DepEd Tayo
Updates from Department of Education. Free download of educational and teaching resources or materia
20/08/2026
🌧️ HABAGAT:
“Alis muna ako, ahhh! 😎 Long weekend naman. Balik na lang ako sa Monday para… 👀
🏫❌ WALANG PASOK ULIT! 😂
Mga estudyante: “Ay wow, planned!” 🤣
19/08/2026
FREE DOWNLOAD | TERM 1 EXAMINATION
Looking for Term 1 examination materials for Grades 1-10? Look no further!
We are happy to provide FREE downloads for:
✅ Term 1 Examinations
✅ Table of Specifications (TOS)
✅ Answer Keys
These materials are based on the Trisem Budget of Works (BoW), ensuring alignment with curriculum requirements.
To download, simply click the link below:
👉 https://philippine-news.org/deped-term-1-exam
Don't miss out on these valuable resources to help simplify your exam preparation! Be sure to share this post with your fellow educators.
19/08/2026
📢 REMINDER | UPDATED LIST OF WALANG PASOK on August 20, 2026 (Thursday)
Updated na ang listahan ng mga lugar na may suspension of classes / WALANG PASOK ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026.
📌 Patuloy na ina-update ang listahan batay sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga lokal na pamahalaan at iba pang awtoridad.
👉 Tingnan ang UPDATED LIST dito:
https://philippine-news.org/updated-list-of-walang-pasok
🔔 Paalala: Regular na tingnan ang mga opisyal na advisory ng inyong LGU at paaralan para sa pinakabagong impormasyon.
19/08/2026
“SO NO APOLOGIES, USEC?”
“Ang dapat magbigay ng paumanhin ay ’yung nagbigay ng maling konteksto sa sinabi natin.”
Pero paano naman ang mga g**ong nakaramdam ng sakit, insulto, at paninisi?
Hindi naman hinihingi ng mga g**o ang espesyal na pagtrato. Ang hinihingi nila ay paggalang at pananagutan sa mga salitang binitiwan.
Kung malinaw naman ang pagkakasabi, bakit kailangang ang mga g**o pa ang sisihin sa “maling konteksto”?
Ang pagiging g**o ay malaking responsibilidad. Ngunit ang paghubog sa kabataan ay hindi lamang trabaho ng mga g**o. Responsibilidad ito ng tahanan, paaralan, pamahalaan, komunidad, at buong lipunan.
At kung may mga g**ong nasaktan, marahil ang kailangan nila ay hindi panibagong paliwanag kung bakit hindi dapat sila nasaktan.
Minsan, ang kailangan lang ay isang taos-pusong: “Paumanhin.”
19/08/2026
🚨 AUGUST 20, 2026 | ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS & CLASS SUSPENSION
The government has directed the implementation of alternative work arrangements for government offices and alternative learning modes for schools on August 20, 2026 in the National Capital Region and 17 provinces due to the prevailing weather conditions.
📍 Areas covered:
NCR, Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, and Occidental Mindoro.
🏫 Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, public and private schools at all levels in these areas shall implement alternative learning modes and learning continuity measures.
🏢 Government agencies providing basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services will continue operations.
📌 For the complete details and updated list of announcements:
https://philippine-news.org/updated-list-of-walang-pasok
⚠️ Important: The suspension or adoption of alternative work arrangements in the private sector remains at the discretion of management.
19/08/2026
🌧️ WALANG PASOK — AUGUST 20, 2026
Due to the continued effects of the Southwest Monsoon (Habagat) and the possible impact of Tropical Depression “NENENG,” several local government units may suspend classes on Thursday, August 20, 2026.
📌 Check the updated list of LGUs with class suspensions here:
https://philippine-news.org/walang-pasok-august-20
🔔 Stay updated and always follow official announcements from your LGU and school administration.
19/08/2026
📢 BAKIT PARANG KASALANAN NAMIN?
ACT on PCO Usec. Claire Castro’s remarks against teachers
Hindi patas na ituro sa mga g**o ang sisi sa lumalalang kultura ng karahasan sa lipunan.
Ang mga g**o ay bahagi rin ng mga naaapektuhan ng karahasan at matagal nang humaharap sa mabigat na workload, kakulangan sa suporta, hindi sapat na resources, at mahihirap na kondisyon sa pagtuturo.
Ang paghubog ng mabuting asal at pagpapahalaga sa mga bata ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan. Responsibilidad ito ng buong komunidad—ng tahanan, paaralan, pamahalaan, at lipunan.
Kaya imbes na sisihin ang mga g**o, mas makabuluhang tanungin:
👉 Sapat ba ang suporta na ibinibigay sa mga g**o?
👉 May sapat bang resources at ligtas na learning environment para sa mga mag-aaral?
👉 Ano ang ginagawa upang tugunan ang mas malalim na ugat ng karahasan sa lipunan?
Huwag gawing scapegoat ang mga g**o. Hindi solusyon ang pagsisi sa mga taong araw-araw na nagsisikap na turuan, gabayan, at protektahan ang mga mag-aaral.
🗣️ Teachers deserve respect, support, and accountability—not blame.
18/08/2026
🚨 WALANG PASOK | AUGUST 19, 2026
UPDATED LIST OF AREAS WITH CLASS SUSPENSIONS
Patuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat), habang mino-monitor din ang Tropical Depression Neneng. Dahil dito, ilang lokal na pamahalaan ang nagpatupad ng suspensyon ng klase o alternative learning arrangements ngayong Wednesday, August 19, 2026.
Samantala, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 129, ipinag-utos ang pagpapatupad ng alternative learning modes at learning continuity measures sa mga paaralan sa NCR at 17 probinsya, maliban kung may ibang direktiba ang kani-kanilang local chief executives.
Mahalagang paalala: Ang mga lokal na suspensyon na inilabas ng mga LGU ay maaaring hiwalay sa mga lugar na sakop ng Memorandum Circular No. 129. Patuloy naming ina-update ang listahan habang may mga bagong anunsyo.
👉 Tingnan ang UPDATED LIST ng ngayong August 19, 2026: https://philippine-news.org/updated-list-of-walang-pasok
🔔 I-save at i-share ang post na ito para manatiling updated sa mga bagong class suspension announcements.
18/08/2026
🌧️ BAGYONG NENENG | WEATHER UPDATE
Naging Tropical Depression Neneng na ang dating Low Pressure Area (LPA) na minomonitor sa silangan ng Luzon, ayon sa PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 2, na inilabas alas-11:00 ng gabi noong Agosto 18, 2026.
📍 Lokasyon: 745 km silangan ng Itbayat, Batanes
💨 Lakas: 45 km/h ang maximum sustained winds; hanggang 55 km/h ang bugso
➡️ Kilos: Kanluran sa bilis na 25 km/h
⚠️ Tropical Cyclone Wind Signal: Wala pang nakataas na TCWS
Ayon sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy si Neneng sa paggalaw generally west-northwestward at posibleng dumaan patungo sa eastern coast ng Taiwan pagsapit ng Huwebes, Agosto 20. Sa kasalukuyang forecast, mas mababa ang posibilidad na mag-landfall ito sa Pilipinas.
🌧️ Mas malaking banta sa pag-ulan: Habagat
Bagama't malayo pa sa kalupaan ng Pilipinas ang Neneng, patuloy na nakaaapekto ang pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat). Inaasahan ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, habang maaari ring maranasan ang malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, gayundin sa ilang bahagi ng Mindanao.
📌 Patuloy na mag-monitor sa mga susunod na PAGASA bulletin dahil maaaring magbago ang track at intensity forecast ng bagyo.
🔗 Walang Pasok | August 19, 2026:
https://philippine-news.org/walang-pasok-august-19
18/08/2026
“Sila minsan ay nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung paano maging walang modo.”
— Palace Press Officer Claire Castro
📅 August 18, 2026
Binigyang-diin ni Palace Press Officer Claire Castro ang mahalagang papel ng mga g**o sa paggabay at paghubog sa asal ng mga kabataan.
Ayon sa kanya, may ilang g**o na sa halip na maging mabuting halimbawa ay nagtuturo pa sa mga estudyante kung paano maging walang modo, lalo na sa mga nakatatanda at ibang tao.
Ang paaralan ay hindi lamang lugar para matuto ng akademikong kaalaman. Dito rin dapat natututuhan ang respeto, disiplina, at mabuting asal.
👉Gabay ang kailangan ng kabataan—hindi maling halimbawa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Pasig
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.