Sigay

Sigay

Share

Ang Opisyal na pahayagan ng Ramon National High School

Photos from Sigay's post 07/07/2026

Project ARAL Nagsimula sa Kumustahan at Palaro

Hulyo 7 – Sinimulan ng mga tutors at tutees ng Ramon National High School ang unang araw ng Project ARAL sa pamamagitan ng kumustahan, getting-to-know-you activities, at mga palaro. Naging daan ang mga gawaing ito upang mapalakas ang samahan ng mga tutees at maihanda sila para sa mga susunod na aralin sa programa.

Photos from Sigay's post 11/06/2026

Pagkakaisa ng Magulang at Paaralan, Pinagtibay sa Parents' Orientation sa Ramon National High School
‎
‎Nakiisa ang mga magulang sa isinagawang Parents’ Orientation sa Ramon National High School na naglalayong maipaalam, maipaliwanag, at maunawaan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paaralan at sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Nakiisa rin ang mga mag-aaral upang maging kabahagi sa pag-unawa sa mga tinalakay na impormasyon.

‎Binigyang-diin ni punong-g**o Ma. Rodelene J. Terte EdD. ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon ng lahat ng sektor ng paaralan. Aniya, “Let’s work together for better Ramon National High School,” bilang panawagan sa patuloy na pagpapanatili ng seguridad at katahimikan sa paaralan. Ayon pa sa kanya, mahalagang mapanatili ang ligtas na kapaligiran hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi maging para sa mga magulang upang mabawasan ang kanilang pag-aalala.

‎Ipinakilala rin sa nasabing pagtitipon ang pagpapatupad ng bagong kurikulum na isasagawa sa kasalukuyang taong panuruan. Ipinaliwanag ang mga pagbabagong kaakibat nito upang higit na mapahusay ang kalidad ng edukasyon.

‎Sa kabuuan, ipinakita ng pagdalo ng mga magulang ang kanilang aktibong pakikilahok at malasakit sa edukasyon ng kanilang mga anak. Sa patuloy na pagpapatibay ng ugnayan ng paaralan at tahanan, inaasahang higit pang mapapabuti ang pagkatuto at paghubog sa mga mag-aaral.

✍🏻: Aaleyah Milo

Photos from Sigay's post 10/06/2026

𝑷𝒂𝒈𝒔𝒖𝒔𝒖𝒍𝒊𝒕 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈, 𝑩𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑮𝒂𝒃𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕𝒖𝒕𝒐 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒈𝒍𝒂𝒈𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑴𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍.

Kasalukuyang isinasagawa ang Rapid Math Assessment (RMA) sa Ramon National High School bilang tugon sa layunin ng Department of Education na masukat ang kasalukuyang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Matematika.
Sa pamamagitan ng pagsusulit na ito, matutukoy ang mga kasanayang nangangailangan ng higit na pagpapaunlad upang makapaglatag ng mga angkop na programang pang-akademiko at interbensyon. Inaasahan na ang mga resulta ng assessment ay magsisilbing gabay sa pagpapalakas ng numerasiya at pagkatuto ng mga mag-aaral sa paaralan.

Photos from Sigay's post 08/06/2026

CES ng mga G**o, Matagumpay na Naidaos sa Unang Araw ng Pasukan

Hunyo 8, 2026 — Pinangunahan ni Dr. Ma. Rodelene J. Terte ang Collaborative Expertise Session (CES) ng mga g**o upang masubaybayan ang kanilang kahandaan at mga karanasan sa unang araw ng pasukan.

Kabilang sa mga naging tagumpay ang maayos na paghahanda ng mga g**o sa kanilang mga klase, organisadong pamamahala sa silid-aralan, at positibong pagtugon sa mga gawain sa pagbubukas ng klase.

Sa kabuuan, naging maayos at matagumpay ang unang araw ng pasukan ayon sa naging resulta ng CES, at magsisilbing batayan ang mga natukoy na hamon para sa patuloy na pagpapabuti ng pagtuturo at pagkatuto.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Ramon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Ramon
3319

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sigay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Ramon.