PH Pulse Now

PH Pulse Now

Share

All about the Philippines—news and current events that matter.

23/09/2026

Nagbabago ang mundo. Baka panahon na ring baguhin natin kung paano tayo natututo, nagtatanong, at nagpapasya. Ang edukasyon ay hindi lang tungkol sa pagsunod—kundi sa pagkatutong mag-isip para sa sarili.

-iisip

21/09/2026

Hindi lahat ng mukhang organic sa social media ay necessarily organic. :thinking_face: Alamin kung paano gumagana ang coordinated accounts, bots, at sockpuppets—and why you should pause before believing what looks popular online.

08/09/2026

DAMING SAKIT AH! TAENA MABUBUHAY PA KAYA TO?

Kapag ordinaryong tao ang may kinakaharap na kaso, sa kulungan ang diretso.

Pero kapag politiko?
Biglang may sakit.
Biglang nasa ospital.
Biglang may medical condition na lumalabas kapag may warrant.

Ilang beses na nating nakikita ang ganitong eksena sa pulitika?

05/09/2026

₱7.2 trillion ang proposed national budget para sa 2027. Pero saan nagbabago ang budget habang dumadaan sa Kongreso—at sino ang nakikinabang? Alamin kung paano gumagana ang budget insertion at bakit mahalaga ang transparency.

05/09/2026
04/09/2026

Nagreklamo siya laban sa isang barangay official—pero siya ang nakasuhan ng libel. Sa huli, binawi ng Supreme Court ang kanyang conviction. Alamin kung bakit. ⚖️

04/09/2026

🐊 KAPAG ANG GOBYERNO AY NAGING FAMILY BUSINESS

Sa isang healthy democracy, hindi dapat nakasentro ang kapangyarihan sa iisang pamilya.

May separation of powers. May checks and balances. May mga institusyong dapat independent at may kakayahang magbantay sa isa't isa.

Pero kapag ang political connections ay umiikot sa magkakamag-anak—anak, pinsan, bayaw, asawa—lumalabas ang isang seryosong tanong:

Independent pa ba talaga ang mga institusyong dapat nagbabantayan sa isa't isa?

Hindi naman masama ang magkaroon ng kamag-anak na nasa gobyerno. Ang problema ay kapag ang family connections become a pathway to political power and influence, habang humihina ang institutional checks.

Dahil ang gobyerno ay hindi dapat maging family business.

Ang public office ay public trust, hindi mana.

At sa demokrasya, hindi dapat ang apelyido ang pinakamalakas na qualification para magkaroon ng kapangyarihan.

Kapag iisang grupo ang may hawak ng napakaraming bahagi ng sistema, sino ang magbabantay sa nagbabantay?

04/09/2026

May ebidensya. May kaso. Pero bakit wala pa ring kulong?

Want your business to be the top-listed Media Company in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


124 Main
Rodriguez
1862

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PH Pulse Now posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Rodriguez.