE CHURCH

27/08/2024

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Johnny Añana, Alan Totzkie Cortez, Derik Reqz-kilyu, Jojo Laygan, Fe Lagria, Jerry Amad Carcueva, JB Banad, Allan Acuno, Geraldine Layag Mancao, Neulita Pantas, Rene Justiniani Sedonio, Armando Macario, Mark Arabis Lucindo, Ver Tamparong Actub, Weh Weh, Philip Cesar Herrera, Elorde Mercado Jr., Sursi Divine, Joel Mercadz, Cornelio Casabuena

28/07/2024

Sabbath ng kristiano - Sabado O' linggo

ARAW NG PAMAMAHINGA NG KRISTIANO... SABADO BA O' LINGGO?
Kuya adviser CFD

MARAMI NAG REREQUEST NA TALAKAYIN NATIN KUNG BAKIT TAYONG MGA KATOLIKO.. ANG ARAW NG PAMAMAHINGA NATIN AY "LINGGO" SAMANTALANG SA OLD TESTAMENT DAW ANG MGA TAO AY NAG PAPANGILIN NG PAMAMAHINGA SA ARAW NG "SABADO"

MARAMING 7th DAY ADVENTIST O' SABADISTA.. ANG TUMUTUTOL SA ATING MGA KATOLIKO DAHIL SA PAG SAMBA O' PAG SIMBA NATIN TUWING LINGGO

BIBLICAL BASIS NILA

Exodus 20:8-11,
"Ipangilin ninyo ang araw ng SABBATH ... "Sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat at lahat ng naroon pero nagpahinga siya sa IKAPITONG ARAW. Kaya nga binasbasan ng Panginoon ang Sabbath at ginawa ito banal."

KAYA ANG MGA LINGKOD NG DIYOS SA OLD TESTAMENT AY GINUGUNITA ANG "SABADO" BILANG ISANG BANAL NA PAMAMAHINGA O' YUNG ARAW NG SABBATH

******

UNA SA LAHAT ANG PAGSIMBA NATIN SA ARAW NG "LINGGO" ITO AY GINAGAWA NA NATING MGA KRISTIANO MATAGAL NG PANAHON NA

ITO PO AY ISANG "TRADISYON" NA MULA SA ATING PANGINOONG HESUS AT SA KANYANG MGA APOSTOL NA MAGPASA HANGANG NGAYON ITO AY ATING DALA DALA.

WALA PA SI MARTIN LUTHER.. MGA PROTESTANTE AT MGA 90's CHURCH.. TAYONG MGA KRISTIANONG KATOLIKO AY GINAGAWA NANATIN ITO MATAGAL NG PANAHON NA, NA MULA PA SA ATING NINUNONG APOSTOL..

*TANONG: kuya adviser.. bakit naman po linggo na natin ginugunita at hindi na sabado? ano ang biblical basis nito?
OK.. :) KUNG MAMAPANSIN NIYO DOON SA SITAS NA BINIBIGAY MALIMIT NG MGA SABADISTA AY ANG "EXODUS" NA TUMUTUKOY SA ARAW NG SABBATH

ITO PO AY "OLD TESTAMENT" NA UTOS PA O' "DATING KAAYUSAN" PA., HINDI YAN UTOS SA KRISTIANO, DAHIL WALA PA ANG PANGINOONG HESUS DITO SA LUPA..

ANG SABBATH PO SA OLD TESTAMENT.. AY BAWAL KUMILOS O' KELANGAN ISANG TABI MO MUNA ANG LAHAT NG TRABAHO O' IYONG GAWAIN.. DAHIL PAG HINDI MO ITO GINAWA IKAW AY LALABAG SA KATUTUSAN O' SA BATAS

PERO NG DUMATING NA ANG ATING PANGINOONG HESUS DITO SA LUPA.. ANG PANGINOONG HESUS AY KUMIKILOS SA ARAW NG SABBATH

(MARK 2:23)
"At nangyari, na nagdaraan siya sa mga bukiran ng trigo nang ARAW NG SABBATH; at ang mga alagad niya,"

SO NG NAKITA NG MGA PARISEO ANG GINAGAWA NI HESUS NA PAGKILOS SA ARAW NG SABBATH.. ITO ANG SINABI NILA SA KANYA

MARK 2:24
"At sinabi sa kaniya ng mga Fariseo, "NARITO!, bakit ginagawa nila sa araw ng sabbath ang HINDI MATUIWID?"

KAYA NAMAN GALIT NA GALIT ANG MGA PARISEO KAY HESUS DAHIL INAAKALA NILANG NILALABAG NI HESUS SA KAUTUSAN NG LUMANG TIPAN.. KAYA ITO'Y GUSTO NILANG IPAPATAY DAHIT HINDI NILA NAUUNAWAAN ANG GINAGAWA NI HESUS..

*****

KAYA TAYO PO AY NASA PANAHON NA NG "NEW TESTAMENT" O' "BAGONG KAAYUSAN"

ITO ANG SABI NG ATING PANGINOON

Mateo 5:17
"Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: AKO'Y NAPARITO HINDI UPANG SIRAIN, KUNDI UPANG GANAPIN"

ITO AY NILINAW NI HESUS.. HINDI SIYA NAPARITO UPANG SIRAIN ANG KATUSAN.. KUNDI UPANG "GANAPIN" DAHIL SI HESUS ANG "KATUPARAN" NG LUMANG TIPAN.. KAYA NG DUMATING SI HESUS NAGKAROON NG "PAGBABAGO"

HINDI NA TAYO UNDER NG LAW.. TAYO AY SAKOP NA SA GRASYA NG PANGINOONG HESUS

KAYA TAYO NAGSISIMBA SA ARAW NG LINGGO SAPAGKAT SI KRISTO PO AY MULING NABUHAY SA UNANG ARAW NG "LINGGO" :)

(MATEO 28:1-7)
"MATAPOS ang Sabbath, sa madaling araw ng UNANG ARAW NG LINGGO, nagpunta sa puntod sina Maria Magdalena at ang isa pang Maria … (kinausap sila ng anghel na naroon at sinabi) Humayo kayo, madali, at sabihin sa kanyang mga disipulo: 'NABUHAY na siya mula sa mga patay …"

KITAMS.. MALINAW NA SIYA AY NABUHAY SA UNANG ARAW NG "LINGGO" :)

SO NG MABUHAY SI HESUS SA ARAW NG LINGGO ANO ANG GINAWA NILA SA ARAW NA ITO?? KARUGTONG ↓↓

(MATEO 28:9 at 17)
"At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, MANGAGALAK KAYO!. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at SIYA'Y SINAMBA"

17 - At nang siya'y kanilang makita, ay KANILANG SINAMBA SIYA; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan

SEE.. :) NAPAKA LINAW NA LINGGO NABUHAY ANG ATING PNAGINOON AT TAYO'Y SUMASAMBA DIN SA KANYA SA ARAW NG LINGGO NA IYON KATULAD NG GINAWA NILA..

SA ATING MGA KRISTIANO MAHALAGA ANG ARAW NG LINGGO.. DAHIL SA ARAW NA ITO AY MULING NABUHAY ANG PANGINOONG HESUS.. SABI NGA KASULATAN AY GANITO

(1 CORINTHIANS 15:14)
"Kung si KRISTO AY HINDI MULING NABUHAY, ang pangangaral namin ay WALANG HALAGA at ganoon na rin ang inyong PANANAMPALATAYA."

KAYA NAPAKA HALAGA NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON SA ARAW NG "LINGGO", KASI KUNG HINDI SIYA NABUHAY, OUR FAITH IS USELESS :) .. KAYA TAYONG MGA KRISTIANO GINUGUNITA NATIN ITO SA ARAW NG LINGGO

****

KAYA ANG MGA APOSTOL... GINUGUNITA DIN NILA ANG PANGINOON SA UNANG ARAW NG LINGGO

(ACTS 20:7)
"SA UNANG ARAW NG LINGGO ay nagtipon kami para sa pagpup**ol-p**ol ng tinapay. Nagsalita si Pablo sa mga tao at dahil aalis siya sa susunod na araw ay nagsalita siya hanggang hatinggabi."

KAYA HANGANG NGAYON.. SA UNANG ARAW NG LINGGO TAYO AY NAGTITIPON AT NAG PUPUTOL PUTOL DIN NG TINAPAY NA GINAGAWA NATIN SA BANAL NA MISA.. AT ETO PA:

(1 CORINTHIANS 16:2)
"Tuwing UNANG ARAW NG LINGGO (Linggo 'yon), ang bawat isa sa inyo ay magtabi ng salapi na kanyang naipon sangayon sa kanyang kabuhayan, para pagdating ko wala nang koleksyon na gagawin."

