Pulilan Municipal Library
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pulilan Municipal Library, Library, 2nd Floor Old PUP Building, Pulilan Regional Road, Poblacion, Pulilan.
Here's the new operation schedule of Pulilan Municipal Library:
๐Monday to Thursday ~ 8:00 AM - 5:00 PM
๐Friday to Sunday - Closed
๐2nd Floor of Old PUP Building, Pulilan Regional Road, Poblacion, Pulilan, Bulacan
23/09/2026
Tuklas Aklat (Episode 9)๐
Bawat pangalan ay may kuwento, at bawat kuwento ay bahagi ng ating kasaysayan. Sa Mohon: Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan ni Jaime Salvador Corpuz, kilalanin ang mga Bulakenyong nag-iwan ng mahalagang ambag at pamana sa ating lalawigan.
Tuklasin ang mga buhay at kuwentong nagpapaalala kung bakit maipagmamalaki ang pagiging Bulakenyo.
Librarian: Paano ayain ang kaibigan sa Pulilan Municipal Library?
OJT:...
22/09/2026
Tuklas Aklat (Episode 8)๐
Kilalanin ang kasaysayan, kalinangan, at pamumuhay ng mga Dumagat sa Sierra Madre ng Bulacan. Sa Mahabe Pagotan, mabibigyang-halaga ang kanilang mga kuwento, tradisyon, paniniwala, at malalim na ugnayan sa kalikasan.
Isang paalala na ang kasaysayan ng Bulacan ay hindi lamang matatagpuan sa mga bayan at lungsod, kundi pati sa mga pamayanang matagal nang bahagi ng ating kultura at kasaysayan.
Halinaโt tuklasin ang kuwento ng mga Dumagat at mas kilalanin ang yaman ng ating sariling kasaysayan.
21/09/2026
Tuklas Aklat (Episode 7)๐
Kilalanin ang buhay, diwa, at makabuluhang panulat ni Marcelo H. del Pilar sa aklat ni Antonio B. Valeriano. Balikan ang kanyang mga paninindigan at ambag bilang manunulat at propagandista na gumamit ng kapangyarihan ng salita upang pukawin ang kamalayan, ipahayag ang katotohanan, at ipaglaban ang kapakanan ng bayan. ๐ต๐ญ
Tuklasin ang kasaysayan sa bawat pahina at hayaang maging inspirasyon ang kanyang pagmamahal sa bayan at paninindigan para sa pagbabago.
21/09/2026
๐ Books that travel, knowledge that grows! ๐
The Pulilan Municipal Library continues to bring the joy of reading closer to every Pulilenyos through the distribution of donated books to different barangays in Pulilan, Bulacan.
Sa bawat librong naibabahagi, may bagong kaalaman, inspirasyon, at oportunidad na naihahatid sa ating mga kababayan. Sama-sama nating palaganapin ang kultura ng pagbabasa at pagkatuto sa bawat barangay. ๐โจ
17/09/2026
Same time tayo sa Lunes, Pulilenyos ah? Kitakits!๐
17/09/2026
Tuklas Aklat (Episode 6)๐
"Bulakan ng mga Bayani"
Sa bawat pahina, muling nabubuhay ang mga kuwento ng Bulacan at ng mga taong naging bahagi ng kasaysayan nito.
Sa aklat ni Jaime B. Veneracion, tuklasin ang mahahalagang pangyayari, lugar, at personalidad na nag-iwan ng bakas sa panahon ng Rebolusyong 1896 at Digmaang Pilipino-Amerikano.
Halinaโt balikan ang kasaysayan at kilalanin ang Bulacan ng mga bayani!๐
Pulilan Municipal Library OJT's are on the go to give you the services that you needed๐จ
Tara na sa Pulilan Municipal Library. Kitakits, Pulilenyos!๐
16/09/2026
Tuklas Aklat (Episode 5)๐
"Aklat ng Bayang Bulacan"
Ang kasaysayan ng Bulacan ay hindi lamang makikita sa mga lumang gusali at pangalan ng mga bayani matatagpuan din ito sa mga kuwentong bumuo sa ating mga pamayanan.
Sa Aklat ng Bayang Bulacan ni Mariano T. Santos, balikan natin ang mga kuwento, kultura, tradisyon, at alaala na nagbibigay-kulay sa pagkakakilanlan ng ating lalawigan.
Halinaโt kilalanin ang Bulacan sa pamamagitan ng mga kuwentong nagmula sa nakaraan.๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
2nd Floor Old PUP Building, Pulilan Regional Road, Poblacion
Pulilan
3005
Opening Hours
| Monday | 9:30am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Pulilan Municipal Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.