SJNHS - Ang Gatdula
Opisyal na Publikasyong Pampaaralan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng San Jose
๐๐น๐๐ฏ ๐๐ฎ๐ 2026 | ๐๐ผ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ
Matagumpay na idinaos ng lahat ng Clubs sa San Jose National High School ang ๐๐น๐๐ฏ ๐๐ฎ๐ noong ๐ถ๐ธ๐ฎ-8 ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ. Baggama't maulan at makapinsala ang panahon ay nanatiling matatag ang bawat kalahok ng mga clubs at organization. ๐บโจ
Layunin ng programa na ipamalas ang kanilang talento, at ipakilala ang kanilang clubs .๐ซ
Ngayon, pakinggang natin ang ๐ฏ๐ผ๐๐ฒ๐ ng mga mag-aaral galing sa San Jose National High School tungkol sa karanasan at feedback ng bawat isa sa club day. ๐
Tagapagsalita: Cj Costales at Madelene Nicolas
Sulat at bidyo ni: Maria Trisha Faminial
Edit ni: Janine B. Jesalva
31/08/2026
๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง
Sulat ni: Madelene Nicolas
Layout ni: Jayther Pracullos
31/08/2026
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ต๐ญ
Ipinagdidiriwang natin ang ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ upang bigyang karangalan ang pagiging makabayan nila at alalahanin ang sakripisyo, katapangan, at katatagan ng ating mga bayani.
Sila ang kabilang sa mga nagsakripisyo at lumaban para sa kalayaan ng ating bansa at kapwa Pilipino.
Kaya ano pa ang hinihintay mo? Halina't ipagdiriwang natin ang ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐๐ง๐ค๐๐จ ๐ฟ๐๐ฎ! ๐ต๐ญ๐
Sulat ni: Hannah Franchesca C. Lim
Layout ni: Sefie Rhian S. Antonio
30/08/2026
๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐; ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง
Ang ๐๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐๐ณ๐ฆ๐ฆ๐ฅ๐ฐ๐ฎ o malayang pamamahayag ay karapatan na mag-ulat ng may katotohanan at walang kinikilingan.
Dito, sila ang nagiging mata at tainga ng bayan at apoy ng katotohanan. Nagbibigay ng liwanag sa iba't ibang kwentong Pilipino at higit sa lahat ay nagbabahagi ng impormasyon upang mulatin ang taumbayan.
"With great power comes great responsibility," ika ni Spiderman sa isang pelikulaโang pamamahayag ay may kasamang reponsibilidad na magbigay ng ebidensya at protektahan ang dignidad ng lahat.
Ngayong ๐๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐๐ณ๐ฆ๐ฆ๐ฅ๐ฐ๐ฎ ๐๐ข๐บ, tandaan natin na maging boses ng bayan para sa kapayapaan. Kapag malaya ang boses, malaya rin tayo.
"Ang pamamahayag ng tama at walang kinikilingan ay hindi pribilehiyo, ito ay karapatan ng bawat isa."
Sulat ni: Madelene Nicolas
Layout ni: Maria Trisha Faminial
22/08/2026
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ, Bb. ๐พ๐ง๐ช๐ฏ!โจ
Isang malugod na pagbati ng Maligayang Kaarawan para sa aming kagalang-galang at minamahal na School-Paper Adviser ng Ang Gatdula, Bb. Ma. Angelica T. Cruz!
Sa mahalagang araw na ito, buong-pusong nagpapasalamat ang bawat miyembro ng Ang Gatdula sa iyong walang-sawang dedikasyon, paggabay, at pag-unawa.
Ang iyong hindi matatawarang sipag at malasakit sa pagtuturo ay nagsisilbing pundasyon at inspirasyon upang patuloy kaming magsumikap at maghangad ng kahusayan sa aming pagsusulat.
Higit pa sa pagiging isang mahusay na g**o, ikaw ay nagsilbing pangalawang magulang at gabay na pumatnubay sa aming landas sa bawat hakbang ng aming paglalakbay sa paaralan.
Nawaโy pagpalain pa po kayo ng Maykapal ng mabuting kalusugan, habang-buhay na kaligayahan, at patuloy na tagumpay sa inyong bokasyon at personal na buhay.
Muli, isang mapagpala at Masayang Kaarawan po sa inyo!
20/08/2026
๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐๐ข๐ฅ๐ค๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค
Ang nakaraan ng ating Inang Bayan ay hindi lamang kuwento ng mga lumipas na panahon, kundi salamin ng ating pagkakakilanlan at gabay sa paghubog ng kinabukasan, kaya naman sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan at Wikang Pambansa ngayong Agosto, binibigyang-diin ang kahalagahan ng kasaysayan, wika, at kulturang Pilipino bilang bahagi ng pagkakaisa at pagkilala sa ating pagka-Pilipino.
Bawat bagay na ating kinagigiliwan at kinagisnan ay may kuwentong nag-ugat sa nakaraan. Sa paglipas ng panahon, naipapasa ang mga tradisyon, wika, kultura, at kaugalian na hinubog ng ating mga ninuno at bayani, na nagsisilbing pundasyon ng identidad at katangian ng ating lahi.
Dahil dito, patuloy na hinihikayat ang bawat isa, lalo na ang mga kabataan, na kilalanin at pahalagahan ang kasaysayan, wika, at pamanang kultura, upang mapanatili ang mga aral ng nagdaan at maisabuhay ang mga ito sa paghubog ng mas makabuluhan na kinabukasan.
Sulat ni: Zcharmel Vinoya
Layout ni: Raphael Maramba at Naikisha Macalalag
19/08/2026
Maligayang ika-148 kaarawan sa Ama ng Wikang Pambansa, Manuel L. Quezon! ๐ต๐ญ
Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-148 kaarawan ni Manuel L. Quezon, ang unang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt at isa sa mga naging mahalagang tagapagtaguyod ng pagkakaisa at sariling pagkakakilanlan ng ating bansang Pilipinas.
Sa paglipas ng panahon, nananatiling buhay ang kaniyang mga ambag at mga aral na kaniyang iniwan para sa ating bayan. Ang kaniyang walang-sawang pagmamahal sa bayan, pagtataguyod ng pagkakaisa, at higit sa lahat ay pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura ang siyang nagsisilbing paalala sa bawat Pilipino na pahalagahan ang ating natatanging kultura at pagkakakilanlan. ๐๐โค๏ธ
Salamat sa iyong pamana at pagmamahal sa bayan, Manuel L. Quezon! Ang inyong mga ambag ay patuloy na mabubuhay sa puso ng bawat Pilipino. ๐ซก
19/08/2026
NO FACE-TO-FACE CLASSES | HINAY
Pursuant to Memorandum Circular No. 131, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 20, 2026:
๐ National Capital Region (NCR)
๐ Abra
๐ Benguet
๐ Ilocos Norte
๐ Ilocos Sur
๐ La Union
๐ Pangasinan
๐ Bataan
๐ Bulacan
๐ Nueva Ecija
๐ Pampanga
๐ Tarlac
๐ Zambales
๐ Batangas
๐ Cavite
๐ Laguna
๐ Rizal
๐ Occidental Mindoro
Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes and learning continuity measures at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.
Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.
Contract of Service (COS) and Job Order (JO) workers placed under alternative work arrangements shall be paid their corresponding wages or salaries, subject to applicable rules and regulations.
The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.
INGAT everyone!
19/08/2026
SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES IN ALL LEVELS (PUBLIC & PRIVATE); MUNICIPAL GOVERNMENT OFFICES REMAIN OPERATIONAL
Alinsunod sa Malacaรฑang, suspendido po ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN dito sa ating bayan bukas, August 20, 2026. Sa halip, ipatutupad ang alternative delivery modes (ADMs) of learning upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.
Tuloy-tuloy naman ang serbisyo ng mga opisina sa ating pamahalaang lokal.
Manatili pa ring naka-antabay sa mga anunsyo ng ating Pamahalaang Bayan.
19/08/2026
๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐: ๐๐ข๐ฒ๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐๐ฐ๐๐ฅ๐
Muling sumisiklab ang bagsik ng kalangitan habang ang bawat patak ng ulan ay nagbabadyang muling magpaagos ng takot sa mga lansangan.
Tahimik na nagliliwanag ang mga i-screen sa loob ng silid ng kontrol, kung saan walang pikit ang mga matang nagbabantay sa bawat pintig ng metro at pagtaas ng antas ng tubig.
Isang bahagyang pagkakamali sa pagtantiya ng mga datos dito ay sapat na upang ilubog sa matinding trahedya ang buong komunidad sa ibaba.
Kubli sa paningin ng nakararami na nasa gitna ng rumaragasang bahagya, may nakatagong matalinong kalkulasyon at disiplina ng siyensya na gumagalaw para sa kaligtasan ng lahat.
Sa mata ng karaniwang mamamayan, ang dam ay isa lamang higanteng pader ng semento, ngunit sa larangan ng hydrology, ito ang pinakamatatag na kalasag ng lipunan laban sa p**t ng kalikasan.
Nagsisilbi itong tagasalo na nag-iipon muna ng bagsik ng ulan sa reservoir upang hindi biglang gulatin at walisin ng hagupit ng agos ang mga kabahayan.
Kailanman ay hindi nagbubukas ng pinto ng dam sa simpleng hula lamang, sapagkat ang bawat pagpapakawala ng tubig ay isang maingat na hakbang upang mailigtas ang mas maraming buhay.
Bawat milimetro ng patak ng ulan, bilis ng pagtaas ng ilog, at kinaroroonan ng mga mamamayan ay masusing sinusuri ng mga tagapamahala bago gumawa ng desisyon.
Inuugnay ng makabagong teknolohiya tulad ng rain sensors at water-level gauges, ang mga senyales ng kalikasan upang magbigay ng mahalagang oras para sa ligtas na paglikas.
Bagaman advanced ang ating mga kagamitan, bukas ang isip ng mga dalubhasa na mayroong matinding hangganan ang kakayahan ng anumang gawang-taong estraktura.
Hindi kayang iligtas ng pinakamatibay na dam ang isang komunidad kung patuloy na mababarahan ang mga daluyan, makakalbo ang mga kabundukan, at hindi magtutulungan ang sambayanan.
Nasa kamay pa rin natin ang tunay na lakas ng pagbangon sa pamamagitan ng tamang pagpaplano, pangangalaga sa kapaligiran, at sama-samang disiplina.
Sa huli, habang patuloy na nagbabago ang klima ng mundo, ang agham ang ating nag-iisang liwanag na nagbibigay-katiyakan upang hindi tayo tuluyang malunod sa dilim ng pangamba.
Sulat ni: Eunhice Icasiano
Layout ni: Raphael Maramba
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Ipil Street
Rodriguez
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when SJNHS - Ang Gatdula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.