Navotas City Library
Navotas City Library is a very useful platform that brings together people who are willing to learn.
The Navotas City Library under the Public Information Office is open for students of Navotas and other cities. We have different services to name a few
* E-Library
* Storytelling
* Film showing
* Bulilit corner and the latest technology Tech4ED
13/08/2026
๐ง๏ธ Rainy Thursday Visitors of Navotas City Library! ๐๐ฒ
Kahit maulan, tuloy pa rin ang saya at pagkatuto sa ating Navotas City Library!
Tara na at bumisita sa ating City Library!
Location:
๐ 2nd Floor, Phase 1B Multipurpose Building, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran
โฐMonday โ Friday, 8:00AM -5:00PM
07/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐ ALAM MO BA?
Ang mga wika sa Pilipinas ay kabilang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wika sa bansa, at 40 sa mga ito ang nanganganib nang tuluyang mawala.
๐ Tingnan ang listahan ng mga wika na nanganganib nang tuluyang mawala.
https://kwfwikaatkultura.ph/listahan-ng-mga-nanganganib-at-naglahong-wika-ng-pilipinas/
Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, ipagdiwang natin ang yaman ng ating mga wika at kultura.
Paano tayo makatutulong?
๐ฃ๏ธ Gamitin at ipagmalaki ang sariling katutubong wika.
๐ฉโ๐ซ Ituro ito sa susunod na henerasyon.
๐ญ Suportahan ang mga gawaing nagtataguyod ng wika at kultura.
๐ Magbasa at magbahagi ng mga akda sa katutubong wika.
๐ค Igalang at pahalagahan ang lahat ng katutubong wika.
Kapag ginagamit natin ang ating wika, pinananatili nating buhay ang ating kultura at pagkakakilanlan.
Reference:
Komisyon sa Wikang Filipino. (n.d.). Listahan ng mga nanganganib na wika ng Pilipinas. KWF Repositoryo. https://kwfwikaatkultura.ph/listahan-ng-mga-nanganganib-at-naglahong-wika-ng-pilipinas/
Listahan ng mga Nanganganib na Wika ng Pilipinas โ KWF Repositoryo Listahan ng mga Nanganganib na Wika ng Pilipinas Listahan ng mga Nanganganib na Wika ng Pilipinas ย I-click para ma-download ang file Ano ang nanganganib na wika? Batay sa KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 18-33 s. 2018 (Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Depinisyon ng โNangan...
31/07/2026
๐๏ธ"Wala na raw pumupunta sa library?"๐
Hindi dito sa Navotasโkung saan patuloy na umuunlad ang kultura ng pagbabasa!
Ngayong Hulyo, nagtala ang Navotas City Library ng:
๐ 3,920 patron visits
๐ 8,547 libro at recreational materials na nagamit
Patunay ito na patuloy na umuunlad ang kultura ng pagbabasa at pagkatuto sa ating lungsod.
Tara na sa Navotas City Library! Sama-sama nating isulong ang kultura ng pagbabasa at panghabambuhay na pagkatuto.
*photos with permission
30/07/2026
๐ป e-Library sa Ating City Library!
May assignment? Research? Naghahanap ng government services online? O kailangan gumawa o mag-update ng iyong resume?
โ
Libre ang paggamit ng aming e-Library para sa lahat ng Navoteรฑo :
๐ Research at school assignments
๐ Access sa government websites at online services
๐ Resume at document preparation
๐ป Internet access para sa educational at informational purposes
Bukas ang City Library at handang tumulong sa inyong digital at information needs!
Tara na at bumisita sa ating City Library!
Location:
๐ 2nd Floor, Phase 1B Multipurpose Building, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran
โฐMonday โ Friday, 8:00AM -5:00PM
30/07/2026
๐Naghahanap ka ba ng panibagong babasahin?
Tuklasin ang aming mga bagong aklat na puno ng kaalaman, inspirasyon, at kasiyahan para sa lahat ng edad at iba't ibang hilig sa pagbabasa.
Bisitahin ang Navotas City Library at hiramin na ang susunod mong paboritong libro.
Location:
๐ 2nd Floor, Phase 1B Multipurpose Building, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran
โฐMonday โ Friday, 8:00AM -5:00PM
23/07/2026
๐ถECCD Corner para sa ating mga munting Navoteรฑo!๐
Tuklasin ang ECCD Corner ng Navotas City Libraryโisang ligtas at masayang espasyo para sa mga batang 0โ6 taong gulang upang magbasa, maglaro, matuto, at paunlarin ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng mga aklat, laruan, at iba pang interaktibong learning activities.
๐๏ธ Tuwing Biyernes ay Coloring Day! Libre ang coloring activity para sa ating mga munting bisita, kasama ang kanilang magulang o guardian. Isang masayang pagkakataon upang malinang ang kanilang pagkamalikhain, fine motor skills, at pagmamahal sa pagkatuto.
๐ข Paalala:
Para sa kaligtasan at maayos na paggabay sa mga bata, ang lahat ng gagamit ng ECCD Corner ay kinakailangang may kasamang magulang o guardian sa buong oras ng kanilang pananatili sa lugar.
๐ Tara na at bisitahin ang ECCD Corner sa Navotas City Libraryโisang ligtas, masaya, at makabuluhang lugar para sa ating mga munting Navoteรฑo!
๐Location:
2nd Floor, Phase 1B Multipurpose Building, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran
โฑ๏ธMonday โ Friday, 8:00AM -5:00PM
21/07/2026
๐ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป'๐ ๐๐ผ๐ผ๐ธ ๐๐ฎ๐!๐
Nakikiisa ang sa pagdiriwang ng 43rd National Children's Book Day ngayong Hulyo 21, 2026.
Bilang bahagi ng selebrasyon, naghandog ang Navotas City Library ng storytelling sessions para sa mga bata at mag-aaral upang bigyang-buhay ang mga kuwentong pambata at mahikayat pa silang mahalin ang pagbabasa.
Ang mga storytelling sessions ay pinangunahan ng mga ilang Kabataang Navoteรฑo na miyembro ng ating NavoBook Readers Club, na sina:
Jashtina Jane B. Dadol, Grade 8, NNHS
Jane Christine Parma, Grade 12, KHS
Dwayne Ashlee B. Caones, Grade 9, KHS
Mark Joseph R. Villarmino - Grade 9, KHS
Carlo E. Arnejo, Grade 9, KHS
Christian Immanuel R. Sollano, Grade 9, KHS
Namahagi rin ang Navotas City Library ng mga storybooks at coloring material sa mga batang dumalo.
Maraming salamat sa mga miyembro ng NavoBook Readers Club sa inyong oras, dedikasyon, at pakikiisa sa pagpapalaganap ng kultura ng pagbabasa sa inyong mga kapwa batang Navoteรฑo.
*photos with permission
17/07/2026
๐ Friday Library Visitors at the Grade School Reading Area
Masayang pagmasdan ang ating mga batang mambabasa na piniling gugulin ang kanilang oras sa pagbabasa sa Navotas City Library ngayong Biyernes.
Patuloy nating hikayatin ang mga kabataan na mahalin ang pagbabasa at gawing bahagi ng kanilang araw-araw ang pagbisita sa library.
Sinisiguro nating nagpapaalam muna sa kanilang mga magulang o guardian ang lahat ng batang bumibisita sa library.
๐ Happy Weekend!
16/07/2026
๐ Welcome to the NavoBook Readers Club!
Masaya naming tinanggap ang mga bagong miyembro ng NavoBook Readers Club!
Sa aming unang meet-up, nagkaroon ng get-to-know session, book discussion tungkol sa kanilang mga paboritong aklat, at pagtalakay sa tamang pag-access ng libreng eBooks at responsableng paggamit ng AI tools para sa pagkatuto at pananaliksik.
๐ Bawat miyembro ay nakatanggap din ng libreng aklat na babasahin at tatalakayin sa susunod na book club meeting.
See you next time, mga ka-NavoBook Readers Club!
๐ Interesado ka ring maging bahagi ng ating book club? Mag-drop by lamang sa Navotas City Library upang mag-register at maging bahagi ng ating komunidad ng mga mambabasa!
๐Location:
2nd Floor, Phase 1B Multipurpose Building, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran
Monday โ Friday, 8:00AM -5:00PM
15/07/2026
๐ Monthly Coffee Treats and Snacks ng Navotas City Library!
Ngayong araw, masayang nakiisa ang ating mga library users sa Silent Reading Hour, kung saan tahimik silang nagbasa ng mga aklat na kanilang pinili habang ine-enjoy ang libreng iced coffee. Mayroon ding libreng snacks para sa ating mga munting mambabasa.
Umabot sa 165 kabataan ang bumisita sa ating library ngayong araw at 219 na aklat ang kanilang nabasa at nagamit.
Ang pagbabasa habang nagkakape ay nakatutulong sa pagpapahinga, pagpapabuti ng konsentrasyon, at paglinang ng kaalaman.
๐Tayoโy Magbasa at Matuto. ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
M. Naval Street , Barangay Sipac-Almacen, Navotas City
Navotas
1485
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |