Paseo HOA Admin

Paseo HOA Admin

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Paseo HOA Admin, Management Service, Paseo de San Roque Village Ph 2 Clubhouse, San Rafael.

04/10/2026

Magandang araw po sa ating mga taga-Paseo!

Simula po ngayon, bubuksan na natin ang ating isang gate at magkakaroon ng exclusive lane para sa mga residenteng may valid sticker. Ang kabilang lane naman po ay para sa ating mga bisita at mga residente na wala pang sticker.

Para po sa ating defaulting members, kayo na po ang mag-aangat ng boom gate tuwing papasok. Ang ating mga guwardya po ay hindi na maaaring mag-assist sa pag-angat nito, bilang pagsunod sa bagong protocol.

Hinihiling po namin na huwag nating personalin ang ating mga guwardya o sinumang nagpapatupad ng regulations. Sinusunod lamang po nila ang mga panuntunang ipinapatupad para sa ating subdivision.

Para naman po sa mga residenteng nakikiisa at patuloy na tumutupad sa kanilang buwanang obligations, humihingi po kami ng kaunting pasensya sa anumang abala na maaaring maidulot ng bagong gate protocol. Kailangan po natin itong gawin para sa safety, security, at patas na pagpapatupad ng rules sa lahat ng residente.

Mabigat po ang magiging gampanin ng ating security guards sa mga susunod na araw. Bigyan po natin sila ng kaunting pasensya at pang-unawa. Huwag po nating personalin ang mga paalala o pagpapatupad nila ng protocol.

Respetuhin po natin ang bagong sistema dahil ginagawa po natin ito para sa kaligtasan at kaayusan ng ating buong Paseo community. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

21/09/2026

Magandang Gabi po. Pasensya na po sa biglaang pagbabago ng schedule. Para po bukas lamang, imbes na 8:00 AM–12:00 NN, magbubukas po ang HOA Office ng 2:00 PM–6:00 PM.

Humihingi po kami ng paumanhin sa mga maaapektuhan ng pagbabago ng schedule at maraming salamat po sa inyong pang-unawa. πŸ™

Photos from Paseo HOA Admin's post 21/09/2026

MAGANDANG ARAW PO SA ATING MGA TAGA-PASEO!

NOTICE LANG PO: Unti-unti na po nating ipatutupad ang paghihigpit sa pagpasok ng mga sasakyang walang valid Paseo sticker.

Bubuksan na rin po natin ang isa nating boom gate upang magkaroon ng hiwalay na daanan:

πŸ”Ή Isang boom gate ay mananatiling nakaangat para sa mga sasakyang may valid sticker.
πŸ”Ή Ang kabilang boom gate naman ay mananatiling nakababa para sa mga bisita at defaulting members.

Ang pagpapatupad po ng policy na ito ay gagawin unti-unti upang mabigyan ng panahon ang ating mga residente na makapag-comply. Pagsapit ng October 5, 2026, magiging ganap na ang pagpapatupad ng policy na ito.

Para po sa ating mga defaulting members na hindi nakagaganap sa kanilang obligasyon sa HOA, hindi po maaaring iangat ng ating mga guards ang boom gate para sa inyo.

Masyado na pong mataas ang ating mga gastusin, kaya kailangan po nating magtulungan bilang isang community upang mapanatili at maipagpatuloy ang ating mga basic services.

REQUIREMENTS PARA SA PASEO VEHICLE STICKER

βœ… Residente ng Paseo De San Roque – Phase 1 or Phase 2
βœ… O.R./C.R. ng motor vehicle
βœ… Valid ID ng driver
βœ… Updated monthly dues

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. πŸ™

Paseo HOA Admin

04/09/2026

Magandang araw po sa ating mga taga-Paseo! 😊

Eto po ang Office Schedule natin para sa buong buwan ng September 2026.

04/09/2026

Good PM po sa mga taga-Phase 2. 😊

Paki-labas na po ang inyong hindi nabubulok na basura dahil mangongolekta po ang truck natin ngayon.

Pasensya na po sa late notice. Tinatantya po kasi natin kung makakauwi pa ngayong araw ang truck dahil sa dami ng mga truck na nakapila sa MRF ng San Rafael.

Pagbalik po ng truck, sa Block 14 po sila magsisimula. Kung hindi po matapos ang buong Phase 2 ngayon, itutuloy na lang po sa susunod na collection schedule.

Maraming salamat po sa pang-unawa at cooperation! πŸ™

01/09/2026

Good morning po sa ating mga taga-Paseo.
Ipinagpapaumanhin po namin na wala raw pong dumating na container sa San Rafael MRF ngayong araw. Dahil po dito, hindi po muna makakapag-collect ng hindi nabubulok na basura sa Phase 2 at nabubulok na basura sa Phase 1 at Phase 2.

Sa kasalukuyan po, ang laman ng ating dump truck ay ang mga basurang hinakot pa noong Friday sa Phase 1.

Humihingi po kami ng pang-unawa at pasensya sa abalang dulot nito. Magbibigay po kami ng update kapag maaari na pong ipagpatuloy ang collection. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

03/08/2026

Good day, everyone!

Here's our HOA office schedule for the month of August 2026. 😊

30/07/2026

Magandang araw po sa ating mga taga-Paseo.

Nagtungo po tayo sa opisina ng PrimeWater upang iparating ang ating sentimyento at mga hinaing tungkol sa madalas na pagkawala ng suplay ng tubig sa ating subdivision.

Maayos naman po nilang tinanggap ang ating reklamo. Ayon sa kanilang paliwanag, ang pangunahing dahilan ng problema ay ang paulit-ulit na pagkasira o pagkamatay ng motor ng kanilang water pump na nagsusuplay ng tubig sa buong Paseo.

Tinanong din po natin kung ano ang kanilang plano upang tuluyan nang masolusyunan ang problemang ito. Ayon sa kanila, kasalukuyan pa rin daw nila itong mino-monitor upang matukoy ang ugat ng paulit-ulit na pagkasira ng motor. Sa ngayon, magpapadala na lamang daw sila agad ng kanilang technical team upang magsagawa ng pagkukumpuni sa tuwing muling magkakaroon ng aberya.

Maraming salamat po.

27/07/2026

Magandang araw po sa ating mga taga-Paseo!

Ipinaaalam po namin sa lahat na, sa pakikipagtulungan ng ating Barangay, kasama na po ang ating subdivision sa regular nilang pag-iikot para ipatupad ang mga Kautusang Bayan.

Pinapayuhan po ang lahat na makiisa at sumunod sa mga ordinansa at alituntunin. Ginagawa po ito para mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng ating buong komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at cooperation!

– Paseo HOA Management

01/07/2026

Good morning po. Here’s our office schedule for the month of July 2026. Thank you po.

Want your business to be the top-listed Business in San Rafael?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Paseo De San Roque Village Ph 2 Clubhouse
San Rafael
3008

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm
Saturday 2pm - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paseo HOA Admin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in San Rafael.