NAPAKALINAW NA NAGTITIPON ANG MGA KRISTIANO, SUMASAMBA, AT NAGAARAL NG PANANAMPALATAYA SA "UNANG ARAW NG LINGGO".

NA HANGANG SA NGAYON DALA DALA NATIN DITO SA IGLESIA KATOLIKA NA SIYANG SIMBAHAN NG PANGINOONG HESUS.

SAPAGKAT ANG PANGINOONG HESUS AY:

(MATEO 12:8) AT (MARK 2:28)
"the SON OF MAN IS LORD OF THE SABBATH"

KAYA ANG PANGINOONG HESUS ANG "BAGO" AT WALANGANG HAGANG TIPAN.. HINDI NA LUMANG KAAYUSAN ANG SINUSUNOD NATIN DAHIL NAG BAGO NA ITO SA PAMAMAGITAN NG ATING PANGINOONG HESUS.

12/06/2024

TAMA NGA BA ANG PINAGSASABI AT ANG PAGKAKA UNAWA NG NASA VIDEO?

Maraming talata sa Biblia na nagsasabi na Diyos ang Panginoong Jesucristo.isa na dito ang Tito 2:13

TITO 2:13 AT ANG PAGKA-DIOS NI CRISTO

Isa sa maraming talata sa Biblia kung saan direktang tinawag si Cristo na "Dios" ay ang Tito 2:13, (NIV) "while we wait for the blessed hope—the appearing of the glory of our great God and Savior, Jesus Christ" (προσδεχόμενοι τὴν μακαρίαν ἐλπίδα καὶ ἐπιφάνειαν τῆς δόξης τοῦ μεγάλου Θεοῦ καὶ Σωτῆρος ἡμῶν Χριστοῦ Ἰησοῦ"). Pero pilit parin na pinipilipit ito ng mga hindi sumasampalataya sa pagka-Dios ni Cristo tulad ng mga Iglesia ni Cristo at Mga Saksi ni Jehovah. Ayon sa kanila ang "Dios" ay tumutukoy sa Ama at ang "Tagapagligtas" ay kay Cristo. Pinaghihiwalay nila ang dalawa “Dios” at “Tagapagligtas.”

Kaya ang tanong: TAMA KAYA ANG INTERPRETASYON NG MGA KULTONG ITO SA TITO 2:13? ANO NGA BA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NUNG TALATA?

Mga kapanalig, malinaw at maliwanag po ang talata, pero baka dumilim na talaga ang pag-iisip ng mga kultong ito. Ang mga salitang "Dios" at "Tagapagligtas" ay tumutukoy pareho kay Cristo. Ito po ay dahil sa mga sumusunod na mga punto:

1. Sa Isais 43:11 sabi ng Dios,"Ako ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang Tagapagligtas." Kung ating susundan ang simpleng lohika, kung ang Dios lamang ang Tagapagligtas, at si Jesus ay Tagapagligtas, samakatwid si Jesus ay Dios.

2. Hope. Si Cristo ay tinatawag ni Apostol San Pablo na "pag-asa": "at ni Cristo na ating pag-asa" (1 Tim.1:1)

3. Coming. Ang Unang Pagparito ni Jesus ay tinatawag na "ἐπιφανείας, epiphaneias" (2 Tim. 1:10). At wala namang ibang magbabalik kundi si Cristo (1 Tim. 6:14 "ἐπιφανείας, epiphaneias").

4. Kung ang talata ay susuriin gamit ang gramatikang Griyego tiyak na lalabas na ang "Dios at Tagapagligtas" ay tumutukoy kay Cristo. Granville Sharp's Rule says, in broad stroke, that whenever the article (“the”), a substantive (“noun”), “kai” (translated “and, but, even, also, namely”), and a substantive ("noun") are used, they always refer to the same person (James R. White. The Forgotten Trinity. Minneapolis, MN. Baker Publishing Group, 1998, pages 77-78.). This is called the TSKS construction. Kaya ang "Dios at Tagapagligtas" ay parehong tumutukoy sa iisang persona - si JesuCristo.

Ang mga katotohanang ito ay di nakapagtataka, mga kapanalig, na sang-ayunan ng isa sa mga respetadong Bible scholars sa ating panahon na nagpahayag ng ganito, "...there is no good reason to reject Titus 2:13 as an explicit affirmation of the deity of Christ” (Wallace, Daniel. Greek Grammar beyond the Basics: An Exegetical Syntax of the New Testament. Grand Rapids, MI: Zondervan. 1996. 276.).❤️

Knowthetruth
Fr. Fran

Photos from Mr.Layko Katoliko Defensor's post 27/05/2024

Hindi basta bastang mga Protestante bumalik sa Simbahang Katoliko.

Protestant Bible Scholars converted to Catholic Church.

17/05/2024

FELIX MANALO: HULING SUGO NGA BA?
ATING USISAIN.

Isaias 46:11

Una, WALANG MALINAW at LITERAL na BINABANGGIT ang BIBLIA tungkol kay G. FELIX Y. MANALO, lalo na ang kanyang pag-aangkin bilang 'HULING SUGO' raw ng Diyos. Hindi siya nabanggit at lalong hindi naitala ang kanyang tungkuling bilang sugo sa mga huling araw.

Ngunit pinamimilit nilang si G. Felix Y. Manalo raw ay ang KATUPARAN sa HULA sa Biblia.

Sinong HUMULA? Si Propeta Isaias daw [46:11]

'Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.'
Itong 'Ibong Mandaragit' daw ay walang iba kundi si G. Felix Y. Manalo! Ang labo.

At dahil WALANG LINAW na literal na si Felix Manalao nga ang tinubumbok at tinutukoy ni Propeta Isaias sa nabanggit na talata, wala silang ibang magawa kundi PAGTAGPI-TAGPIIN ang kanilang aral mula sa mga OUT OF CONTEXT na SIPI mula sa IBA'T IBANG TALATA ng Biblia upang MAKABUO ng SAKNONG at PANGUNGUSAP at nang MABUO ang aral na si G. FELIX MANALO nga ay ang siyang HULING SUGO ng Diyos.

Simpleng paliwanag ukol sa doktrina ng 'Santatlo'

Sino ba si Propeta ISAIAS? Siya ba ay tinawag ng Diyos bilang propeta upang PAG-UKULAN ng ORAS si G. Felix Y. Manalo? Malabo!

Si PROPETA ISAIAS ay PROPETA ukol sa PAGDATING ng 'EMMANUEL' na MESIAS na si HESUS.

Siya rin ay HUMULA ukol sa SASAPITIN ng ISRAEL sa PANANAKOP ni CYRUS ng ANZAN. Bagamat siya'y MABAGSIK, si CYRUS ang IBONG MANDARAGIT na tinutukoy sa Isaias 46:11.
Upang maunawaan kung sino ang tinutukoy na 'ibong mandaragit', ang tamang konteksto ay mababasa sa unahan ng Isaias 46:11.

Isaias 41:2 ~ malinaw na tinutukoy si Cyrus mula sa silangan bilang 'nasa katuwiran'; pinagpuno siya sa mga hari.

Sa Isaias 45:1 ~ si haring Cyrus ang pinahiran ng Diyos

Isaias 45:13 ~ si haring Cyrus ang muling magtatayo ng bayan ng Diyos, siya ang kakalag sa mga napiit

At pagdating sa Isaias 46:11, biglang si FELIX MANALO ang aako ng inatas ng Diyos kay haring Cyrus? Imposible!

Juan 10:16

"At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."

Si G. FELIX Y. MANALO raw ang tinutukoy na 'PASTOR' sa talata sa itaas (PASUGO Mayo 1961, p. 22)

"Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5)."
"Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

Hindi ba't ang TINUTUKOY na IISANG PASTOR ng KAWAN (Iglesia) ay walang iba kundi ang ATING PANGINOONG HESUKRISTO (Juan 10:11)? At magkakaroon lamang ng IISANG PASTOR na gagabay sa kawan (Ezekiel 34:23).

AYON KAY G. FELIX MANALO, SI CRISTO ANG TINUTUKOY SA JUAN 10:16 AT HINDI SIYA!

Sa isang aklat ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pinamagatang SULO, 1947 p.58, na AKDA ni G. FELIX Y. MANALO, INAAMIN at PINATUTUNAYAN niyang ang ating Panginoong Hesus ang tinutukoy sa Juan 10:16 SALUNGAT sa katuruan ng INC™ ngayon na si Felix Y. Manalo raw ang tinutukoy na 'pastor' sa Juan 10:16!

"Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)"
O di ba, isang ARAL na SALU-SALUNGATAN ang kanilang KATITISURAN?!

Hula ng Biblia na Akmang-akma kay G. Felix Y. Manalo at Sila'y TATALIKOD sa tunay na Iglesia ni Cristo!

Maraming hula ang nagkatotoo at NATUPAD kay G. Felix Manalo. At ito ay ang kanyang pagiging 'sugo'. Iyon lamang hindi siya sugo ng katotohanan kundi siya ay sugo ng panlilinlang at kasinungalingan laban sa ating Panginoong Hesus.

"Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo." -Mateo 24:24
"Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga g**ong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha." -2 Timoteo 4:3-4
"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo. Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan." -Mga Gawa 20:28-30
"Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang g**o, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling." -2 Pedro 2:1-3
ANG ANTI-KRISTO!

Pangalawa, sinasabi ni Apostol San Juan (2 Juan 1:7) na ang mga MANGANGARAL na HINDI TINATANGGAP si HESUS [DIYOS] na naparito sa LAMAN, ay mga MANDARAYA ~ mga ANTI-KRISTO!

"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang ANTICRISTO." -2 Juan 1:7
"Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung HINDI IPINAHAHAYAG SI JESUS, AY HINDI SA DIYOS: at ITO ANG SA ANTICRISTO, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na." -1 Juan 4:2-3
Kahindik-hindik ang mga aral ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pilit IBINABABA ang Panginong Hesus bilang 'tao lamang' sa kabila ng MALINAW na PAHAYAG sa Biblia na Siya nga ay DIYOS na nagkatawang-tao. Samantalang pilit na ITINATAAS naman si G. Felix Y. Manalo na TAO, bilang 'anghel o huling sugo' na MALABONG NABABANGGIT at MALAYONG TINUTUKOY sa Biblia kahit kailan!

At kahit kailan, HINDI MANANAIG ang mga aral na MAPANLINLANG! Iwaksi ang mga mapanlinlang na doktrina. Talikdan ang mga huwad na sugo at lisanin ang nagpapanggap na kay Cristo!

16/05/2024

Share ko lang yong lesson namin sa apologetics.

Level 1 - APOLOGETICS

* A Defense of Sacred Images
* Defending the Seven Sacraments
* A Defense of Marian Doctrines
* Christians and the Old Testament Dietary Laws
* Defending the Sign of the Cross
* Defending Celibacy
* Defending the Intercession of the Saints
* Defending the prayer for the dead

Identify the attackers, their strategies and their strong and weak arguments:

* Iglesia ni Cristo
* Ang Dating Daan
* Jehovah's Witnesses
* Mormons
* Born Again
* Baptist
* Pentecostal 4th Watch
* Pentecostal Oneness
* Islam
* Atheism

Level 2 - SCRIPTURE

BASICS

* Familiarize the important documents of the church (Catechism of the Catholic Church and Dei Verbum )
* Identify the writers and authors of each book.
* Old Testament, Deuterocanonical Books, New Testament, Gnostic Gospels, and Pseudepigrapha
* Old Testament manuscripts
* New Testament manuscripts
* The Canon of Scripture
* The Bible versions of the Catholic Church and the Bible versions of the Protestants
* Literary and Historical Context

ADVANCE

* Learn to Read Biblical Greek
* Learn to Read Biblical Hebrew
* Exegesis
* Biblical Criticsm
A.) Textual Criticism
B.) Philological Criticism
C.) Tradition Criticism
D.) Form Criticism
E.) Literary Criticism

Pro Deo et Ecclessia

06/05/2024

Itong talatang ito,di kayang tanggapin lalo na ng INC ni Manalo ang pag ka Diyos ni Cristo o existido na bago pa lalangin ang langit at lupa..

Ang laging kanilang batikos dito na "Salita"lang daw o nasa isip pa lang ng Dios ang tinatawag na "Verbo o Salita,yan kasi ang mangyayari Kung chop chop ang pagbabasa.

Juan 1:1 MBB
Sa Pasimula pa'y naroon na ang Salita.KASAMA NG DIOS ANG SALITA AT SALITA AY DIOS.
2 Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa.

Basahin natin ang kasunod

3 Sa pamamagitan niya(Jesus)nilikha ang lahat ng bagay,at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.

Malinaw sa sulat ni San Juan na sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng mga bagay..dito nagpapatunay na existido ang Cristo sa pasimula pa lang..

Yung "Salita"sa Juan 1:1 na ka sama na ng Dios

Basahin natin ang
Juan 1:14
Naging TAO ang SALITA at siyay naninirahan sa piling natin..

1 Tim 3:16
And without controversy great is the Mystery of Godliness God was manifested in the flesh justified in the spirit seen of angels preached into the Gentiles believed on in the world,received up into Glory.

