DepEd Pinagkuartelan Integrated School
Public Education
06/10/2026
Thank you, Lucky Me, for bringing smiles and joy to our learners through your fun games!
We truly appreciate you for making their day extra special.
Jennie J. Cruz
Principal IV
Jennie J. Cruz
District Supervisor
06/10/2026
Teachers' Day Celebration 2026
October 5, 2026
Jennie J. Cruz
Principal IV
Dr. Esperanza F. Perez
District Supervisor
05/10/2026
Pinagkuartelan Integrated School is nothing without you ๐๐๐
Happy Teachers' Day po!
05/10/2026
Sa loob ng 42 taon ng tapat at makabuluhang paglilingkod, si Dr. Esperanza Perez ay naging isang huwaran ng dedikasyon, katatagan, at tunay na pagmamahal sa edukasyon.
Mula sa pagiging g**o na humubog sa mga batang nangangarap, naging punongg**o na nanguna at gumabay sa buong paaralan, hanggang sa kanyang kasalukuyang tungkulin bilang isang masipag, masigasig, at mabait na District Supervisor, dala niya sa bawat yugto ng kanyang paglalakbay ang iisang pusoโang pusong buong-buo para sa paglilingkod.
Hindi lamang 42 taon ang nasusukat sa kanyang paglilingkod. Ang mga ito ay 42 taon ng mga pangarap na kanyang binigyang-lakas, mga g**o na kanyang ginabayan, mga paaralang kanyang pinatatag, at mga buhay na kanyang nahubog at napagyaman.
Siya ay patunay na ang tunay na kahusayan ay hindi lamang nasasalamin sa posisyon o mga parangal, kundi sa katatagang bumangon sa bawat hamon, tiyagang magpatuloy sa kabila ng pagod, at pusong patuloy na maglingkod nang may kababaang-loob at malasakit.
Sa bawat hakbang niya, may aral.
Sa bawat tagumpay niya, may inspirasyon.
Sa bawat paglilingkod niya, may bakas ng kabutihang hindi madaling mabura.
Dr. Esperanza F. Perez, tunay kayong inspirasyon sa aming lahat. Ang inyong 42 taon sa serbisyo ay isang buhay na patunay na ang isang taong may puso para sa edukasyon ay kayang mag-iwan ng makabuluhang pamana sa napakaraming buhay.
Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod, sa inyong malasakit, sa inyong paggabay, at higit sa lahat, sa pagiging isang lider na marunong umunawa, makinig, magbigay ng pagkakataon, at manguna nang may puso.
E โ Espesyal na lider na may pusong laging handang maglingkod
S โ Sipag at Sigla na naging sandigan sa bawat hamon
P โ Pagmamahal sa edukasyon at kapwa ang laging nangingibabaw
I โ Inspirasyon sa bawat g**ong kanyang ginagabayan at pinauunlad
E โ Ehemplo ng katatagan, tiyaga, kagalingan, at tapat na paglilingkod
ESPIEโisang pangalan na hindi lamang tumutukoy sa isang tao, kundi kumakatawan sa 42 taon ng serbisyo, malasakit, pamumuno, at inspirasyon.
Sa isang g**ong naging punongg**o, at sa isang punongg**ong naging mahusay na District Supervisor, Maraming salamat, Dr. Esperanza F. Perez, sa isang buhay na inialay sa edukasyon at paglilingkod.
Happy Teachers' Day po ๐ฉท๐ฉท๐ฉท
04/10/2026
Isang Liham ng Pasasalamat at Pagpupugay Para sa Ina ng Ating Paaralan ๐โจ
Para sa aming minamahal na ๐๐ช'๐ช๐ถ ๐๐ฎ๐ท๐ท๐ฒ๐ฎ ๐. ๐๐ป๐พz,
Hindi sapat ang ordinaryong pagbati para sa isang lider na higit pa sa pamumuno ang ibinubuhos araw-araw.
Nagsimula ang iyong kwento sa 13 taon ng matalino, mahusay, at dedikadong pagtuturo sa loob ng silid-aralanโkung saan hinubog mo ang napakaraming pangarap. At sa 9 na taon hanggang ngayon bilang aming Punong-G**o, ipinakita mo sa amin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng isang lider na may pusong nagmamahal.
๐ BAKIT NATATANGI SI MA'AM JENN?
*Generous & Busilak ang Puso: Walang alinlangan sa pagbibigay at pag-alalay sa pangangailangan ng bawat g**o at mag-aaral.
*Understanding & Mapagkalinga: Laging nakikinig, laging nakauunawa, at pinararamdam na may sandigan kami sa lahat ng pagkakataon.
* Walang Kupas na Ganda at Talino: Isang ehemplo ng angking husay, kagandahan, at angking galing sa pamamalakad.
Ngayong National Teachers' Month 2026 na may temang "Teacher, Ikaw Naman", ibinabalik naman namin sa iyo ang lahat ng pagmamahal, alaga, at suportang walang sawang ibinibigay mo sa amin araw-araw.
"Hindi lang isang mahusay na Principal, kundi isang tunay na Ina na nagbibigay-liwanag, pag-asa, at inspirasyon sa buong paaralan."
Salamat, Maโam Jennie, sa pagiging : matalino ngunit hindi mapagmataas, matibay ngunit may malambot na puso, at pinuno na laging inuuna ang kapakanan ng iba. Nawaโy ibalik sa iyo ang lahat ng kabutihang iyong ibinibigay sa amin.
Maligayang Pambansang Buwan ng mga G**o! Ikaw ay tunay na kayamanan ng aming paaralan.
04/10/2026
Sa pagdiriwang ng ๐๐ช๐ฝ๐ฒ๐ธ๐ท๐ช๐ต ๐ฃ๐ฎ๐ช๐ฌ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ผโ ๐๐ธ๐ท๐ฝ๐ฑ 2026 na may temang โ๐๐๐๐๐๐๐ง, ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ข๐๐ฃ,โ buong puso nating binibigyang-pugay si ๐๐โ๐๐ข ๐ฟ๐๐ซ๐๐ฃ๐ ๐. ๐ผ๐ง๐๐ฃ๐ para sa kanyang 11 taon ng dedikasyon at tapat na paglilingkod sa larangan ng edukasyon.
Sa bawat hamon ng pagtuturo, patuloy niyang ipinapamalas ang sipag, malasakit, at pagmamahal sa kanyang mga mag-aaral. Higit pa rito, buong tapang din niyang tinanggap ang hamon ng pagiging coach ng Futsal sa paaralan, kung saan hinuhubog niya hindi lamang ang kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng palakasan, kundi pati ang kanilang disiplina, determinasyon, pakikipagtulungan, at tiwala sa sarili.
Sa bawat aral na itinuturo at bawat manlalarong kanyang sinusuportahan, tunay na naipapakita ni Maโam Divina na ang isang g**o ay hindi lamang tagapagturo, kundi tagapaghubog ng pangarap, tagapagturo ng tamang landas, at inspirasyon ng kabataan.
Ngayong National Teachers Month, saludo kami sa iyong 11 taon ng katapatan, sakripisyo, at pagmamahal sa propesyon.
Maraming salamat, ๐๐ชโ๐ช๐ถ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ท๐ช ๐ข. ๐๐ป๐ฎ๐ท๐ช, sa pagiging g**o at coach na may pusong handang tumanggap ng bawat hamon.
๐๐๐๐๐๐๐ง, ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ข๐๐ฃโat ikaw ay tunay na inspirasyon!
โ๐๐ก๐ก๐ช โ๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐คโ ๐๐ ๐๐ฅ๐!
04/10/2026
Sa pagdiriwang ng ๐๐ช๐ฝ๐ฒ๐ธ๐ท๐ช๐ต ๐ฃ๐ฎ๐ช๐ฌ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ผโ ๐๐ธ๐ท๐ฝ๐ฑ 2026 na may temang โ๐๐๐๐๐๐๐ง, ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ข๐๐ฃ,โ buong puso nating binibigyang-pugay si ๐๐๐ง ๐๐ค๐ฃ๐๐ก๐ ๐ฟ๐ ๐๐ค๐ฆ๐ช๐ para sa kanyang 20 taon ng dedikasyon at tapat na paglilingkod sa larangan ng edukasyon.
Dalawampung taon ng pagtuturo, dalawang dekada ng paglilingkod, at hindi mabilang na pangarap ang kanyang natulungang maabot.
Maraming salamat, Sir Ronald, sa dalawang dekada ng pagbabahagi ng kaalaman, paggabay, at pagiging bahagi ng paglalakbay ng ating mga mag-aaral tungo sa kanilang mga pangarap.
โ๐๐ก๐ก๐ช โ๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐คโ ๐๐ ๐๐ฅ๐!
04/10/2026
Sa pagdiriwang ng ๐๐ช๐ฝ๐ฒ๐ธ๐ท๐ช๐ต ๐ฃ๐ฎ๐ช๐ฌ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ผโ ๐๐ธ๐ท๐ฝ๐ฑ 2026 na may temang โ๐ฃ๐ฎ๐ช๐ฌ๐ฑ๐ฎ๐ป, ๐๐ด๐ช๐ ๐๐ช๐ถ๐ช๐ท,โ ating binibigyang-pugay si ๐๐ชโ๐ช๐ถ ๐๐ธ๐ท๐ฒ๐ฌ๐ช ๐. ๐๐ป๐ฒ๐ท sa kanyang apat na taon ng tapat na paglilingkod sa larangan ng edukasyon.
Sa bawat araw na siyaโy nagtuturo, dala niya ang malasakit, dedikasyon, at pusong handang umunawa at gumabay sa bawat mag-aaral.
Maaaring apat na taon pa lamang, ngunit ang bawat taon ay puno ng mga aral, alaala, at buhay na kanyang nahubog.
Maraming salamat, Maโam Monica, sa iyong sipag, tiyaga, at pagmamahal sa pagtuturo. Patuloy kang maging inspirasyon sa ating mga mag-aaral at katuwang sa pagbuo ng kanilang magandang kinabukasan.
๐ฐ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข-๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
โ๐๐ก๐ก๐ช โ๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐คโ ๐๐ ๐๐ฅ๐!
04/10/2026
Sa ating pagdiriwang ng ๐๐ช๐ฝ๐ฒ๐ธ๐ท๐ช๐ต ๐ฃ๐ฎ๐ช๐ฌ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ผ' ๐๐ธ๐ท๐ฝ๐ฑ 2026 na may temang "Teacher, Ikaw Naman", isang taos-puso at marangal na pagpupugay ang ating inihahandog sa isang g**ong patuloy na nagbibigay-liwanag sa landas ng kaalaman at pag-asa โ ๐๐ป๐ธ๐ ๐๐ธ๐ฎ ๐. ๐๐ช๐ป๐ป๐ฎ๐ป๐ช ๐๐, g**ong may 10 taon ng makabuluhang paglilingkod sa larangan ng pagtuturo.
Bagamaโt bago pa lamang sa paglilingkod sa Pinagkuartelan Integrated School, agad niyang ipinamalas ang kanyang natatanging husay, dedikasyon, at pusong buong pagmamahal na iniaalay sa pagtuturo at sa paghubog ng ating mga mag-aaral.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
Maraming salamat, Sir Froy, sa iyong dedikasyon at sa kakaibang galing na iyong ibinabahagi sa ating mga mag-aaral.
Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon at liwanag sa bawat batang iyong tinuturuan at ginagabayan.
Teacher, Ikaw Namanโat ngayon, ikaw naman ang aming ipinagdiriwang!
โ๐๐ก๐ก๐ช โ๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐คโ ๐๐ ๐๐ฅ๐!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pinagkuartelan
Pandi
3014
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when DepEd Pinagkuartelan Integrated School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.