RM
Magbitang Online Supporters
🌈 LGBT Pilipinas One NAIC 🌈
Grand Sagayla Naic 2026 👑
Isang makulay na pagdiriwang ng kagandahan, kultura, pagkakaisa, at pagmamalaki. Sama-sama nating ipagdiwang ang talento, kumpiyansa, at inspirasyon ng LGBTQIA+ community sa Grand Sagayla Naic 2026.
Love. Pride. Equality. 🏳️🌈✨
27/06/2026
Ang pag-aasawa ay hindi lamang tungkol sa masasayang sandali, kundi sa pagpili sa isa't isa araw-araw—sa gitna ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng pag-uunawaan, pagtutulungan, at pagmamahalan.
Nawa'y maging matibay ang pundasyon ng bawat pamilyang inyong bubuuin at magsilbing gabay ang pagmamahalan, respeto, at pagtutulungan sa bawat hakbang ng inyong pagsasama.
27/06/2026
Isang karangalan na sa unang pagkakataon bilang Mayor ng Bayan ng Naic, na pangunahan ang pag-iisang dibdib ng mga bagong mag-asawa sa ating Kasalang Bayan nitong June 25, 2026.
Sa lahat ng ating mga bagong kasal, taos-puso namin kayong binabati. Nawa'y maging matatag ang inyong pagsasama, laging manaig ang pagmamahalan, pag-unawa, at respeto sa isa't isa habang magkasama ninyong hinaharap ang panibagong yugto ng inyong buhay.
27/06/2026
Nakiisa tayo sa isinagawang Surgical Mission sa Triple 8, Sabang, ngayong Biyernes, June 26, 2026, kung saan maraming kababayang Naicqueño ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal.
Taos-puso ang ating pasasalamat sa World Surgical Foundation Philippines, Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), M360 Digital for Good, at sa lahat ng proffesionals, volunteers, at mga katuwang na naglaan ng kanilang oras at serbisyo para sa ating bayan ng Naic.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang mga programang nagbibigay pag-asa at mas maayos na kalusugan para sa bawat pamilyang Naicqueño.
27/06/2026
Nakiisa tayo sa Pride Month Celebration at Pride March na ginanap nitong Huwebes, June 25, 2026, sa Naic Town Plaza bilang pagpapakita ng ating suporta sa isang komunidad na patuloy na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, respeto, at pagtanggap.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng makulay at makabuluhang pagdiriwang na ito. Nawa'y patuloy nating isulong ang isang bayan ng Naic na may malasakit, paggalang, at pantay na oportunidad para sa bawat isa.
Panoorin: Yorme Rommel Magbitang sa kanyang Unang Kasalang Bayan.
Sa bawat seremonya ng pag-iisang dibdib, hindi lamang mga pangarap ang nabibigyan ng katuparan, kundi lalo ring pinagtitibay ang kahalagahan ng pamilya bilang pundasyon ng isang mas matatag na bayan.
27/06/2026
Ngayong Huwebes, nagtungo tayo kasama si Konsehal Ryan "Wakay" Flores sa Signing of Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic at Department of Migrant Workers sa Stadium Shopping Strip.
Patuloy tayong nakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya upang mas mapalawak ang mga programang makatutulong sa ating mga kababayang manggagawa at kanilang mga pamilya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
Sabang
Naic
4110
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when RM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.