Sheng Uy

Sheng Uy

Share

Queen of Wedding Invitations
🇮🇹💍
Book a FREE Wedding Consultation
https://www.shenguy.com/booknow Trendsetter of ghaphic tees
.

11/09/2026

Website system revisions 😍

11/09/2026

Items ready for DELIVERY! 📦🤎

All of this, wrapped in love and sealed with a Fragile note.

Funny how some of the things I use in running a business today were never taught in school.

And before anyone gets me wrong, I’m not saying school isn’t important. In fact, I wouldn’t be able to do many of the simple things I do today if I never went to school.

But business taught me something else:

School teaches you what is right.
Business teaches you what to do when things go wrong.

These are some of the “unpop**ar opinions” I had growing up, and how I understand them now that I’m running a business:

“MAG-ARAL KA NANG MABUTI PARA MAKAHANAP KA NG MAGANDANG TRABAHO.”

Couldn't agree more.

Maraming tao ang masaya at umaasenso sa trabaho nila and that's something worth celebrating.

Ang hindi ko lang alam dati: I can create job!

Sa akin, invitations ang naging daan.

It might be completely different for you, but the principle is the same: sipag, consistency, at willingness to learn ang puhunan.

“WAG KANG MAGKAKAMALI.”

Sa school, may p**a ang mali. Naiintindihan ko kung bakit. Kailangan muna nating malaman kung ano ang tama.

Pero sa negosyo, some of my biggest mistakes became my best teachers.

Naranasan naming malugi dahil sa basag na items na natanggap ng customers (Sublimated Mug Items). It really hurts! Pero dahil doon, naging mas maingat kami sa packaging, handling, quality checks, at standards.

I can now say, mahal ang tuition fee ng negosyo 😆 dahil sa lugi.

“DAPAT MAGALING KA SA LAHAT NG SUBJECT.”

Salamat pa rin sa lahat ng subjects na pinilit kong ipasa. 😂

Yung Math na iniiyakan ko dati, gamit ko na ngayon sa pricing, measurements, inventory, at shipping.

Pero may isang bagay akong natutunan paglabas ng classroom:

Hindi mo kailangang maging magaling sa lahat.

Okay lang magtanong. It’s not cheating.

Okay lang humingi ng tulong.
Your not jack of all trades.

Okay lang umasa sa taong mas magaling sa'yo. Kung kaya nila, ipagawa mo sa kanila 😅 I did it, I hired them.

That's why we work with accountants and people with different skills to handle the things that aren't our strengths.

“MAG-IPON KA.”

Tama pa rin.

Ipon ang sumalo sa amin noong mahina ang benta.

Pero sa negosyo, mas naging malinaw sa akin na hindi lahat ng perang pumapasok ay perang pwede mong gastusin.

May perang kailangang itabi.
May perang kailangang ibalik sa materials.
May perang para sa tools.
May perang para matuto at gumaling.

Iba ang understanding ko ng ipon ngayon: hindi lang siya para sa gusto mo. Minsan, para siya sa panahon na hindi mo alam kung kailan darating.

“SUMUNOD KA SA NAKAKATAAS.”

Dito ako natutong makinig, gumalang, at tumupad sa deadlines.

Araw-araw ko pa rin ginagamit 'yan sa pakikitungo sa clients, suppliers, at team.

Pero may dagdag na lesson ang buhay:

Okay lang magtanong ng “Bakit?”
Okay lang magtanong ng “Paano pa natin ito mapapaganda?”

Hindi lahat ng tanong ay pagsuway.

Minsan, pag-aalaga 'yon sa trabaho mo.

And I believe the best leaders often start as great followers, people who know how to listen, learn, and genuinely serve.

Sa amin, lagi naming binabalikan kung ano ang gusto at kailangan ng customer, not just to sell, but to genuinely help and serve them better.

“KAILANGAN MO NG DIPLOMA.”

Para sa marami, diploma ang naging susi sa unang pinto.

And that's not a small thing.

Pero natutunan ko rin na hindi natatapos ang pag-aaral sa graduation.

Hanggang ngayon, estudyante pa rin ako.

Estudyante ng customers ko.
Estudyante ng mga pagkakamali ko.
Estudyante ng bawat order.
Estudyante ng bawat problemang kailangan naming solusyunan.

Kaya kapag nakakakita ako ng arguments na “school vs. business” or “employee vs. entrepreneur,” I don't think it has to be that way.

Hindi kalaban ang school.
Hindi rin kalaban ang pagiging empleyado.

Magkaibang classroom lang.

Kung honor student ka, congratulations. 🤎
Kung hindi ka honor student, okay lang din.
Kung nagtatrabaho ka, saludo ako sa'yo.
Kung nagsisimula ka pa lang ng maliit na negosyo, kaya mo 'yan.

Because success doesn't have only one classroom.

Ang importante, tuloy lang ang pag-aaral.

Life is a never-ending learning journey.

And here at Sheng Uy?

Eto pa rin kami.

We pack.
We learn.
We improve.
We make mistakes.
We try again.

One parcel at a time. 📦🤎

11/09/2026

together with Robin and Dustin :)


👇🏻 Prompt used, see comment

14/07/2026

Chat us now!❤️

13/07/2026

Chat us now! ❤️

07/07/2026

Chat us now! ♥

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Pagsanjan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Pagsanjan
4009