Ang Siklab
The Official Student Filipino Publication of Columban College Basic Education - Asinan Campus
24/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐๐๐-๐๐, ๐ข๐ค๐ข๐ง๐๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐
Bilang paggunita sa National CPR Day, ikinasa ng Philippine Red CrossโOlongapo City Chapter (PRC-OC), sa pakikilahok ng Columban College, Inc. โ Asinan Campus (CCA), ang Basic Life Support CPR Seminar and Simulation kanina, ika-24 ng Setyembre, sa Convery Hall.
Pinasinayaan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Czarina Reyes, pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang at Philippine Red Cross Hymn.
Tinalakay ni G. Daniel Jason M. Fernandez, volunteer, ang pagkakaiba ng heart attack at cardiac arrest, dalawang kondisyong kadalasang napagkakamalang magkapareho sa usapin ng basic life support.
Binigyang-diin din ni Fernandez na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kinakailangan ang mouth-to-mouth resuscitation, partikular sa mga sitwasyong maaaring isagawa ang hands-only CPR.
Itinuro rin sa mga kalahok ang wastong proseso ng pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR), kabilang ang tamang posisyon ng kamay, bilis at lalim ng chest compressions, gayundin ang mga hakbang na dapat sundin upang makatulong na mapanatili ang sirkulasyon ng dugo habang hinihintay ang karagdagang tulong medikal.
Matapos ang talakayan, isinagawa ang aktuwal na simulation upang mailapat ng mga kalahok ang mga natutuhan sa seminar. Sa pamamagitan nito, naisagawa nila ang wastong pamamaraan ng CPR at iba pang pangunahing hakbang sa basic life support.
Ayon kay G. Dwite Armel B. Alida, EMT, mahalagang matutuhan ng mga kabataan ang basic life support upang maging handa sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagtugon.
โNapaka-essential nito [basic life support training] na matutunan ng bawat kabataan kasi โdi natin alam kung kailan darating ang mga emergencies na ganito,โ ani Alida.
Samantala, binigyang-diin ni Czarina na layunin ng programa na magkaroon ng kahit isang indibidwal sa bawat silid-aralan na may sapat na kaalaman sa wastong pagtugon sa mga emergency.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa pagtugon sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang first aid at basic life support.
๐๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ฌ
๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐ฒ๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐ง๐ฃ๐จ ๐๐ฎ๐๐ ๐
08/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, tangan namin ang iyong tala na nagsisilbing liwanag sa madilim na karagatan.
Patuloy nawang gabayan ng Inang Mahal ang kaniyang sambayanang Columban para sa isang makabuluhang panuruang taon.
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐! ๐โจ
๐ฌ๐๐ ๐ธ๐๐๐๐, ๐ฒ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐!
27/08/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฅโจ
Kahapon, Agosto 27, ang buong pamayanang Columban ay nakiisa sa pagdiriwang ng isang taong hindi lamang humahakbang sa landas ng karunungan, kundi patuloy ding nagbibigay-init at inspirasyon sa mga taong kanyang ginagabayan.
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ฟ. ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ . ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ฟ๐๐!
Sa bawat payo, pag-unawa, at suportang inyong ipinagkakaloob, mas lalong nagiging makulay ang paglalakbay ng mga mag-aaral tungo sa kanilang mga pangarap. Ang inyong presensya ay nagsisilbing paalala na ang tunay na edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa mga araling naipapasa, kundi sa mga buhay na naaabot at napapalakas.
Mula sa ๐จ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at pagpapalakas sa aming tinig bilang kabataang mamamahayag.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng lakas, karunungan, at panibagong ningas upang mas marami pang buhay ang inyong maapuyan ng inspirasyon.
Isang masigla, makabuluhan, at maalab na kaarawan po! โค๏ธโ๐ฅ
โ ๐๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ธ๐น๐ฎ๐ฏ | ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ
11/08/2026
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐] ๐๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐
May mga panalanging binibigkas nang pabiro.
โSana tuloy-tuloy ang bagyo.โ
โSana suspended bukas.โ
โSana wala na namang pasok.โ
โSana mag-announce na si Mayor.โ
Ngunit nitong mga nakaraang linggo, tila sunod-sunod ding nagpapaalala ang kalangitan na ang bagyo ay hindi lamang kuwento ng kanseladong klase.
Noong unang bahagi ng Hulyo, pumasok sa Philippine Area of Responsibility si Super Typhoon Inday, na sinundan ng Tropical Depression Kiyapo noong Hulyo 22. Lumakas ito bilang tropical storm at nag-landfall noong Hulyo 24, habang pinalakas ang Habagat na nagdulot ng patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa hanggang Hulyo 27.
Sa isang panig, isa lamang itong hiling para sa dagdag na pahinga โ isang umagang walang tumutunog na alarma, walang paggising nang umaga para magplantsa, walang pagsusulit, at walang pagmamadaling pumasok sa paaralan.
Ngunit sa kabilang panig ng parehong ulan, may ibang umaga.
May mga batang hindi naghihintay ng anunsiyo ng suspensyon sa klase, kundi naghihintay ng paghupa ng tubig. May pamilyang hindi nagbibilang ng araw na may pasok, kundi mga gamit na maari pang maisalba. May tahanang hindi na ligtas na silungan. At higit sa lahat, may mga taong ang nais lamang ay matapos na ang bagyo.
Sapagkat hindi pare-pareho ang kinakaharap natin sa kalangitan. Habang ang ilan ay nakatingala sa madilim na ulap at umaasang magtuloy-tuloy ang ulan, may ilan namang nakatingala sa parehong ulap na may pangambang baka muling tumaas ang tubig.
Magkapareho ang kinahaharap nating bagyo, ngunit iba ang dala nitong bigat sa iba. Dito marahil nagiging mapanganib ang isang simpleng hiling โ hindi dahil masama ang maghangad ng suspension, bagkus maaari nating makalimutang may buhay na nakataya sa likod ng ating kaginhawaan.
Hindi natin kailangan na ikahiya ang pagnanais na mawalan ng pasok. Hindi rin natin kailangan na magkunwaring hindi tayo napapagod sa pag-aaral. Ngunit bago natin hilingin na โsana tuloy-tuloy ang bagyo,โ marahil ay maari muna nating isipin kung kaninong bubong ang kasalukuyang tinatangay ng bagyo.
Para sa iba, kapag may bagyo ay walang pasok. Sa iba naman ay kapag may bagyo ay walang katiyakan. Para sa iba ito ay paglikas, at para sa iba ay may tahanang maaring wala nang balikan.
Hindi lahat ng ulan ay dahilan para magdiwang. Hindi lahat ng suspensyon ay pahinga. At hindi lahat ng kalamidad ay pareho ang kwento sa bawat tahanan. Kaya sa susunod na mabuo sa ating mga labi ang isang hiling para sa isa na namang araw na walang pasok, alalahanin na may mga bagay na hindi nakikita sa loob ng ating silid-aralan.
Sa loob ng ating makapangyarihang hiling, may mga buhay na nakikipagbuno.
At wari, ang tunay na malasakit ay hindi pagtigil sa ating sariling hiling โ bagkus ang pag-alala na may ibang taong maaaring magbayad ng halaga nito.
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐
๐๐๐๐
๐ด๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐
01/08/2026
[๐๐๐๐๐๐] ๐๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง ๐๐ค-๐๐๐๐
Bawat taon, milyon-milyong Pilipino ang nakatutok sa State of the Nation Address (SONA) hindi lamang upang marinig ang mga nagawa ng pamahalaan, kundi upang malaman kung may mga kongkretong kasagutan ba sa mga problemang matagal nang nagpapabigat sa kanilang pamumuhay. Sa panahong patuloy na nararanasan ng marami ang mataas na presyo ng mga bilihin, kakulangan sa de-kalidad na trabaho, kahirapan, at mga sakunang dulot ng kalamidad, higit kailanman ay inaasahan ng publiko ang isang SONA na hindi lamang nagbibigay ng ulat, kundi naglalahad ng malinaw at nasusukat na direksiyon. Kaya naman, sa pagsusuri sa ikalimang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mahalagang tanungin hindi lamang kung ano ang mga naipakita ng administrasyon, kundi kung sapat ba ang mga inilahad nitong solusyon upang tugunan ang pinakamahahalagang suliraning panlipunan ng bansa.
Sa ikalimang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang-diin ang kampanya laban sa korupsiyon, pagpapatibay ng pambansang seguridad, imprastraktura, at iba't ibang programang pangkabuhayan. Gayunpaman, sa kabila ng mahahalagang paksang ito, kapansin-pansing kulang ang masinsing pagtalakay sa ilang pangunahing isyung panlipunan na patuloy na direktang nakaaapekto sa buhay ng milyun-milyong Pilipino.
Una, bagama't ipinakita ang pag-unlad ng ekonomiya at pagpasok ng mga pamumuhunan, hindi nito lubusang sinagot ang mas mahalagang tanong: Paano mapapabuti ang kalidad ng trabaho? Totoong bumaba ang antas ng kawalan ng trabaho, subalit ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 12.2% pa rin ang antas ng kakulangan sa trabaho noong Mayo 2026. Nangangahulugan ito na mahigit isa sa bawat sampung manggagawa ang naghahanap pa rin ng dagdag na oras o mas disenteng trabaho dahil hindi sapat ang kanilang kinikita. Kung walang kongkretong hakbang upang makalikha ng mga trabahong may sapat na sahod, seguridad sa trabaho, at oportunidad para sa pag-unlad, mananatiling limitado ang pakinabang ng paglago ng ekonomiya sa karaniwang Pilipino.
Higit pa rito, hindi rin nabigyan ng sapat na pansin ang usapin ng kahirapan. Ayon sa PSA, 15.5% ng mga Pilipino ang nabubuhay pa rin sa ibaba ng pamantayan ng kahirapan, katumbas ng milyun-milyong mamamayang patuloy na nahihirapang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan. Bagama't binanggit sa SONA ang iba't ibang programang panlipunang proteksiyon, hindi malinaw kung paano sistematikong mababawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng agrikultura, pagpapataas ng produktibidad, at paglikha ng mas maraming disenteng trabaho. Ang ayuda ay mahalaga bilang agarang tugon, ngunit hindi ito sapat upang tuluyang maiahon ang mga pamilya sa kahirapan.
Kasunod nito, nanatiling kulang ang pagtalakay sa krisis sa edukasyon. Sa resulta ng Pandaigdigang Pagtataya sa Kasanayan ng mga Mag-aaral (PISA) 2022, nananatiling kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang pagganap sa pagbasa, matematika, at agham. Bagama't binanggit ang pagpapatuloy ng mga reporma sa sektor ng edukasyon, hindi naman malinaw kung paano tutugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan, g**o, kagamitang pampagkatuto, at ang pagbaba ng antas ng pagkatuto na naranasan ng mga mag-aaral matapos ang pandemya. Kung walang tiyak na layunin at kongkretong hakbang, mananatiling mabagal ang pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Samantala, naging matapang ang paninindigan ng Pangulo laban sa korupsiyon sa mga proyekto sa pagkontrol ng pagbaha. Ang utos na imbestigahan at papanagutin ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian ay isang hakbang na nararapat lamang. Gayunpaman, ang pananagutan ay simula pa lamang ng tunay na solusyon. Hindi sapat ang pagpapakulong sa mga nagkasala kung wala ring malawakang plano para sa pag-angkop sa pagbabago ng klima, rehabilitasyon ng mga pinagkukunan ng tubig, maayos na pagpaplano ng mga lungsod, at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan. Sa harap ng lumalalang epekto ng pagbabago ng klima, ang bansa ay nangangailangan hindi lamang ng imbestigasyon kundi ng isang pangmatagalang estratehiya upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbaha at sakuna.
