EPIC PRO

EPIC PRO

Share

Extraordinary People In Christ Professionals

07/09/2026

We are the temple of the Holy Spirit. Let us protect it.

07/09/2026

Ang paglago sa Fruit of the Spirit— lalo na pagdating sa Love— ay hindi lang basta basta usapin ng magandang pakiramdam. Minsan, akala natin sapat na 'yung mabait tayo sa mga taong mabait din sa atin, pero ang totoong hamon ng pag-ibig ay kapag kailangan mo na itong ibigay sa taong pinakamahirap mahalin.

- "Love" is a Package Deal, Not an Option: Sa Galatians 5:22, "Fruit" ang ginamit at hindi "Fruits." Big deal ang distinction na 'to. Hindi natin pwedeng piliin na "Kukunin ko lang ang Joy at Peace, pero ayoko ng Love at Patience kasi nakakapagod." Kapag nagtatrabaho ang Banal na Espiritu sa buhay mo, ang unang lalabas at maghahari ay ang Pag-ibig. Ito ang pundasyon ng lahat ng iba pang katangian.

- It is more than an Emotion; Ito ay Desisyon : Madaling magmahal kapag masaya ang paligid, pero paano kapag masakit na? Ang klase ng pag-ibig na itinuturo sa atin ay Agape—unconditional, sacrificial, at hindi nakabase sa ginagawa ng kapwa mo. It is choosing to respond with grace even when the other person gives you every reason to be angry.

- You cannot do this on your own strength: Ito ang dahilan kung bakit tinawag itong Fruit of the Spirit, hindi "Fruit of your own Effort." Kapag pilit mong minamahal ang nakakairita o nakakasakit sa'yo gamit lang ang sarili mong disiplina, mapapagod ka at magtatanim ng sama ng loob.

• Abide in the Source: Kailangan natin magbabad sa Diyos araw-araw. Kapag napuno ka ng pagmamahal Niya, doon lang mag-uumapaw ang kakayahan mong magpatawad at magmahal ng iba.

• Pause Before You React: Kapag sinusubok ang pasensya mo, huwag mong unahan ang emosyon mo. Hayaan mong ang Espiritu ang magpaalala sa'yo kung paano ka rin pinagpasensyahan at minahal ng Diyos noong hindi ka rin madaling mahalin.

Hindi easy magmahal nang ganito, pero ito talaga ang true mark ng taong pinalalago at binabago ng Holy Spirit.

05/09/2026

Standing in the gap is through prayer.

05/09/2026

Watch Your Nutrition

Nutrition isn't about starving yourself on salad for 3 days then rewarding yourself with unlimited samgyup. 😅 It's about "stewardship". God gave us our bodies to take care of, not to neglect, and definitely not to worship.

"Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; you were bought at a price. Therefore honor God with your bodies." - 1 Corinthians 6:19-20 (NIV)

🍽️ Self-Control at the Table

1. Don't let food be the boss.

Food is a gift from God, pero hindi dapat siya ang CEO ng buhay mo. 😂

'I have the right to do anything,' you say, but not everything is beneficial. 'I have the right to do anything,' but I will not be mastered by anything." -1 Corinthians 6:12 (NIV)

Kung mas malakas pa ang tawag ng chips kaysa sa Holy Spirit, baka kailangan na ng prayer meeting. 😆

2. Know the difference between gutom and gusto.

Minsan hindi ka gutom. Bored lang. Stressed. O kaya may nakita kang milk tea post sa Facebook. 😅

"Jesus answered, 'It is written: Man shall not live on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God.' - Matthew 4:4 (NIV)

Hindi lahat ng cravings ay needs.

3. Practice contentment.
One of the holiest sentences ever:
"Masarap... pero tama na."🤣

"But if we have food and clothing, we will be content with that." -1 Timothy 6:8 (NIV)

Contentment is knowing that satisfaction doesn't come from the next serving but from gratitude for what God has already provided.

4. Eat for God's glory.
Yes, even lunch can be worship when done with gratitude, wisdom, and moderation.

"So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God." - 1 Corinthians 10:31 (NIV)

Freedom is enjoying food , without food controlling you.

Because true satisfaction isn't found in an extra serving, but in God's presence.

Nutrition is not just about feeding the body. It's about honoring God through wise stewardship and self-control. And as we learn discipline at the table, we learn discipline in life.

04/09/2026

Listen to the Lord as He speaks with love, power and compassion.

04/09/2026

Usapang Budgeting 💰🙏

Ang totoong budgeting, hindi lang 'yan basta pagtitipid—spiritual act of stewardship din 'yan! The real question isn’t, "Magkano pa ba pera ko?" kundi, "Maituturing ba akong mabuting katiwala sa perang ipinagkatiwala sa akin ng Diyos?"

1. Unahin si Lord (Firstfruits Muna, Bago Shopee!)

"Honor the Lord with your wealth and with the firstfruits of all your produce." — Proverbs 3:9

Bago mag-swipe, bago mag-add to cart, at bago magbayad ng utilities—unahin muna si Lord. Kapag binabalik natin sa Kanya ang para sa Kanya, pinaalala natin sa sarili natin na galing din naman sa Kanya ang lahat ng nasa bank account natin.

2. Mag-plan Muna Bago Mag-Gastos 📊

"For which of you, desiring to build a tower, does not first sit down and count the cost?" — Luke 14:28

Sabi nga ni Jesus, mag-muni-muni, magkalkula, at upuan muna bago gumawa ng desisyon. Budgeting is basically "counting the cost." Minsan pray tayo nang pray para sa financial breakthrough, pero itinuturo muna ni Lord kung paano maging maayos na steward.

"The plans of the diligent lead surely to abundance, but everyone who is hasty comes only to poverty." — Proverbs 21:5
Bago i-click ang Place Order, tanungin ang sarili:

👉 "Need ba ito, blessing ba ito, o nabudol lang ako dahil free shipping?" 😅

3. Mag-Ipon para sa Kinabukasan (Huwag Ubos-Ubos!) 🏦

"Precious treasure and oil are in a wise man's dwelling, but a foolish man devours it." — Proverbs 21:20 (ESV)

Hindi po dahil pumasok na ang sweldo/sahod sa account mo ay kailangan mo na agad ubusin sa 9.9, 10.10, o 11.11 Megasale! 😂 Ang taong matalino, nag-iipon at naghahanda para sa bukas.

4. Matutong Makuntento 🤍

"Keep your life free from the love of money and be content with what you have." -Hebrews 13:5 ( ESV)

Hindi ibig sabihin ng contentment ay wala ka nang pangarap o ambisyon. Ibig sabihin lang nito, nagtitiwala ka na sapat ang provision ni Lord para sa araw na ito habang maayos mong pinamamahalaan ang panggastos mo.

5. Maging Bukas-Palad 🤲

"It is more blessed to give than to receive." — Acts 20:35

Kapag pinagpapala ka ni Lord, huwag mong solohin. Maging channel of blessing ka rin sa iba. Ang taong marunong magbigay, hindi nagiging alipin ng pera.

Pray before you spend, plan before you swipe, and remember: Hindi lahat ng 'Add to Cart' ay bulong ni Lord! 😄💳📖

.

03/09/2026

Hindi tayo kulang sa blessings, minsan kulang lang tayo sa pag-appreciate ng blessings. 😅

Parang ang mga Israelita nung nasa disyerto lang. Imagine mo yun, pinalaya na ng Diyos mula sa pagka-alipin sa Egypt, ginawan ng himala para makatawid sa Red Sea, at araw-araw binibigyan ng libreng pagkain mula sa langit (Manna). Pero dumaan lang ang ilang araw: "Manna na naman? Umay na kami, Lord! Mas masarap pa ang pagkain sa Egypt!" 😂

Minsan ganun din tayo.

