Atty. Imee Cruz
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Atty. Imee Cruz, Public & Government Service, Pulilan.
𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗙𝗕 𝗣𝗔𝗚𝗘 𝗢𝗙 "𝗔𝗧𝗧𝗬. 𝗜𝗠𝗘𝗘 𝗖𝗥𝗨𝗭", 𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗟𝗔𝗡 (AIC)
⚖️ Topnotch Lawyer at Lider
🤍 Matapat na lingkod-bayan (20+ taon)
🫶🏻 Mapagmahal na anak, kapatid at ina
"ATE VICE, MAHAL NG PULILAN"
04/08/2026
Maligayang kaarawan po sa mga maaasahang kawani ng ating Pamahalaang Bayan na sina:
Dannica E. Coronel ng Health Office
Marissa C. Jayma ng MWSO
Vilma S. Andan ng Sangguniang Bayan
Maraming salamat po sa inyong sipag at patuloy na paglilingkod para sa ating mga kababayan. Hangad ng inyong Ate Vice para sa inyo ang mabuting kalusugan at marami pang biyaya at tagumpay.
04/08/2026
Maraming salamat po sa ating Pangulong BBM sa kaniyang Rice Distribution Program na pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund.
Sa pangunguna po ng ating Mayor RJ Peralta katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office ay napili ang sektor ng transportasyon, partikular ang mga kasapi ng TODA sa ating bayan, upang tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas.
Sana po ay madami pa ang mabiyayaan ng programang ito ng ating pamahalaan, na napakalaking tulong sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.
Sa patuloy na paglilingkod ng ating Sangguniang Bayan ay naipasa nito sa 3rd and Final Reading ang dalawang mahahalagang ordinansa sa isinagawa nitong 28th Regular Session kahapon, Agosto 3.
Itinatakda ng Municipal Ordinance No. 12-24 s. 2026 ang mga patakaran at regulasyon sa paggamit ng ating Municipal Library, na inakda nina Igg. Lovy Leslie B. Valenzuela at Igg. Juene Adrianne S. Buquid, MD.
Ang Municipal Ordinance No. 12-25 s. 2026 ay nagtatatag ng isang Municipal Mental Health, Self-Harm Prevention, and Psychosocial Support Program na inakda ng inyong lingkod, Vice Mayor Atty. Imelda DJ. Cruz katuwang ang ating mga kasangguni, Igg. Juene Adrianne S. Buquid, MD at Igg. Peter John T. Dionisio.
03/08/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗: Dahil sa patuloy na epekto ng Bagyong at sa inaasahang tuloy-tuloy na pag-ulan, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan ngayong Agosto 4, 2026 (Martes).
Upang hindi maantala ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral, hinihikayat ang lahat ng paaralan na ipatupad ang 𝘼𝙡𝙩𝙚𝙧𝙣𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙇𝙚𝙖𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙤𝙙𝙖𝙡𝙞𝙩𝙞𝙚𝙨 (𝘼𝙇𝙈) o iba pang naaangkop na learning activities habang nananatili ang mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.
Inaanyayahan din ang lahat na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan at maging handa sa mga susunod na abiso ng mga kinauukulan. 💙
📞 𝗣𝘂𝗹𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀
🚑 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲: 0917-561-6195
👮 𝗣𝗡𝗣: 0998-5985393
🚒 𝗕𝗙𝗣: 0949-508-4458
Mag-ingat po ang lahat at manatiling ligtas.
03/08/2026
Maligayang kaarawan po kay Bryan Jade Nicomedes ng Municipal Environment and Natural Resources Office!
Nawa'y naging masaya at puno ng pagpapala ang espesyal na araw na ito para sa iyo. Nawa'y mabiyayaan kayo ng mabuting kalusugan, tagumpay sa lahat ng iyong mga pangarap, at mas marami pang masasayang alaala kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay.
03/08/2026
Ginanap ngayong araw ang Ika-28 Regular Session ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan, sa pangunguna ng inyong Ate Vice bilang Presiding Officer, kasama ang ating mga Kasangguni.
Patuloy nating tinatalakay at inaaksyunan ang mahahalagang usapin, ordinansa, at panukalang nakatuon sa kapakanan at pangangailangan ng ating mga kababayan.
03/08/2026
Pinangunahan ng Pulilan Municipal Tourism Office ang ating Lingguhang Flag Raising Ceremony sa Pulilan Municipal Gymnasium. Naging makabuluhan ang programa sa pagkilala sa mga kawani na may perfect attendance sa Flag Raising Ceremony mula Enero hanggang Hunyo, gayundin sa isang kawani na kinilala sa kanyang maagap na pagtugon sa tungkulin.
Bilang pagsisimula ng Buwan ng Wika 2026, nagkaroon din tayo ng maikling pagbabahagi tungkol sa kahalagahan ng ating wika at pagkilala sa Best in Filipino Attire para sa lalaki at babae. Isinagawa rin ang pagkakaloob ng Presidential Assistance sa mga barangay ng Pulilan.
03/08/2026
ATM | August 3, 2026
28th Regular Session ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pulilan
3005