DepEd-Eusebio G. Asuncion Integrated School
School ID: 501824
24/09/2026
๐ฃ๐ธ๐ฐ๐ฎ๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐ป, ๐ฆ๐ฎ ๐๐ฎ๐ฎ๐น ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฎ๐ช๐ป๐ท๐ฎ๐ป ๐ข๐ช๐ฏ๐ฎ!
At Eusebio G. Asuncion Integrated School, we are committed to providing a school environment where every learner feels safe, supported, and respected. With the active cooperation of the school, families, community, and stakeholders, we strengthen our efforts to promote a safe, inclusive, and child-friendly school.
We continue to uphold child protection, bullying prevention, mental health and well-being, disaster preparedness, inclusive education, and overall school safety.
Through unity and shared responsibility, we work together to protect every child and create a learning environment where everyone can learn, grow, and thrive.
Together, we can make EGAIS a safer and better place for every learner! ๐
10/09/2026
Boy Scout at Girl Scout ng EGAIS
Laging handa!
Setyempre 9, 2026 ginanap ang School Backyard Camping sa Eusebio G. Asuncion Integrated School na dinaluhan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya, maraming aktibidad at palaro na nagpasaya sa mga mag-aaral.
Higit pa sa simpleng camping, ang araw na ito ay naging paalala kung gaano kahalaga ang pagtutulungan, disiplina at tunay na pakikipagkapwa.
Natuto ang mga mag-aaral na maging mas independent, magtulungan at mas kilalanin ang isaโt isa sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan.
โMaraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na School Backyard Camping na ito. Hanggang sa susunod na adventure EGAISians!
โบ๏ธ๐
09/09/2026
HUSAY SA PANULAT, KARANGALAN SA EGAIS! โจ
Isang pagbati sa ating mga batang manunulat na buong tapang, husay, at dedikasyon na lumahok sa CD III Schools Press Conference! ