Mayor Ralph Lim

Mayor Ralph Lim

Share

Official page of Mayor Ralph Lim - San Andres, Quezon Province

[email protected]

23/09/2026
23/09/2026

DOH: ALAMIN ANG MGA POSIBLENG PINAGMUMULAN NG LEPTOSPIROSIS

Hindi lang sa baha nakukuha ang Leptospirosis, maaari rin itong makuha sa maruming lupa, putik, at iba pang lugar na may latak ng ihi ng daga. Basahin ang post na ito para malaman ang iba't ibang posibleng pinagmumulan ng sakit at maiwasan ang panganib nito.

Kung lumusong sa baha o naexpose sa alinman sa mga nabanggit sa post, agad na magtungo sa health center o YAKAP clinic, may sintomas man o wala. Tumawag sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.

22/09/2026

Congratulations sa ating kababayan, Mx. Jamille De Vega!

Hinirang na kauna-unahang Miss Berโ€™gay 2026 na ginanap sa Mulanay bilang bahagi ng gawain ng kanilang paaralan.

๐€ ๐‚๐‘๐Ž๐–๐ ๐–๐Ž๐‘๐“๐‡ ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐†!๐Ÿ‘‘

The Municipal Tourism Office of San Andres proudly extends its warmest congratulations Kababayan ๐‰๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ž ๐ƒ๐ž ๐•๐ž๐ ๐š for being crowned ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฌ ๐๐ž๐ซโ€™๐†๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ๐Ÿ‘‘ organized by Poblacion IV of ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐š๐ฒ.

๐Ÿ† ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™จ ๐˜ฝ๐™š๐™งโ€™๐™‚๐™–๐™ฎ 2026
๐Ÿ† ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™จ ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™ฎ
๐Ÿ† ๐˜ฝ๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™ž๐™ฃ ๐˜พ๐™–๐™จ๐™ช๐™–๐™ก

Your achievement reflects not only your beauty and confidence, but also your authenticity, grace, and inspiring personality. May you continue to shine, embrace your uniqueness, and inspire others to be proud of who they are. ๐ŸŒˆ

๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ, ๐™…๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ก๐™š! ๐™’๐™š ๐™–๐™ง๐™š ๐™จ๐™ค ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ช๐™™ ๐™ค๐™› ๐™ฎ๐™ค๐™ช!






๐ŸŒˆ

Photos from Mayor Ralph Lim's post 22/09/2026

๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐——๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—›๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก, ๐—•๐—œ๐—ก๐—œ๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”

Pinangunahan nina Mayor Ralph Lim at Vice Mayor Nelson Ausa ang ginanap na pagpaparangal nitong Biyernes, Setyembre 18, para sa mga atletang San Andresin na nag-uwi ng tagumpay mula sa Palarong Quezon kamakailan

Muling kinilala sa programa ang natatanging tagumpay ni Laymar P. Angeles na nakasungkit ng apat na gintong medalya sa Secondary Track and Field (100m, 200m, 400m Run, at 4x100m Relay) kasama nina Justine M. Guevarra, Jemel M. Angeles, at Rix A. Toyco. Nag-uwi din ng ginto sina Justine M. Guevarra sa (110m Hurdles) at Aizel O. Alames sa (2000m Walkathon), habang ang iba naman ay nakapag-uwi rin ng silver at bronze medal mula sa iba pang larangan.

Hindi rin nagpahuli ang koponan ng Boxing matapos magtala ng limang kampeon sa iba't ibang kategorya ng timbang sina Archie A. Aurellana, Elizer T. Invento, Reymark T. Dela Torre, Renato Simon E. Emprese, at Renso V. Padua at iba pa.

Sa programa, ipinahayag ng mga lokal na opisyal ang kanilang pagbati at pasasalamat sa mga atleta sa kanilang husay at dedikasyon na nagbigay ng inspirasyon at karangalan sa buong bayan ng San Andres.


I ๐Ÿ’™ SAN ANDRES

Photos from Mayor Ralph Lim's post 21/09/2026

Ngayong araw, Setyembre 21 ay pormal na binuksan ng Pamahalaang Bayan ng San Andres, Quezon ang pagdiriwang ng ika-126 Philippine Civil Service Anniversary sa pamamagitan ng isang parada na lumibot sa mga pangunahing lansangan ng Brgy. Poblacion na nilahukan ng mga kawani mula sa iba't ibang ahensiya at tanggapan ng Pamahalaang Bayan bilang pagkilala.

Bukod sa parada, nakatakda rin ang ilang mga palaro na bahagi ng aktibidad na inihanda ng iba't ibang tanggapan para sa buong linggo ng selebrasyon ng Philippine Civil Service Anniversary 2026


I ๐Ÿ’™ SAN ANDRES

Photos from Mayor Ralph Lim's post 20/09/2026

TINGNAN: Cash incentives na P10,000, naipagkaloob sa tatlong (3) na nakatatanda sa bayan ng San Andres, Quezon nitong araw ng Huwebes, Setyembre 17, 2026

Pinangunahan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni OSCA Chairperson Andrea S. Banal kasama si Mayor Ralph Lim ang pamamahagi ng nasabing insentibo sa ilalim ng Expanded Centenarian Act o (RA No. 11982), ayon sa naturang batas, makatatanggap ang mga kwalipikadong senior citizens ng halagang P10,000 pagdating sa edad na 80, 90, 95, habang 100,000 libong piso naman ang nakatakda pa nilang matanggap pagtungtong sa edad na 100.

Bukod naman sa nasabing insentibo, tumanggap rin ang mga ito ng sertipiko ng pagkilala bilang tanda ng kanilang mahabang buhay at naging kontribusyon sa ating komunidad.


I ๐Ÿ’™ SAN ANDRES

20/09/2026

Puwede nang mangarap sabi ni Lyca Gairanod ๐Ÿ˜… Tara po sa Alibijaban, Makapaya, Silangang-Yugno, at Nabaroto.

19/09/2026

โš ๏ธ ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐โš ๏ธ

May pekeng Facebook account na gumagamit ng pangalang โ€œMayor Ralph Limโ€ at aking larawan.

Mangyaring huwag maniwala, tumugon, o magbigay ng pera at personal na impormasyon sa account na ito.

๐Ÿ”ด ๐™„-๐™ง๐™š๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ ๐™ฅ๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™š๐™ ๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™˜๐™˜๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ:๏ฟฝhttps://www.facebook.com/profile.php?id=61579750151645

Para sa opisyal na impormasyon at updates, dito lamang po sa aking ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ.

Maraming salamat po sa inyong pag-iingat at pakikiisa. ๐Ÿ™

Photos from Mayor Ralph Lim's post 18/09/2026

| ๐๐ˆ๐˜๐Ž๐† ๐“๐Ž ๐๐„๐†๐Ž๐’๐˜๐Ž: ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐——๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐—™๐—”๐—ฅ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ, ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—š๐—ฅ๐—œ-๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐——๐—จ๐—ž๐—ง๐—ข

Kanina, nakiisa ang San Andres Tourism Office sa Culminating Program ng matagumpay na Coconut Farming Household Upskilling and Enterprise Transformation (Phase 2): ๐™๐™ง๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ค๐™ฃ ๐˜พ๐™ค๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™ช๐™ฉ ๐™‘๐™–๐™ก๐™ช๐™š-๐˜ผ๐™™๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™š๐™˜๐™๐™ฃ๐™ค๐™ก๐™ค๐™œ๐™ž๐™š๐™จ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™‰๐™ค๐™ฃ-๐™๐™ค๐™ค๐™™ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™™๐™ช๐™˜๐™ฉ ๐˜ฟ๐™š๐™ซ๐™š๐™ก๐™ค๐™ฅ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ, sa ilalim ng COCOHUT Project, na isinagawa ngayong September 14โ€“18, 2026 sa Brgy. Camflora, San Andres, Quezon na pinangasiwaan ng MOCA Family Farm RLearning Center Inc.

Sa programa, aktuwal na nasaksihan ng mga Tourism Personnel ang ibaโ€™t ibang produktong likha mismo ng ating mga kapwa San Andresin bilang bunga ng kanilang limang araw na pagsasanay.

Aktibong nilahukan ito ng mga coconut farmer mula sa pitong (7) barangay ng San Andres, na naglaan ng panahon, sipag, at dedikasyon upang matuto ng mga bagong kasanayan at ideyang maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng training, natutuhan ng mga kalahok ang ibaโ€™t ibang value-adding techniques sa paglikha ng non-food products mula sa niyogโ€”isang hakbang tungo sa mas malawak na paggamit at pagpapahalaga sa ating lokal na yamang agrikultural.

Mahalaga ang ganitong mga programa dahil nagbubukas ito ng potensyal para sa pagpapaunlad ng local products, dagdag na livelihood opportunities, at pagpapalakas ng community-based tourism sa ating bayan. Sa hinaharap, ang mga produktong likha ng ating mga magsasaka ay maaari ring maging bahagi ng mga lokal na produktong maipagmamalaki at maipakikilala sa ating mga bisita at turista.

Sa ating mga masisipag na magsasaka, saludo kami sa inyong sipag, pakikilahok, at kagustuhang matuto at sumubok ng mga bagong ideya.

Asahan ninyong ang LGU San Andres, katuwang ang Municipal Tourism Office, ay patuloy na makikiisa sa mga programang nagbibigay-halaga sa ating lokal na produkto, ating mga magsasaka, at ating komunidad.

Mula niyog, tungo sa negosyoโ€”at mula sa ating mga magsasaka, tungo sa bagong oportunidad! ๐ŸŒดโœจ

I ๐Ÿ’™ SAN ANDRES

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Quezon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


2nd Flr. De Leon Street New Municipal Bldg. Brgy. Poblacion San Andres
Quezon
4314

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm