News Flash PH

News Flash PH

Share

Official page of News Flash PH

10/08/2026

Isinailalim sa State of Calamity ang bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal dahil sa pinsala ng nararanasang sama ng panahon.

09/08/2026

WFH SA GOV'T OFFICES AT ALTERNATIVE LEARNING MODALITY SA MGA PAARALAN IPATUTUPAD SA NCR AT 15 LALAWIGAN

Iniutos ng Malakanyang ang pagpapatupad ng work from home sa mga tanggapan ng gobyerno at pag shift sa alternative learning modes sa mga paaralan bukas, August.

Sakop ng kautusan ang Metro Manila at ang sumusunod na mga lalawigan:

πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Rizal
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Occidental Mindoro
πŸ“ Benguet
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Oriental Mindoro
πŸ“ Bulacan

Ang mga ahensya ng gobyerno na ang tungkulin ay may kaugnayan sa pagkakaloob ng basic and health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay dapat magpatuloy ang operasyon.

09/08/2026

Nagsagawa ng rescue operation ang Mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police sa Barangay Rosario, Montalban Rizal.

Ito ay para mailikas ang mga binahang residente.

πŸŽ₯ Rodriguez Police

09/08/2026

OPERASYON NG BUTUAN AURPORT SUSPENDIDO DAHIL SA NAGKAPROBLEMANG EROPLANO

Suspendido muna ang operasyon ng Butuan Airport ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Sa abiso ng CAAP, isang eroplano kasi ang nagkaroon ng problema sa runway ng paliparan.

Dahil dito labingisang flights ang nakansela kabilang ang mga biyahe ng Cebu Pcific na pa-Manila, biyahe ng CebGo na patungong Cebu at biyahe ng PAL na patungong Manila at Cebu.

Ayon sa CAAP ang mga pasaherong naapektuhan ay maaaring makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking o refund ng ibinayad nila sa ticket.

09/08/2026

Isang delivery rider ang nasawi matapos mabagsakan ng puno at poste ng kuryente habang nakasilong ito sa lasagsagan ng malakas na pag-ulan sa Antipolo City.

Kita sa CCTV footage ang pagbagsak ng puno sa rider.

Paalala ng Antipolo City LGU maging alerto at mapagmatyag sa paligid, lalo na kapag malakas ang ulan at hangin.

Kung maaari, umiwas muna sa ilalim ng mga puno, poste, at iba pang istrukturang maaaring bumagsak.

πŸ“Ή ANTIPOLO LGU

09/08/2026

BIBLE VERSE MUNA BAGO MAGSINUNGALING

Tila may pinapatamaan si Senator Panfilo Lacson sa kaniyang post sa social media.

Ayon sa senador, ibang klaseng talento ang magsinungaling nang hindi man lang kumukurap.

Pero tanong niya, ano kaya ang tawag sa taong kayang simulan ang kasinungalingan gamit ang salita ng Diyos?

09/08/2026

RED WARNING SA METRO MANILA AT MGA KALAPIT NA LUGAR

Sa 8AM uodate mula sa PAGASA, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa maraming lugar dahil sa Habagat.

RED WARNING LEVEL:
- Metro Manila
- Zambales
- Bataan
- Bulacan
- Pampanga
- Tarlac (Bamban, Capas, Mayantoc, San Clemente, San Jose, Santa Ignacia, Camiling)
- Rizal (Antipolo, San Mateo, Rodriguez, Taytay, Cainta, Tanay, Teresa, Morong, Baras, Angono)
- Cavite (Carmona, Dasmarinas, Imus, Bacoor, Gen. Mariano Alvarez, Kawit, Noveleta, Cavite City, General Trias, Tanza, Rosario, Maragondon, Ternate, Naic, Trece Martires, Magallanes, General Emilio Aguinaldo)
- Laguna (San Pedro, Binan)
- Batangas (Nasugbu, Tuy, Lian, Calatagan, Balayan)
- Quezon (General Nakar)

ORANGE WARNING LEVEL
- Cavite (Alfonso, Amadeo, Indang, Mendez, Silang, Tagaytay)
- Batangas (Agoncillo, Alitagtag, Balete, Batangas City, Bauan, Calaca, Tanauan, Cuenca, Ibaan, Laurel, Lemery, Lipa, Lobo, Mabini, Malvar, Mataasnakahoy, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, San Luis, San Nicolas, San Pascual, Santa Teresita, Santo Tomas, Taal, Talisay, Taysan, Tingloy)
- Laguna (Alaminos, Bay, Cabuyao, Calauan, Calamba, Santa Rosa, Liliw, Los Banos, Luisiana, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Pagsanjan, Pila, Rizal, Santa Cruz, Victoria, Cavinti, Famy, Kalayaan, Lumban, Mabitac, Paete, Pakil, Pangil, Santa Maria, Siniloan, San Pablo)
- Rizal (Binangonan, Cardona, Jala-Jala, Pililla) - Tarlac (Concepcion, Anao, Tarlac City, Gerona, La Paz, Paniqui, Pura, Ramos, San Manuel, Victoria, Moncada)
- Quezon (Infanta, Real, Panukulan, Polillo, San Antonio, Tiaong, Candelaria, Dolores)
- Nueva Ecija (San Antonio, Gapan, San Leonardo, Jaen, Zaragoza, San Isidro, Cabiao, General Tinio, Penaranda)

YELLOW WARNING LEVEL
- Nueva Ecija (Aliaga, Bongabon, Cabanatuan, Carranglan, Cuyapo, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Guimba, Laur, Licab, Llanera, Lupao, Nampicuan, Palayan, Pantabangan, Quezon, Rizal, San Jose, Santa Rosa, Santo Domingo, Munoz, Talavera, Talugtug)
- Quezon (Sariaya, Tayabas, Lucban, Lucena, Mauban, Pagbilao, Sampaloc, Agdangan, Alabat, Atimonan, Buenavista, Burdeos, Calauag, Catanauan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Jomalig, Lopez, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Patnanungan, Perez, Pitogo, Plaridel, Quezon, San Andres, San Francisco, San Narciso, Tagkawayan, Unisan)

08/08/2026

10 pamilya na ang namamalagi sa covered court sa Brgy. Manggahan, Montalban , Rizal.

πŸ“· Brgy Manggahan / Facebook

08/08/2026

Nasa 1st alarm na ang antas ng tubig sa Marikina River. Inihanda na din ng LGU ang mga evacuation area sa lungsod.

08/08/2026

Umabot na sa critical level ang antas ng tubig sa La Mesa Dam dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan.

Pinag-iingat ang mga residente na naninirahan malapit sa Tullahan River.

πŸ“· BRGY. NORTH FAIRVIEW DRRMO

Want your business to be the top-listed Media Company in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Rodriguez
1860