Ang Rizalian
Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralang Rizal
30/08/2026
๐ธ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ฌ๐๐ป: ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Tuwing ika-30 ng Agosto, ipinagdiriwang ang araw ng Malayang Pamamahayag sa ating bansa. Ipinili ang araw na ito bilang pagbibigay pugay sa kapanganakan ng Ama ng Dyornalismo, Marcelo H. Del Pilar.
Inilalaan ang araw na ito upang lalong bigyang liwanag ang kamalayan at kaalaman ng taumbayan tungkol sa kahalagahan ng malayang pamamahayag, literatura, medya, sa ating bansa.
Katotohanan at serbisyo sa masa, 'yan ang katangian ng isang mamamahayag. Bilang pagdiriwang sa pambansang Araw ng Malayang Pamamahayag, kinikilala at ibinabahagi ng ๐๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ป๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ang mga tanyag na personalidad sa pamamahayag at literatura, lalo na, mula sa ating sintang siyudad ng Pasig.
Isang paalala ang araw na ito sa kagitingan at paninindigan ng bawat mamamahayag at manunulat. Sa kahit anumang panahon, ang malayang boses ng lipunan at katotohana'y mananaig.
Pindutin ang bawat litrato para sa mga detalye.
โ๏ธ: ๐๐ข๐ฃ๐ณ๐ช๐ฆ๐ญ๐ญ๐ข ๐๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ฆ๐ด | ๐๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ๐ต
๐จ: ๐๐บ๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข | ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต/๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
25/08/2026
๐ญ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ | ๐ซ๐ถ๐๐๐พ๐๐ถ๐๐ถ ๐๐ถ ๐๐ถ๐ฝ๐๐ฝ๐๐๐ถ๐ ๐๐ถ ๐๐ถ๐-๐ถ๐ถ๐๐ถ๐ ๐
Binigyan ng karangalan ang mga estudyante sa Buwan ng Wikang Pambansa: Wikang Filipino at Ai, ngayong Martes, Agosto 25, 2026 sa Alumni 3rd Floor, Amphitheater. Ang programa ay pinamunuan ng mga g**o sa Filipino Department. Ito ay upang mapatibay ang pagmamahal natin para sa ating wika, tradisyon at kultura.
Pormal na sinimulan ni Gng. Melinda P. Iquin, Puno ng Kagawaran ng Filipino, ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng panimulang pananalita. Isinaad niya sa kaniyang mensahe na ang mga mga literatura at kultura ay sumasabay sa pag-agos ng moderno at bagong panahon ng teknolohiya. Dagdag pa niya, dapat pagsamahin ang paggamit ng AI ng tama at ang asignaturang Filipino. "Kahit tumatakbo ang modernong panahon ay huwag nating kalimutan ang salamin ng kultura natin sa ating wika", aniya.
Sumunod ay kinilala ang mga batang pinakamahusay, responsable at marunong na gumabay sa kanyang mga kamag-aral na lider mula sa iba't ibang baitang sa 7-10. Pagkatapos, ay pinarangalan ang mga mag-aaral na pinakamatatas sa pagsalita ng wikang Filipino, na nagpakita ng husay sa paggamit ng ating wika sa baitang 7-10.
Bago iginawad ang mga mag-aaral na pinakamahusay sa gawaing pagganap sa Filipino, na nagpakita ng mahusay na paggawa sa asignaturang Filipino, mula sa baitang 7-10, ay nagsagawa ng masayang aktibidad ang lahat sa pagsabay sa isang awit na pinamunuan at itinanghal ni Bb. Evitha Layosa. Sinundan naman nito ng isang natatanging bilang na ginanap ng mga piling g**o sa asignaturang Filipino, tula na akda ni Gng. Maria B. Brombuela.
Sa pagtatapos ng programa, ay binigyan ng sertipiko ang mga mag-aaral na gumawa ng mahusay na islogan at nagpakita ng kanilang mga talento at malikhaing isipan. Sa huli, nagbigay ng pangwakas na pananalita si Gng. Emelita S. Garcia. "Kahit may AI na, mas lumalakas ang boses ng mga Filipino, ang teknolohiya ay kasangkapan lamang, ngunit ang wikang Filipino ay nasa ating puso", pahayag niya.
๐ธ: ๐๐ณ๐ช๐น๐ช๐ฆ ๐๐ข๐บ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ด
โ๏ธ: ๐๐ฆ๐ข๐ฏ ๐ ๐ฃ๐ณ๐ข๐ฉ๐ช๐ฎ ๐๐ฐ๐ณ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ฐ
๐จ: D๐บ๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข | ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต/๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
25/08/2026
๐ญ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ | ๐ซ๐ถ๐๐พ๐ฝ๐ถ๐ | ๐๐๐ค๐ญ๐ฎ๐ซ๐ 2026: ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ต๐ญ
Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika. Kahapon, ika-24 ng Agosto 2026, araw ng Lunes. Naganap ang isang Palihan kung saan ito'y isang pagtitipon na nakatutok sa paglinang ng kakayahan sa pamamagitan ng praktikal na praktikum, pakitang-turo, at talakayan na may temang; Wikang Filipino Sa Espasyo ng AI: Katuwang sa Pagsipat at Analisasyon sa Espasyo ng Pananaliksik.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin at pambungad na pananalita ni Dr. Jerwin G. Villa, na sinundan naman nina Bb. Myka Rosales na Pangulo ng Rima, Bb. Vicrosechister Jayson at Bb. Edna Frialde.
๐๐๐ง๐ฒ๐ฎ๐ก๐๐: PUNO NG WIKA AT KAISIPAN ๐ณ
Tulad ng isang puno, ang ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ญ na nagbibigay-buhay sa ating kultura, karanasan, at pagkakakilanlan. Mula ritoโy umuusbong ang mga kaisipan, na siyang naipapahayag sa pamamagitan ng wika at naipauunlad sa tulong ng teknolohiya. Ngunit dapat nating tandaan na a๐๐ ๐ ๐จ ๐บ๐ ๐๐บ๐๐บ๐๐๐๐บ๐๐บ๐, ๐๐๐๐ฝ๐ ๐๐บ๐๐๐๐๐บ๐. Ang tao pa rin ang may pananagutan na magsuri, magpatunay, at kumilatis sa bawat impormasyong inilalahad nito.
๐ฆโด๐๐ถ๐ทโด๐๐ถ๐๐โด๐ ๐๐ ๐ฏ๐ถโด ๐๐ถ ๐ซ๐ถ๐๐๐ถ๐๐พ๐ ๐๐ ๐โ:
Tao (Lipat) โ Prompt (Lapat)โ AI (Output) โ Tao (Suri)
Sa ๐๐ข๐ฉ๐๐ญ, kinikilala natin ang tao bilang pangunahing pinagmumulan ng kaisipan. Sa ๐๐๐ฉ๐๐ญ, natututo tayong gamitin ang AI bilang matalinong kaagapay sa pamamagitan ng wastong prompt at etikal na paggamit.
At sa ๐๐ฎ๐ซ๐ข, nananatili ang tungkulin ng tao na kumilatis, magberipika, at tukuyin ang katotohanan.
๐๐ - ๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ฌ
Paano natin matatamo ang ๐ฉ๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ซ๐๐ง?
Ating sundan ang ๐๐ด๐พ๐ผ๐๐ด ๐๐ ๐๐ด๐บ-๐๐๐ฟ๐ด๐ท: pananaliksik - sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap. ๐คณ๐ป๐๏ธ
Paano mapapaandar ang makina?
Ang wika ang magsisilbing ๐๐๐๐ upang mapaandar ang makina. Kapag malinaw at epektibo ang paggamit ng wika sa pananaliksik, mabilis na maipapasa ang kaalaman. ๐๐ง ๐ฃ๏ธ
Suliraning kinakaharap ukol sa pananaliksik: Ang kawalan ng ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฅ๐ฒ๐น๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฒ (๐ฅ๐ฅ๐) ay isang malaking suliranin dahil mawawalan ng matibay na batayan, patunay, at gabay ang isang pag-aaral. Ang pangunahing suliranin sa pananaliksik kapag nasa Wikang Ingles ang mga journal o artikulo ay ang kahirapan sa malalim na pag-unawa at pagkakaunawaan ng mga mananaliksik, lalo na kung hindi sila bihasa sa wikang ito, na nagiging sanhi ng mabagal na pagsusuri at maling interpretasyon ng mga datos.
Ang Artipisyal na Intelihensya ay ang mabilisang proseso, pagsasalin, paglalagom, at ang paghanap ng datos. Sa pagyakap sa teknolohiya, nawaโy manatiling matatag ang ating mga ugat sapagkat ang makabagong hinaharap ay higit na nagiging makabuluhan kapag nakaugat sa wika, katotohanan, at kamalayan.
๐ธ & โ๏ธ: ๐๐ฏ๐ฏ ๐๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ข ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข, ๐๐ถ๐ง๐ง๐ฏ ๐๐บ๐ฆ๐ด๐ฉ๐ข ๐๐ถ๐ฏ๐ช๐ฐ
๐จ: D๐บ๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข | ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต/๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
20/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๏ธ
Ngayong araw, Agosto 21, 2026, ating ginugunita ang ika-43 taon makalipas ang pagpaslang sa dating senador, ๐๐ฆ๐ฏ๐ช๐จ๐ฏ๐ฐ ๐๐ช๐ฎ๐ฆ๐ฐ๐ฏ "๐๐ช๐ฏ๐ฐ๐บ" ๐๐ฒ๐ถ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ณ. Ang araw ng pagluluksa ay siyang naging simbolo ng kaniyang paninindigan at lakas ng loob.
Kilalang politikong Pilipino at mamamahayag na naging pangunahing lider ng oposisyon noong panahon ng pamamahala ni Pang. Ferdinand Marcos Sr.
Bagama't alam niyang may malaking banta sa kaniyang buhay, tumuloy pa rin siyang bumalik sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 upang isulong ang pambansang pagkakaisa at demokrasya.
Hindi man naisakatuparan ang kaniyang plano na isulong ang pagkakaisa ng mga Filipino, naging dahilan naman siya ng tuluyang pagkamulat at pagbubuklod ng mamamayan patungo sa kalayaan.
Ang kanyang sakripisyo at ang tanyag niyang linya na "The Filipino is worth dying for" ay naging mitsa ng pagkakaisa ng mga Pilipino na humantong sa 1986 People Power Revolution.
Ating tandaan na hindi lamang holiday ang araw na Agosto 21, ito ay ang marka na nagpapaalala sa ating mga Filipino na mayroong Ninoy Aquino na ipinakita ang matinding pagmamahal sa bayan bago niya tuluyang maibigay ang kaniyang huling sakripisyo para sa mga Pilipino at sumakabilang-buhay.
โ๏ธ: ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐๐ญ๐ฆ๐น๐ข ๐๐ถ๐ฏ๐ช๐ฐ | ๐๐ข๐ต๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ช๐ฏ
๐จ: D๐บ๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข | ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต/๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
20/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐โฆ
Rizal High Journos, handa na ba kayo? ๐ Handa na ba kayong magsulat, matuto, makinig, at hayaang umalingawngaw ang inyong mga tinig sa pamamagitan ng pluma? ๐ฐ
Ngunit bago tayo tuluyang magsimula, may isang mahalagang paalala na nais naming ibahagi.
๐ง๏ธ ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ข, ๐๐ก๐ โ๐๐๐๐ก๐๐๐ช๐ก๐๐๐ช ๐ก๐ ๐ฃ๐๐จ๐ ๐: ๐ฃ๐๐ฅ๐ฌ๐ข๐๐๐ฆ๐ ๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฌ๐, ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐โ ๐๐ฌ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก ๐ ๐จ๐ก๐. Ang orihinal na petsang Agosto 19โ20 ay ililipat sa Setyembre, ngunit ang bagong petsa ay tentative pa at iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Nauunawaan naming marami sa inyo ang sabik nang makiisa, kaya naman patuloy kaming umaasa na mananatili ang inyong interes at umusbong ang iyong pakikilahok sa panibagong petsa.
Kaya naman, Rizal High Journos, ihanda ang inyong panulat, dahil ang inyong kuwento ay naghihintay pa ring maisulat.
๐ Narito ang opisyal na listahan ng mga nagpaabot ng kanilang pagnanais na dumalo:
19/08/2026
๐ผ๐ ๐๐๐ฟ๐ผ๐๐๐: ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐ค๐ | Ayon sa anunsyo ng Malacaรฑang, mula sa Memorandum Circular No. 131, pansamantala munang ititigil ang klase ng face-to-face para sa araw ng Huwebes, ika-20 ng Agosto. Dulot ito ng panganib na bitbit ng baha sa ibang parte ng NCR at iba pang mga apektadong lugar. Dagdag pa dito ang tuloy-tuloy na pag-ulan mula sa hanging habagat. Sa halip, ipinatutupad ang alternative distance learning para sa patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
18/08/2026
๐ผ๐ ๐๐๐ฟ๐ผ๐๐๐: ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐ค๐ | Ayon sa anunsyo ng Malacaรฑang, mula sa Memorandum Circular No. 129, pansamantala munang ititigil ang klase ng Face-to-Face para sa araw ng Miyerkules, ika-19 ng Agosto. Dulot ito ng panganib na bitbit ng baha sa ibang parte ng NCR at iba pang mga apektadong lugar. Dagdag pa dito ang tuloy-tuloy na pagulan mula sa hanging habagat. Sa halip, ipinatutupad ang alternative distance learning para sa patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
๐: ๐๐ข๐ฃ๐ณ๐ช๐ฆ๐ญ๐ญ๐ข ๐๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ฆ๐ด | ๐๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ๐ต
๐ผ : ๐๐ฆ๐ฏ๐ฅ๐ณ๐ช๐ค๐ฌ ๐๐ข๐บ๐ฎ๐ฆ๐ด ๐๐ฐ๐บ๐ฐ | ๐๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ๐ต
11/08/2026
๐ญ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐ช๐ฐ๐ต๐ฒ๐ช๐ท๐ฐ ๐ฃ๐ช๐ต๐พ๐ถ๐น๐ช๐ฝ๐ฒ๐ช๐ท
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ginanap ang isa sa mga patimpalak nito ngayong ika-11 ng Agosto 2026, araw ng Martes. Ang Dagliang Talumpatian, kung saan susukatin ang talinhaga at bilis ng pag-iisip tungkol sa mga napapanahong isyu. Ginanap ito sa gusali ng MAE, Amphitheater sa ganap na ika-2 ng hapon.
Sinimulan ang programa ng panalangin, at pambungad na mensahe ni G. David Christian at sa pagpapakilala ng mga hurado na sina Bb. Paula Micaela A. Cortez, G. Antonio A. Espino Jr. at G. Heherson B. Camasis.
Ang mga kalahok sa patimpalak na ito ay nabigyan ng kategorya sa ilalim ng paksang: "Wikang Filipino sa Harap ng Pag-Usbong ng AI", kung saan tinalakay kung paano natatapakan ng Artificial Intelligence (AI) ang Wikang Filipino o kung paano nakakatulong ang AI sa Wikang Filipino.
Sa kabuuan, naging makabuluhan at makabayan ang Dagliang Talumpatian. Ipinakita nito na kahit sa gitna ng modernisasyon at AI, mahalaga pa rin na buhayin at pahalagahan natin ang wikang Filipino.
โ๏ธ: ๐ก๐ช๐ญ๐ญ๐ข๐ฉ ๐๐ถ๐ป๐ฐ๐ฏ | ๐๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ต๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ๐ต
๐ธ: ๐๐ฐ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ ๐๐ฉ๐ญ๐ฐ๐ฆ ๐๐ข๐ญ๐ญ๐ข๐ณ๐ฅ๐ฐ, ๐๐ข๐ต๐ฉ๐บ๐ณ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ด
๐จ: D๐บ๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข | ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต/๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
09/08/2026
๐ผ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐จ:๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐-๐ฉ๐ค-๐๐๐๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐น๐ฎ๐๐ฒ | Ayon sa Memorandum Circular No. 123 na inilabas ng Pamahalaan, pansamantala munang ititigil ang klase ng Face-to-Face para sa araw ng Lunes, ika-10 ng Agosto. Dulot ito ng sunod-sunod na pag-ulan sa NCR at iba pang mga lugar na apektado ng Hanging Habagat. Sa halip, ipinatutupad ang Alternative distance learning para sa patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
09/08/2026
โจ ๐๐ช๐ป๐ฒ๐ช ๐๐ต๐ช๐ป๐ช?โจ ๐๐บ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช, ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐๐ฏ๐จ๐ฆ๐ญ๐ข ๐๐ช๐ฎ ๐๐ฆ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ณ ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข! Magkaiba man ang pangalan, hawig naman sa galawan. Yan ang aming Patnugot sa Kolum! ๐๐ป
Maligayang kaarawan sayo! ๐ฅณ Nawa'y mapuno ng kasiyahan at kapanatagan ang iyong kaarawan. Hiling namin na maging maligaya ka kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Huwag sanang mawala ang lakas ng iyong loob upang ipahayag ang bawat saloobin na isinisigaw ng iyong puso. โค๏ธโ๐ฅ
Muli, ang aming Patnugot sa Kolum. Maligayang kaarawan sayo, Maria Angela Kim Ferrer! ๐ค
โ๏ธ: ๐๐ณ๐ช๐ค๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ฆ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ด | ๐๐ข๐ต๐ฏ๐ถ๐จ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข
๐จ: D๐บ๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ณ๐ข | ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต/๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Pasig