San Isidro Labrador Chapel
Official page of the Roman Catholic Chapel of San Isidro Labrador, located at Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna. Under Chair of St. Peter Parish
24/09/2026
βπ£ππππ§ππβ
(Setyembre 25, 2026)
Bilang pagsasaalang-alang sa masamang panahon tuwing hapon at sa kaligtasan ng lahat, ipinababatid po namin na ipagpapaliban muna bukas ang Banal na Oras (Holy Hour) at paglulukob ng kapa ni San Pedro.
Samantala, ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at nobena sa karangalan ni San Lorenzo Ruiz ay gaganapin sa ganap na ika-4 ng hapon.Ang Banal na Misa po ay gaganapin sa ika-5 ng hapon na agad namang susundan ng Parish Quarterly Recollection.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Nawa'y manatili po tayong ligtas at mag-ingat sa lahat ng oras.
20/09/2026
Bago natin salubungin ang buwan ng Oktubre, na inilaan bilang Buwan ng Santo Rosaryo, isasagawa ng ating parokya ang Ikatlong Parish Quarterly Recollection, na pangungunahan ni Bro. Michael P. Delos Reyes.
ππππΌ: Ang Rosaryong Hawak mo
π° Pagkatapos ng ika-6 ng gabi na Banal na Misa
π Setyembre 25, 2026
πChair of St. Peter Parish
Inaanyayahan ang lahat ng ating mga lingkod, ministry members, at mga mananampalataya na makiisa sa makabuluhang pagtitipon na ito para sa pananalangin, pagninilay, at pagpapanibago ng ating pananampalataya at paglilingkod sa Panginoon.
28/06/2026
Hunyo 28 | Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo
O mga dakilang apostol, San Pedro at San Pablo, kami'y nananawagan sa inyo na mamagitan para sa amin sa harap ng trono ng Diyos. Ikaw, San Pedro, ay pinili bilang batong pinagpatungan ng Simbahan, at ikaw, San Pablo, ay tinawag upang maging apostol sa mga Hentil. Hinihiling namin ang inyong makapangyarihang mga panalangin upang matulungan kaming palalimin ang aming pananampalataya, palakasin ang aming pagkakaisa, at buong tapang na ipahayag ang Ebanghelyo. Amen.
San Isidro Labrador - Dita BPC
Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna
24/06/2026
Hunyo 24 | Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista
Mahal na San Juan Bautista, tinawag ka na ng Diyos sa sinapupunan pa ng iyong ina, at doon pa lamang ay binigkas na niya ang iyong pangalan. Pinagpala ng Panginoon ang kanyang bayan nang isugo ka niya upang ihanda ang daan para sa pagdating ng Mesiyas.
Bunga ng aking tinanggap na binyag, may tungkulin din akong ipahayag ang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan. Sa pamamagitan mo, pagpalain nawa ako ng Diyos upang matularan kita sa katapatan sa tungkulin at kababaang-loob sa pagpapalaganap ng katarungan, at pagtitiwala sa kanyang habag.
Tulungan mo akong akayin ang aking kapwa lalo na ang mga naliligaw ng landas na makita ng liwanag magsisi sa kanilang kasalanan at talikuran ang lahat ng hindi kalugud-lugod sa Panginoon. Maunawaan nawa ng lahat ng tao na bukod sa kalinisan ng katawan, mahalaga ang kadalisayan ng puso upang maging karapat-dapat sa harap ng Diyos. Amen.
San Isidro Labrador - Dita BPC
Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna
21/06/2026
TINGNAN || Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Araw ng mga Ama
San Isidro Labrador - Dita BPC
Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna
20/06/2026
MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA
Aming pagbati sa lahat ng mga ama na nagsisilbing haligi ng tahanan at huwaran ng pagmamahal, sakripisyo, at pananampalataya. Nawaβy pagpalain kayo ng Panginoon at patuloy na gabayan sa inyong mahalagang tungkulin sa pamilya.
Panginoong Diyos, sa araw pong ito ay aming itinataas sa iyo ang lahat ng mga Ama, ang mga haligi ng bawat tahanan. Gabayan po Ninyo sila upang matularan nila si San Jose bilang modelo. Ingatan po Ninyo sila sa kanilang paghahanap-buhay at ilayo po Ninyo sila lahat ng uri ng tukso. Sa Ngalan ni Hesus, Amen.
San Isidro Labrador - Dita BPC
Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna
13/06/2026
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Hunyo 14, 2026
8:00 N.U. Banal na Misa
San Isidro Labrador - Dita BPC
Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna
12/06/2026
Hunyo 13 | Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
O Kalinis-linisang Puso ni Maria, mapagmahal na Ina at aming kanlungan, sa pagtatapos ng araw na ito ay buong kababaang-loob kaming lumalapit sa iyo. Salamat sa iyong paggabay, pagkalinga, at mga biyayang aming tinanggap sa buong maghapon.
Ina ng awa, ialay namin sa iyo ang aming mga tagumpay at pagkukulang. Hiling namin ang iyong panalangin upang kami ay mapatawad sa aming mga kasalanan at manatiling tapat sa iyong Anak na si Hesus.
Sa iyong Kalinis-linisang Puso, ilagak mo ang aming mga pamilya, mga mahal sa buhay, ang mga may sakit, mga nagdurusa, at ang mga nangangailangan ng pag-asa. Ingatan mo kami sa buong magdamag laban sa lahat ng panganib sa katawan at kaluluwa.
O Maria, aming Ina, turuan mo kaming magmahal nang tapat, maglingkod nang bukal sa puso, at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Nawa'y sa aming paggising bukas ay muli naming mapuri at maparangalan ang Panginoon. Amen.
San Isidro Labrador - Dita BPC
Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna
11/06/2026
Hunyo 12 | Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus
Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, pagpalain Mo ang lahat ng naglilingkod sa Iyong Sambayanan. Bigyan Mo sila ng lakas sa gitna ng pagod, kapayapaan sa gitna ng gawain, at kagalakan sa bawat munting paglilingkod na iniaalay nila para sa Iyong kaluwalhatian.
Diyos na totoo at tao namang totoo, Panginoon naming Hesukristo, ang Huling Hapunan ay inilagak Mo para kami'y magkasalu-salo sa ala-ala ng Iyong pagpapakasakit ukol sa mga tao. lpagkaloob Mo ang aming kahilingang ang Iyong Katawan at Dugo ay aming idangal sa pagdiriwang upang ang dulot Mong kaligtasan ay lubos naming mapakinabangan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, ako'y nananalig sa Iyo. Pag-alabin Mo ang aking puso ng Iyong banal na pag-ibig. Amen.
San Isidro Labrador - Dita BPC
Dita Rotonda, City of Santa Rosa, Laguna
08/06/2026
Maligayang Kaarawan Sis. Rebecca! ππ
Nawaβy ipagkaloob ng Diyos ang masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na patnubay sa bawat araw ng iyong buhay. Dalangin namin ang kagalakan at kapayapaang hatid ng Kanyang pag-ibig ngayon at sa mga darating pang taon.
Pagbati mula sa San Isidro Labrador Chapel
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Dita Rotonda
Santa Rosa
4026
Opening Hours
| 8am - 9am |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Labrador Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.