Romans 9:5
And the Fathers from whom Christ appeared in the flesh.who is God overall to whom are due Praises and Thanksgiving Amen.

Pro Deo et Ecclesia

29/04/2024

Kasalanan ba ang pagkain ng Dinuguan?
(Medyo mahaba ngunit makatutulong sa atin bilang mga Katoliko)

📌Levitico 17:10
Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man.

📌Levitico 17:14
Sapagkat ang buhay ng bawat hayop ay nasa dugo, kaya huwag kayong kakain ng dugo. Ang sinumang lumabag dito'y ititiwalag sa sambayanan.

Ito ang mga bible verse na kadalasang ginagamit ng mga Anti-Catholics upang paratangan tayong mga Katoliko na tayo ay nagkakasala sa tuwing kumakain ng dinuguan.

⚠️TAMA ba ang mga paratang nila sa atin?

Bago tayo malinlang, alamin at pag-aralan muna natin.

Huwag nating kalimutan na ang Levitico ay bahagi ng Lumang Tipan. Sa panahong ito ang DUGO ay ginagamit na pantubos para sa mga kasalanan.

📌Levitico 17:11-12
Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay. Kaya nga, hindi ito dapat kainin ninuman, maging siya'y Israelita o dayuhan man.

‼️Kung bawal ang pagkain ng dugo, bakit nga ba kumakain ng dinuguan ang mga Katoliko?

Dito papasok ang BAGONG TIPAN.

📌Hebreo 13:12
Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Kitams, ang DUGO ng Panginoong Jesus ang pinantubos sa ating mga kasalanan.

Samakatuwid, ang Kanyang DUGO na ang HULI, SAPAT, PERFECT, at FINAL SACRIFICE. Kaya hindi na kailangan pa na mag-alay ng dugo.

In short, nilinis na. Dahil dito, noong tumanggi si Pedro na kainin ang mga hayop na nakita nya sa kanyang pangitain dahil marurumi ang mga ito, sinabihan siya ng Panginoon:

📌Mga Gawa 10:15
Muli niyang narinig ang tinig, “Huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos."

Ayan, ibig sabihin ang kautusan na hindi pagkain ng dugo ay HINDI NA APPLICABLE sa panahon natin ngayon. Ang mga pagkaing itinuturing na madumi sa panahon ng LUMANG TIPAN ay NILINIS na.

⚠️TANONG: Bakit palpak ang literal na pagkaunawa ng mga Anti-Catholics sa..

📌Levitico 17:10
Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man.

‼️SAGOT:
1. Dahil kung sinusunod nga nila ito bakit hindi kasama ang kasunod na verse which is Levitico 17:11?

📌Levitico 17:11
Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay.

⚠️May altar ba sila?
⚠️Saan ang altar nila?
⚠️Bakit hindi sila naghahandog ng dugo?

2. Kung magkagayon nga, dapat sinusunod na rin ng mga Anti-Catholics ang mga kautusang ito na nakasulat sa Levitico:

Bawal kumain ng BABOY - 📌Levtico 11:7
Bawal kumain ng KARNE - 📌Levitico 11:8
Bawal kainin ang lahat ng nasa tubig na WALANG PALIKPIK at KALISKIS - 📌Levitico 11:12
At marami pang utos.

⚠️Bakit DUGO lang ang bawal kainin? Bakit pinipili lang ang bible verse?

Kung ipagpipilitan naman nilang mayroong nakasulat sa BAGONG TIPAN na bawal kumain ng dugo at babasahin ang Mga Gawa 15:29...

📌Mga Gawa 15:29
"huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag kayong makikiapid...

‼️Malinaw pa sa sikat ng araw, na ang tinutukoy dito ay DUGO na inihandog sa mga dios-diosan, dugong hilaw, sariwa, at hindi niluto.

‼️Panu kung nagkatay ka lang ng baboy dahil may birthday, may kasal, may binyag, o may handaan? bawal na iyon?

‼️Kung bawal pala ang pagkain ng dinuguan, e di sana bawal na rin ang pagkain ng half-cooked na karne, may dugo pa yun diba?

Muli, HINDI PO BAWAL ang pagkain ng DINUGUAN, nilutong dugo na sumasarap kapag may kasamang p**o. 😍

Nawa may bago po tayong natutunang pangdepensa sa ating pananampalataya ngayong araw.

Catholic at Work
-Bro. Admin

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Naga?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Naga

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mr.Layko Katoliko Defensor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Naga.