Barangay Paco,San Rafael,Bulacan

Barangay Paco,San Rafael,Bulacan

Share

Government page

Photos from Barangay Paco,San Rafael,Bulacan's post 10/09/2026

Ang Sangguniang Barangay ng Paco, San Rafael, Bulacan, sa pangunguna ni Punong Barangay Danilo R. Canoza, ay taos-pusong nagpapasalamat kay Cong. Mark Cholo Violago sa pagkakaloob ng relief goods para sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng pagbaha.

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong malasakit, suporta at serbisyo para sa ating komunidad.

Maraming salamat po, Cong. Cholo Violago!

Photos from Barangay Paco,San Rafael,Bulacan's post 03/09/2026

Photos from Barangay Paco,San Rafael,Bulacan's post 03/09/2026

πŸŽ“πŸ‡΅πŸ‡­ BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG INITIATIVE
PRESIDENTIAL SCHOLAR PROGRAM

πŸ“š Tulong para sa Edukasyon, Pag-asa para sa Kinabukasan! πŸ’›

Masayang ipinababatid ng Barangay Paco, San Rafael, Bulacan na naipamahagi na ang β‚±20,000.00 Educational Assistance sa limang (5) kwalipikadong incoming 4th Year College students para sa School Year 2026–2027.

πŸ’° β‚±20,000 bawat iskolar Γ— 5 = β‚±100,000.00 kabuuang tulong

Ang programang ito ay bahagi ng Bawat Barangay Makikinabang Initiative – Presidential Scholar Program, na naglalayong magbigay ng suporta sa mga kabataang nagsusumikap na makatapos ng kolehiyo.

πŸ™ Maraming salamat sa Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon at sa ating mga kabataan.

Sa ating mga iskolar, gamitin ninyo ang tulong na ito bilang dagdag-lakas upang maabot ang inyong mga pangarap. Ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating barangay! πŸŽ“β€οΈ







πŸ‡΅πŸ‡­

Photos from Barangay Paco,San Rafael,Bulacan's post 13/08/2026

Maraming salamat po Mayor!

Ang Sangguniang Barangay ng Paco, sa pangunguna ng aming Punong Barangay Danilo R. Canoza, ay lubos na nagpapasalamat sa ating Punong Bayan, IGG Cipriano β€œGoto” Violago, Jr., sa agarang paghatid ng tulong at relief goods para sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng pagbaha.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang suporta sa Barangay Paco!

Photos from Barangay Paco,San Rafael,Bulacan's post 11/08/2026
Photos from Barangay Paco,San Rafael,Bulacan's post 11/08/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT PO, CONG. CHOLO VIOLAGO! πŸ™β€οΈ

Ang Sangguniang Barangay ng Paco, San Rafael, Bulacan, sa pangunguna ni Punong Barangay Danilo R. Canoza, ay taos-pusong nagpapasalamat kay Cong. Cholo Violago sa kanyang malasakit at agarang pagtulong sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng pagbaha.

Maraming salamat po sa inyong ipinagkaloob na relief goods para sa mga pamilyang nasalanta ng baha. Malaking tulong po ito sa ating mga kabarangay sa panahon ng pangangailangan.

Ang inyong malasakit at patuloy na suporta sa ating komunidad ay lubos naming pinahahalagahan.

Maraming-maraming salamat po, Cong. Cholo Violago! πŸ™β€οΈ

Photos from Barangay Paco,San Rafael,Bulacan's post 14/11/2025

PABATID SA PUBLIKO

Ipinaaalam po ng Pamahalaang Barangay ng Paco, San Rafael, Bulacan na ang mga sumusunod na kalsada ay pansamantalang isasara dahil sa isinasagawang pagsesemento ng kalsada (road concreting):

πŸ“ Paco going to Ulingao
πŸ“ Paco going to Pinac-Pinacan Road

πŸ—“ Simula 14 Nobyembre, 2025
⏰ 8:00 AM hanggang 5:00 PM

Paalala:
Hinihiling po namin na gumamit ng alternatibong ruta sa nasabing daan upang maiwasan ang abala at masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.

Want your organization to be the top-listed Government Service in San Rafael?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Paco, Bulacan
San Rafael
3008

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm