SB Hulo Pililla Rizal

SB Hulo Pililla Rizal

Share

#makaHULOgangPaglilingkod

21/09/2026

PAANYAYA | ๐ŸงฐBASIC PLUMBING SKILLS AND WATER METER READING๐Ÿ’ง

Ikaw ba ay interesadong matuto ng basic plumbing skills at matuto kung paano basahin ang metro ng tubig? Aba'y sali na sa libreng face-to-face training sa Setyembre 25, 2026 - Biyernes 9:00AM-10:00AM. Tingnan ang kabuuang detalye sa ibaba.

๐Ÿ“ข GUSTO MO BANG MATUTO NG BASIC REPAIRS AT MAGBASA NG WATER METER? ITO NA ANG CHANCE MO! ๐Ÿ”ง๐Ÿ’ง

Inaanyayahan ng Pililla Water District (PiWaD) ang aming mga concessionaires sa isang FREE Face-to-Face Training!

๐Ÿ“Œ TRAINING DETAILS:
Ano: Basic Plumbing Skills and Water Meter Reading
Kailan: September 25, 2026, 9:00 AM - 10:00 AM
Sino: Bukas para sa lahat ng PiWaD Concessionaires (Babae man o Lalaki!)

โš ๏ธ LIMITED SLOTS ONLY!
40 participants lang ang pwedeng makasali!

May matatanggap na Certificate of Participation ang lahat ng dadalo!

๐Ÿšจ PAANO MAG-REGISTER?
Mag-sign up na bago mag-September 24, 2026!
๐Ÿ‘‰ Click here to register: https://forms.gle/vE8Axgeaf4cZzPzG6

Unahan lang ito, mga Ka-PiWaD! Rehistro na! ๐Ÿ› ๏ธโœจ

Photos from SB Hulo Pililla Rizal's post 21/09/2026

๐ŸŒŠ MALINIS NA PAMAYANAN, TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN! ๐ŸŒ

Nakiisa ang Barangay Hulo sa clean-up drive na ginawa sa Libid Road upang ipagdiwang ang 2026 Coastal Clean-Up Day & World Clean-Up Day nitong Setyembre 19-20, 2026. Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan, kasama ang mga barangay staff, BPSO, maintenance/utilities staff, BHW, barangay sweepers at ang Set 11 ng 4Ps, isinagawa nila ang paglilinis sa naturang kalsada pati na rin sa mga estero at kanal.

Bawat isa ay may responsibilidad sa ating kalikasan na pakaingatan at mahalin upang mapanatili hindi lamang ang kaayusan ng pamayanan kung hindi pati na rin ang kalusugan ng bawat mamamayan.

21/09/2026

PAANYAYA | SAN LORENZO RUIZ MASS & PROCESSION 2026

Kayo po ay inaanyayahan sa darating na Setyembre 28, 2026, Lunes, sa ika-walo ng umaga upang ipagdiwang ang kapistahan ng ating mahal na santong patron Lorenzo Ruiz sa isang misa na gaganapin sa San Lorenzo Ruiz Chapel - Barangay Hulo. Pagkatapos ng misa ay gaganapin ang prusisyon. Inaasahan naming ang inyong pagdalo.

20/09/2026

PABATID | SAN LORENZO RUIZ FIESTA 2026

Dahil sa nalalapit na Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, pansamantala muna tayong hindi magkakaroon ng kasiyahan, pakain o palaro para sa fiesta ng San Lorenzo Ruiz ngunit magkakaroon pa rin tayo ng Novena ng siyam na araw mula Setyembre 19, 2026 hanggang Setyembre 27, 2026 ika-apat ng hapon sa San Lorenzo Ruiz Chapel - Brgy. Hulo. Magkakaroon din po tayo ng misa sa San Lorenzo Ruiz Chapel - Brgy. Hulo sa Setyembre 28, 2026 ika-walo ng umaga na susundan po ng prusisyon.

PABATID - NOVENA SCHEDULE 2026

Narito po ang siyam na araw na ๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ mula Setyembre 19 hanggang Setyembre 27, 2026 tuwing 4:00pm sa Brgy. Hulo Chapel para sa pagdiriwang ng San Lorenzo Ruiz Fiesta 2026!

Photos from SB Hulo Pililla Rizal's post 17/09/2026

๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข PABATID AT PASASALAMAT ๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข

Sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ang proyekto upang maisaayos ang kalsada sa Sitio Ligua, Tabako at Lipat Lipat. Inaabisuhan po ang mga dumaraan na magkakaroon ng pansamantalang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing kalsada kapag isinasagawa na ang proyekto.

Ang proyektong ito ay pinondohan at ipapagawa ng ating Pamahalaang Panlalawigan kaya pasasasalamat po sa ating mahal na Gov. Nini Ynares dahil natugunan po ang isa sa kahilingan ng ating mga kabarangay sa nasabing lugar. Pasasalamat din po sa ating pamahalaang bayan Mayor Jhon Masinsin at sa sangguniang bayan sa pamumuno ng ating pangalawang punong bayan Dan Masinsin para sa suporta sa proyekto. Ang nasabing proyekto ay napakalaking tulong sa ating mga kabarangay.

Photos from SB Hulo Pililla Rizal's post 17/09/2026

๐Ÿ’ง๐Ÿ’ง๐Ÿ’งPalit Pitsel, Poso Sigurado!๐Ÿ’ง๐Ÿ’ง๐Ÿ’ง

Nagsagawa ng pagpapalit ng pitsel ng poso ang ating sangguniang barangay upang maging maayos at magamit ang nasabing poso sa Sitio May Banot at Sitio Kulitis. Ang layunin ng nasabing proyekto ng ating barangay ay upang mapakinabangan ng ating mga kabarangay na patuloy na umaasa sa naturang mga poso.

Photos from SB Hulo Pililla Rizal's post 17/09/2026

๐Ÿ“–Scholarship Grant, Naipamahagi Na!๐Ÿ“–

Taos pusong pasasalamat sa ating pangulong Bongbong Marcos sa suportang binigay sa ating kabataan at kanilang natanggap na ang P20,000 scholarship grant sa ilalim ng programang Bawat Barangay Makikinabang: Presidential Scholars.

Mabuhay Bagong Pilipinas! Mabuhay Pillilanon!

Photos from SB Hulo Pililla Rizal's post 17/09/2026

๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข PABATID AT PASASALAMAT ๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข

Sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ang proyekto upang maisaayos ang drainage canal at kalsada sa Sitio Ginebra. Inaabisuhan po ang mga may sasakyan na pansamantalang maghanap ng kanilang parking area sa kadahilanang ang nasabing kalsada ay hindi madadaanan kapag isinagawa na ang proyekto.

Ang proyektong ito ay pinondohan at ipapagawa ng ating pamahalaang panlalawigan kaya pasasasalamat po sa ating mahal na Gov. Nini Ynares dahil natugunan po ang isa sa kahilingan ng ating mga kabarangay sa nasabing lugar. Pasasalamat din po sa ating pamahalaang bayan Mayor Jhon Masinsin at sa sangguniang bayan sa pamumuno ng ating pangalawang punong bayan Dan Masinsin para sa suporta sa proyekto. Ang nasabing proyekto ay napakalaking tulong sa ating mga kabarangay.

15/09/2026

CONGRATULATIONS PRESIDENTIAL SCHOLARS! ๐ŸŽ“

Narito ang listahan ng mga ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ ๐ง๐š ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ง๐ : ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ข๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ!
๐Ÿ. Rosette B. Babon
๐Ÿ. Sarah Kaye L. Rufo
๐Ÿ‘. Jelma T. Ridual
๐Ÿ’. Mackenzie M. Olea
๐Ÿ“. Joydee Ann T. De Leon

Ang pagpili sa ating mga scholars ay dumaan sa masusing proseso, mula sa pagsusumite ng application form, interview at final selection. Nawa'y makatulong ang scholarship na ito bilang dagdag na suporta at inspirasyon sa inyong pag-aaral.

Inaanyayahan at hinihiling na personal na dumalo ang limang (5) mapapalad na scholars, kasama ang kanilang magulang o legal guardian, sa ating Barangay Hall para sa mga susunod na proseso at dokumentasyon ng scholarship.
๐Ÿ—“ Petsa: September 17, 2026
โฐ Oras: 9:00 AM
๐Ÿ“ Lugar: Hulo Barangay Hall

Mangyaring dumalo sa itinakdang oras at dalhin ang mga kinakailangang dokumento at valid government ID.
Muli, maligayang pagbati sa ating mga presidential scholars! ๐ŸŽ“

14/09/2026

PABATID - NOVENA SCHEDULE 2026

Narito po ang siyam na araw na ๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ mula Setyembre 19 hanggang Setyembre 27, 2026 tuwing 4:00pm sa Brgy. Hulo Chapel para sa pagdiriwang ng San Lorenzo Ruiz Fiesta 2026!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pililla?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Hulo
Pililla
1910

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm