FOI Pakil
This is the official page of the Municipal Government of Pakil, Laguna's Freedom of Information Office.
07/10/2026
๐ฃ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐: ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น, ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Isang pagdiriwang ng pagkilala, pasasalamat at pagmamahal sa ating mga Lolo at Lola na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at karunungan sa bawat pamilyang Pakileรฑo.
Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Pakil sa ๐๐น๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐น๐ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ช๐ฒ๐ฒ๐ธ
ngayong taon, magkakaroon tayo ng isang programang naglalayong gawing accessible ang serbisyo para sa ating mga minamahal na nakatatanda.
Ang mga kasaling departmento na maghahatid ng pangunahing serbisyo ay ang mga sumusunod:
โข ๐ฅ๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐จ๐ป๐ถ๐ (๐ฅ๐๐จ)
โข ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ฒ๐น๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐ ๐ฆ๐ช๐๐ข)
โข ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ (๐ข๐ ๐ )
โข ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ (๐ข๐๐ฆ)
โข ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐บ๐ฝ๐น๐ผ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐ฃ๐๐ฆ๐ข)
โข ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ถ๐๐ถ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฟ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐๐๐ฅ๐ข)
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ข!
First come, first served ang ating programa. Pagdating sa venue, mag-register muna, lagyan ng tsek (โ๏ธ) ang serbisyong nais ninyong i-avail sa ibibigay na listahan, at maghintay lamang po sa pagtawag ng inyong numero o pangalan.
28/09/2026
FREE COMMUNITY-BASED SKILLS TRAININGโ
MUSHROOM PRODUCTION AND PROCESSING HANDS-ON TRAINING (For OFWs/Families) 30 SLOTS ONLY
๐๏ธ October 7-8, 2026
๐ Municipal Hall Extension Brgy. Kabulusan, Pakil, Laguna
Qualifications:
Male or Female
18 years old and above
Resident of Pakil, Laguna

24/09/2026
Congratulations po, ASec. Mayor Vince Soriano ๐๐ป
๐๐ข๐ก๐๐ฅ๐๐ง๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ, ๐๐ฆ๐๐. ๐ฉ๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ข!
Isang mainit na pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Pakil sa ating Former Mayor Vince Soriano sa kanyang pagkakatalaga bilang Assistant Secretary sa Office of Cabinet Secretary Benhur Abalos!
Ikinagagalak at ipinagmamalaki ng buong bayan ang inyong panibagong tagumpay. Isang patunay ito ng inyong husay at dedikasyon sa pampublikong paglilingkod.
Dalangin namin ang patuloy mong tagumpay sa bagong yugto ng iyong serbisyo sa bansa.
Good luck, Asec. Vince!
22/09/2026
๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข
Para sa ating mga kababayang nakiisa sa programang โMaliwanag na Paningin para sa Nakatatanda: Libreng Prescription Glassesโ mula sa Department of Health (DOH) CALABARZON noong Hulyo 8, 2026. Maaari niyo na pong kunin ang inyong mga salamin sa ating Rural Health Unit (RHU). Hanapin lamang po si Nurse Vischelle Cartavio.
๐ Paalala: Magdala lamang po ng Valid ID para sa pagkuha.
Maraming salamat po!
21/09/2026
๐ฃ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ร๐ข
Ang Pamahalaang Bayan ng Pakil ay nagpapaabot ng paumanhin at pang-unawa sa ating mga kababayan na umaasa sa iba't ibang uri ng tulong o assistance mula sa Pamahalaang Lokal.
Gayunman, pansamantala munang hindi maaaring ipamahagi ng LGU Pakil ang mga tulong /assistance na sakop ng election ban, alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
โ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ
Batay sa COMELEC Resolution No. 11191, na nagtakda ng Calendar of Activities at mga ipinagbabawal na gawain para sa November 2, 2026 BSKE, ipinagbabawal ang release, disbursement o expenditure ng public funds sa mga panahong itinakda ng COMELEC, alinsunod sa Section 261(v) ng Omnibus Election Code (OEC).
Higit na partikular, sa COMELEC Resolution No. 11265, na promulgated noong August 5, 2026, itinakda na:
โ ๐ฆ๐ฒ๐ฝ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ipinagbabawal ang release, disbursement o expenditure ng public funds para sa social welfare and services projects, maliban kung ito ay pinahintulutan o nabigyan ng exemption ng COMELEC.
โ ๐ข๐ฐ๐๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
May TOTAL PROHIBITION sa pagbibigay at pamamahagi ng tulong / assistance , TUPAD, AKAP, AICS at 4Ps, maliban sa medical at burial assistance na karaniwang ipinagkakaloob sa mga kwalipikadong benepisyaryo, alinsunod sa mga kondisyon ng Resolution.
โ ๐๐๐๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ ๐จ๐ก๐ข๐ ๐ก๐ ๐๐๐จ?
Ang election ban ay ipinatutupad upang matiyak na ang paggamit at paggastos ng pampublikong pondo ay hindi magiging kasangkapan upang maimpluwensiyahan ang mga botante o ang proseso ng halalan.
Dahil dito, ang LGU Pakil ay kailangang mahigpit na sumunod sa mga itinakdang prohibition, exception at exemption ng COMELEC.
Ang paglabag sa mga prohibition sa Section 261(v) at (w) ng Omnibus Election Code ay itinuturing na election offense at may kaukulang pananagutan sa ilalim ng batas.
Hindi po ibig sabihin nito na ayaw tumulong ng Pamahalaang Bayan.
Ang pansamantalang paghinto o hindi pagbibigay ng mga tulong /assistance na sakop ng election ban ay pagsunod sa batas at regulasyon ng COMELEC, upang maprotektahan ang LGU, ang mga benepisyaryo, at ang integridad ng halalan.
Sa sandaling matapos ang itinakdang election ban at maaari nang ipagpatuloy ang mga programa alinsunod sa batas, ang LGU Pakil ay muling magsasagawa ng mga nararapat na hakbang para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at pagsunod sa batas.

11/09/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐: ๐ฅ๐๐๐ ๐ฆ๐จ๐๐ฆ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก
Para sa mga residente ng Barangay Tavera, Gonzales, at Rizal!
Mangyari lamang pong dalhin ang inyong stub sa darating na Lunes, Setyembre 14, 2026.
Hinihiling po ang inyong pasensya at kooperasyon para sa maayos na pamamahagi. Maraming salamat po!
08/09/2026
PABATID PUBLIKO
Kaugnay ng Notice of Public Scoping na ipinaskil ng Department of Environment and Natural Resources โ Environmental Management Bureau (DENR-EMB) CALABARZON ukol sa isang iminungkahing proyekto na may pamagat na โINDUSTRIAL PARK (HORIZONTAL DEVELOPMENT) WITH CRITICAL SLOPESโ noong Setyembre 7, 2026, na nakatakdang isagawa sa Setyembre 18, 2026, agad na nakipag-ugnayan ang LGU ng Pakil sa DENR-EMB CALABARZON upang humingi ng paglilinaw tungkol sa naturang proyekto, kabilang ang lokasyon, lawak, saklaw ng development, kalagayan ng aplikasyon, at iba pang mahahalagang detalye ng iminungkahing Industrial Park.
Nais ipabatid ng ating Pamahalaang Bayan sa publiko na bago makita ng LGU ang naturang posting noong Setyembre 7, 2026, wala itong natanggap na impormasyon o dokumentasyon hinggil sa naturang iminungkahing proyekto, kabilang ang nakatakdang Public Scoping.
Dahil dito, humingi ang LGU ng paglilinaw sa DENR-EMB kung paano at sa anong proseso umabot sa yugto ng Public Scoping ang proyekto gayong hindi pa naipapaabot sa Pamahalaang Bayan ang kinakailangang impormasyon tungkol sa naturang development.
Nakipag-ugnayan din ang LGU sa project proponent upang direktang humingi ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa proyekto, partikular sa mga planong development, lokasyon at lawak ng proyekto, mga lugar na sakop ng development, at iba pang impormasyong mahalaga upang maunawaan ng LGU at ng mga mamamayan ang kabuuang proyekto.
Nililinaw ng Pamahalaang Bayan na ang mga hakbang na ito ay hindi nangangahulugang nagbibigay na ito ng pinal na posisyon ukol sa proyekto. Layunin ng LGU na makuha muna ang kumpleto at beripikadong impormasyon bago makapagbigay ng anumang pahayag o posisyon tungkol sa naturang proyekto.
Ang Industrial Park (Horizontal Development) with Critical Slopes ay isang proyektong nararapat na maunawaan nang maayos ng lokal na pamahalaan at ng mga apektadong komunidad, lalo na kung ito ay maaaring magkaroon ng epekto sa kaligtasan at lokal na interes.
Sa kasalukuyan, hinihintay ng Pamahalaang Bayan ang kaukulang paglilinaw at dokumentasyon mula sa DENR-EMB CALABARZON at sa project proponent. Ang anumang karagdagang impormasyon na mapapatunayang opisyal at beripikado ay ipaaalam sa publiko sa nararapat na panahon.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
02/09/2026
CHILD EXPLOITATION AWARENESS
Ang kabataan ay hindi para pagsamantalahan, kundi para protektahan at mahalin. Maging mapagmatyag, makinig sa mga bata, at agad i-report ang anumang senyales ng pang-aabuso o exploitation.
Protektahan ang Kabataan. Ipaglaban ang Kanilang Karapatan.
๐ Pakil MPS: 0998 598 5660 | ๐จ Emergency: Dial 911
02/09/2026
Ordinance amending the Educational Assistance Program of the Municipality of Pakil
02/09/2026
Ordinansang naglalayong magbigay ng incentives para sa ating mga Lolo at Lola na sasapit sa edad na 101 hanggang 109. Alamin ang iba pang detalye sa post na ito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
001 Tavera Street, Brgy. Tavera
Pakil
4017
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when FOI Pakil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.