Sa Pamilya:
"Lord, salamat at ibinigay Mo ang panalangin ko na magkaroon ng sariling pamilya at makakain ng sama-sama!"
Tapos ngayong tanghalian: "Lord, adobo na naman? Pang-tatlong araw na 'to ah! Wala bang panibagong ulam?" 😭

Sa School:
"Lord, makapasa lang ako sa entrance exam at makapasok sa magandang school!"
Tapos pagdating ng midterms:
"Lord, bakit ba kasi ang daming recitation at reporting? Ayoko na pumasok!" 😭

Sa Work:
"Lord, thank You at sa wakas nakahanap din ng trabaho matapos mag-job hunt!"
Pagkalipas ng ilang buwan:
"Lord, Monday na naman! Ang toxic naman dito!" 😭

Sa Church:
"Lord, salamat sa church family ko at sa opportunity na makapag-serve!"
Pagkalipas ng panahon:
"Lord, ang haba ng sermon! At bakit puro new or old songs na naman ang tugtog? Nakakabagot naman!" 😭

at marami pang iba....

Kaya sabi ng Bible:
"Godliness with contentment is great gain." (1 Timothy 6:6)

Hindi masama mangarap ng mas higit. Pero habang hinihintay mo ang susunod na blessing, huwag mong kalimutang pahalagahan yung blessing na hawak mo , food sa hapag, yung slot mo sa school, yung trabahong ipinagdasal mo dati, at ang spiritual family mo.

Kasi ang grateful na tao nakakakita ng dahilan para magpasalamat. Pero ang taong laging mapaghanap, parang naka-subscribe sa REKLAMO premium version. 🤣

Hindi lahat ng kulang sa buhay ay kakulangan ng biyaya. Minsan, kakulangan lang ng pasasalamat. 🙏❤️

Note: Pero ibang usapan sa spritual na pagpapalalim kung saan dapat laging hungry for more growth.. (Different Topic) ☺️

Lesson: Huwag maging "Team Manna-reklamo" na nakalimutan agad ang Red Sea moment dahil lang sa ulam, requirements, o haba ng sermon ngayon, etc. 😅 Magpasalamat sa mga bagay na hawak mo na.

02/09/2026

A dose of devotion. A dose of faith.

02/09/2026

Payong EpicPro - Real talk

💌 Huwag gumanti ng Masama sa Masama...

Dahil lang ginawa nila sa'yo, hindi ibig sabihin na kailangan mo ring ibalik. Hindi porket masakit ang ginawa nila, may free pass ka nang maging bida sa sarili mong story. 😅

Tama bang maghiganti? - Hindi!
"Taste your own medicine" ba ang solusyon? -Hindi rin!

📖👼Romans 12:17 (NLT)
"Never pay back evil with more evil. Do things in such a way that everyone can see you are honorable."

Kapag pinili mong gumanti, parang ikaw pa ang umiinom ng lason tapos umaasang sila ang mahihilo. 🤧

Sinaktan ka?
🙏 Pray for them.
🤍 Choose love.
🚫 Huwag mong hayaang lasunin ng galit o ng bulong ng kaaway ang isip mo.

Oo, mahirap. Sobrang hirap magpigil. Pero hindi lahat ng tama ay madali.

At tandaan, kapag hindi mo pinatulan, hindi ibig sabihin mahina ka. Minsan, ang tunay na lakas ay nasa pagpili ng kapayapaan kaysa gulo.

May mga laban na hindi para tayo ang lumaban.
Ipaubaya na kay Lord. Siya ang bahala. ✨

📖 Romans 12:19 -"Vengeance is Mine," says the Lord.

Kaya breathe in, breathe out. 😌
Hindi mo kailangang maging Avengers ng paghihiganti. May Diyos na gumagawa niyan nang mas maayos kaysa sa atin.

📖Exodus 14:14- "The Lord will fight for you; you need only to be still."

Lord! Kayo na po bahala.. 🙌

01/09/2026

May the Lord find us faithful.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Olongapo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


#7 20th Street , West Bajac-bajac
Olongapo
2200

Opening Hours

6pm - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EPIC PRO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Olongapo.