Sa kabilang banda, nararapat ding kilalanin ang mga positibong bahagi ng SONA. Ang pagbibigay-diin sa laban kontra korupsiyon, seguridad ng bansa, at pagpapatuloy ng mga proyektong pang-imprastraktura ay nagpapakita ng hangarin ng administrasyon na tugunan ang ilang mahahalagang usapin. Gayunpaman, ang mabuting layunin ay hindi awtomatikong katumbas ng sapat na solusyon. Ang tunay na sukatan ng mahusay na pamamahala ay hindi ang dami ng programang inihayag, kundi ang lawak ng pagbabagong nararamdaman ng mga mamamayan sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Dito nagiging makabuluhan ang mensahe ng kartung editoryal. Ang plakard na may salitang "SOLUSYON" ay kumakatawan sa mga pangakong inihahayag sa entablado ng SONA, samantalang ang mga piraso ng palaisipan na nahuhulog ay sumisimbolo sa mga suliraning nananatiling hindi pa nabubuo sa isang malawakang plano. Ipinahihiwatig nito na bagama't may mga inilatag na programa at pangako, may mahahalagang bahagi ng larawan ang nananatiling kulang. Hangga't walang malinaw at magkakaugnay na tugon sa kahirapan, trabaho, edukasyon, at katatagan laban sa epekto ng pagbabago ng klima, mananatiling pira-piraso ang ipinapangakong "solusyon."
Sa huli, ang isang SONA ay hindi dapat masukat sa husay ng retorika o dami ng palakpakan. Mas mahalagang itanong kung ang mga inilahad ba ay may malinaw na layunin, tiyak na mekanismo, sapat na pondo, at nasusukat na kinalabasan. Sapagkat sa isang bansang patuloy na humaharap sa magkakaugnay na suliranin, hindi sapat ang mga pangako. Ang tunay na solusyon ay hindi nasusukat sa mga salitang binibigkas sa podyum, kundi sa mga pagbabagong nararanasan ng bawat Pilipino matapos ang talumpati.
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐
๐ซ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
31/07/2026
๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐๐ง๐ . ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ. ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ค๐จ๐ญ ๐ค๐๐ก๐ข๐ญ ๐ค๐๐ง๐ข๐ง๐จ.
Para sa iba, ang pagpatak ng Agosto ay bagong bukas, ngunit, para sa mga kabataang puno ng determinasyon at buong lakas na lumaban para makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas, ito ay hindi lamang bagong bukas, ito ang magdidikta ng kanilang buhay sa susunod na apat na taon.
Kaya't sa ating mga kapwa Columbanista na buong tapang na humarap sa hamon ng pagiging Iskolar ng Bayan, nawa'y sa susunod na apat na taon, ang mga mirasol ay tumingala, katulad nang kung paano kayo nangarap nang mataas.
๐๐๐๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง! ๐ป
๐ฎ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐
๐ช๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐
24/07/2026
[๐๐๐๐๐๐] ๐๐๐, ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ง๐ข๐-๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ซ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ฒ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐๐ฏ๐๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง
Sa pangunguna ng Olongapo City Police OfficeโPolice Station 3, idinaos ang Symposium on Bullying Prevention and School Safety Awareness noong Hulyo 23 sa Convery Hall ng Columban College Inc. - Asinan Campus upang palawakin ang kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa pag-iwas sa bullying at pagpapanatili ng kaligtasan sa loob at labas ng paaralan.
Pinangunahan ni Dr. Francis M. Dela Cruz ang programa bilang punong tagapagdaloy, kasama si Dr. Alysa Mae C. Abella, katuwang na punong-g**o ng paaralan.
Binuksan ang programa sa Entrance of Colors ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP), na sinundan ng panalangin sa pangunguna ni Ms. Kimberly Suarez at pag-awit ng Philippine National Anthem at Columban Hymn.
Sa kaniyang mensahe ng pagtanggap, binigyang-diin ni Rev. Fr. Eric E. Dela Cruz ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, paggalang sa kapwa, at inklusibong kapaligiran bilang saligan ng ligtas na pamayanan sa paaralan.
Ipinakilala naman ang mga tagapagsalita mula sa Olongapo City Police OfficeโPolice Station 3.
Tinalakay ni Police Corporal (PCPL) Julie Ann R. Atacador ang Anti-Bullying, kabilang ang kahulugan, mga uri, at epekto ng bullying sa biktima, nang-aapi, at mga saksi. Ipinaliwanag din niya ang mga nararapat na hakbang sa oras na makaranas o makasaksi ng bullying at ang mga paraan upang maiwasan ito.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging positibong impluwensiya sa kapwa sa pamamagitan ng mensaheng, โBe the reason someone feels safe, respected, and valuedโnot the reason they are afraid to come to school.โ Ipinaalala rin niya ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law).
โMaging vigilant sa lahat ng oras dahil hindi ninyo alam kung sino ang maaari ninyong pagkatiwalaan sa panahon ngayon,โ ani Atacador.
Kasunod nito, ipinakilala ni Police Lieutenant (PLT) Epifanio Galang ang ikalawang tagapagsalita na si Patrolman (PAT) Calvin Kim Bernabe.
Tinalakay ni Bernabe ang mga protocol sa panahon ng active shooting incident. Ipinaliwanag niya ang mga tungkulin ng mga g**o at mag-aaral sa pagpapanatili ng kaligtasan sa oras ng emerhensiya, gayundin ang mga hakbang bago, habang, at matapos ang isang insidente ng pamamaril.
Naging aktibo rin ang mga student leaders sa Open Forum, kung saan naglahad sila ng mga katanungan at paglilinaw kaugnay ng mga paksang tinalakay.
Nagkaloob naman ng mga sertipiko at tokens of appreciation ang Columban College Inc. sa mga tagapagsalita at kinatawan ng Philippine National Police bilang pagkilala sa kanilang naging ambag sa programa.
Sa kaniyang pangwakas na mensahe, nagpahayag ng pasasalamat si Dr. Alysa Mae C. Abella sa Philippine National Police, Health Services Office, mga g**o, BSP, GSP, at mga student leaders na naging katuwang sa pagsasagawa ng symposium.
โKung sakaling mayroon po kayong nararanasan na may kaugnayan sa bullying, bukas po ang inyong mga adviser, subject teachers, club organization advisers, ang aking opisina, at ang opisina ni Sir Segundo upang tulungan kayo. Huwag po kayong matakot na magsumbong,โ ani Abella.
Sa kabuuan, binigyang-diin ng symposium ang kahalagahan ng paggalang sa karapatan ng bawat isa, responsableng paggamit ng social media, at pananatiling mapagmatyag sa mga banta sa seguridad upang maisulong ang isang ligtas at inklusibong kapaligiran sa paaralan.
๐ผ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐
๐ด๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐
23/07/2026
[๐๐๐๐๐๐] ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ ๐ง๐๐ง๐ ๐ข๐๐ข๐ง๐๐ค๐ฅ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐
Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Rev. Fr. Eric Dela Cruz bilang bagong pangulo ng Columban College, Inc. (CCI) matapos ang isinagawang Ritu ng Pagtatalaga kasunod ng banal na misa ngayong Hulyo 23 sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Columban.
Pinangunahan ni Lubhang Kagalang-galang Bartolome G. Santos Jr., Obispo ng Diyosesis ng Iba, ang banal na misa at ang seremonya ng pagtatalaga na nagbigay ng opisyal na pagkilala kay Dela Cruz bilang bagong pinuno ng institusyon.
Dinaluhan ng mga miyembro ng Board of Trustees, administrador, g**o, kawani, at iba pang kinatawan ng kolehiyo ang seremonya bilang pagtanggap sa bagong pangulo.
Matapos ang misa, isinagawa ang Ritu ng Pagtatalaga na nagsimula sa prusisyon ng krusipiho, mga liturhikal na kulay, at watawat ng Columban College, Inc. Sinundan ito ng pagpasok ng Board of Trustees, mga administrador kasama si Dela Cruz.
Pormal na iniharap si Dela Cruz sa obispo ng isa sa mga miyembro ng Board of Trustees sa pamamagitan ng pagbasa ng Decree na nagpapatibay sa kaniyang pagkakahirang bilang pangulo ng kolehiyo.
Bilang huling bahagi ng seremonya, isinabit kay Dela Cruz ang sablay at ipinagkaloob ang institution seal mace, mga sagisag ng awtoridad, pananagutan, at paglilingkod sa pamayanan ng Columban College.
Sa kaniyang talumpati, nagpahayag si Dela Cruz ng pasasalamat sa komunidad ng Columban College sa mainit na pagtanggap at ibinahagi ang kaniyang hangaring higit pang mapaunlad ang institusyon sa pamamagitan ng sama-samang paglilingkod at pamumuno.
๐๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ก๐ซ๐๐ฃ ๐๐ค๐ก๐๐จ
๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐จ ๐๐ค๐๐๐ง๐ฉ ๐ฟ๐๐ก๐ ๐พ๐ง๐ช๐ฏ (๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฎ๐ค), ๐๐๐ก๐ค๐๐จ๐ ๐๐๐ฃ, ๐๐ฉ ๐ผ๐ก๐ซ๐๐ฃ ๐๐ค๐ก๐๐จ
23/07/2026
[๐๐๐๐๐๐] ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐
๐, ๐ข๐ง๐ข๐ก๐๐ฅ๐๐ฅ; ๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ฌ๐จ, ๐ค๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ
Nahalal ang mga bagong opisyal ng Parents, Teachers, and Friends Association (PTFA) ng Columban College Inc. โ Asinan Campus para sa Panuruang Taon 2026โ2027 sa isinagawang halalan noong Hulyo 22 sa Convery Hall.
Pinangunahan ni Dr. Francis Robert M. Dela Cruz ang programa bilang tagapagdaloy.
Pinasinayaan naman ni Gng. Judith Edquilane ang panalangin, na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang, at Columban Hymn.
Nagbigay din ng kaniyang mensahe ang Katuwang na Punongg**o, Dr. Alyssa Mae Abella na binigyang-diin ang halaga ng partisipasyon ng mga magulang sa mga gawaing pampaaralan.
Bago ang halalan, ibinihagi ng kasalukuyang mga opisyales ang kanilang accomplishment report na nag-ulat sa iba't ibang mga proyektong naisagawa ng naunang administrasyon.
Nahalal bilang pangulo si Jesselyn G. Esposo, kasama sina Maria Concepcion D. Sabeniano bilang bise-presidente, April L. Coll bilang kalihim, Nelly R. Dimarucut bilang ingat-yaman, Bonnivie M. Solis bilang awditor, at sina Dr. Francis Robert M. Dela Cruz at G. Lambert Esconde bilang mga kinatawang g**o.
Ayon kay Esposo, pagbabatayan ng asosasyon ang mga pangunahing pangangailangan ng paaralan at ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng mga proyekto.
โHindi kami basta-basta gumagastos. Inaalam talaga namin kung ano ang higit na kailangan ng paaralan at ng mga estudyante,โ ani Esposo.
Idinagdag ni Esposo na nakahanda ang mga opisyal na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pakikipagtulungan sa paaralan sa kabila ng limitadong bilang ng mga miyembro ng asosasyon.
๐ผ๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ก๐ซ๐๐ฃ ๐๐ค๐ก๐๐จ
13/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ผ๐น๐ฎ ๐ ๐ผ?
ni Alvin Solis
"Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe,
Matayog ang pangarap ng matandang bingi."
Sa paglipad ng saranggola sa bughaw na langit, sumasabay ang gunita ng isang bayang matagal na naghangad ng kalayaan. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang paggapang sa kasarinlan ay hindi naging mabilis ni magaan. Ito ay bunga ng mahigit tatlong siglong kolonyalismong Espanyol, at ng mga sumunod pang yugto ng pananakop at pag-aangkin ng kapangyarihan mula sa ibang dayuhan.
Sa dulo ng mahabang pakikibaka, isang makasaysayang sandali ang naganap noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite, nang ideklara ang kalayaan ng Pilipinas sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo. Ngunit ang tagpong ito, bagamaโt makabuluhan, ay hindi naging ganap na wakas ng laban. Sumunod ang Digmaang Pilipino-Amerikano (1899โ1902), kung saan libo-libong Pilipino ang nag-alay ng buhay para sa patuloy na hangaring makamit ang tunay na kasarinlan.
"Umihip ang hangin nawala sa paningin,
Sigaw ng kahapon nilamon ng alon."
Sa agos ng panahon, maraming alaala ang unti-unting natatabunan ng bagong karanasan at kasalukuyang hamon. Ngunit ang kasaysayan ay hindi dapat maging anino lamang ng nakaraan. Ito ang ugat ng ating pagkatao bilang isang bansa. Ang paglimot dito ay pagputol sa pinanggagalingan ng ating kamalayan bilang malayang mamamayan.
"Hinuli ang ibon pinagsuot ng pantalon,
Tinali ng pisi hindi na nagsinturon."
Ang imahen ng ibong hindi makalipad ay sumasalamin sa mas malalim na anyo ng kalayaan. Hindi ito natatapos sa pagwawakas ng pananakop. Ito ay nasusukat sa kakayahan ng isang lipunan na bigyan ang mamamayan ng dignidad, pagkakataon, at katarungan. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling hamon ang kahirapan, hindi pantay na oportunidad, at mga sistemikong suliranin na humahadlang sa ganap na diwa ng kalayaan.
"Dumaan ang jeepney at gumuhit pa sa kalye."
Sa bawat bakas ng kalsada, sa bawat galaw ng pang-araw-araw na buhay, nakaukit ang kasaysayan. Ang kasalukuyan ay hindi hiwalay sa nakaraan. Bagkus, ito ay pagpapatuloy. Ang kalayaan, kung gayon, ay hindi lamang alaala ng isang makasaysayang deklarasyon, kundi isang responsibilidad na araw-araw isinasabuhay.
"Kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod,
Sumusuway sa utos pusoโy sinusunod."
Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, hindi sapat ang pagwagayway ng watawat o pag-awit ng pambansang awit. Ang tunay na diwa nito ay nakasalalay sa pagpili ng katotohanan kaysa panlilinlang, pakikilahok kaysa pananahimik, at paninindigan kaysa pagwawalang-bahala.
Tulad ng saranggola, ang kalayaan ay nangangailangan ng hangin upang lumipad, ngunit nangangailangan din ng kamay na marunong humawak sa lubid. Kapag binitiwan, ito ay maaaring tangayin ng hangin ng kaguluhan. Ngunit kapag inalagaan at pinatatag, ito ay patuloy na aabot sa mas malawak na himpapawid. Isang himpapawid ng pag-asa, katatagan, at hinaharap.
Sa huli, nananatili ang tanong sa bawat pagtingala sa langit:
๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง?
Grapiko ni Alvin Solis
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Olongapo
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Ang Siklab posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.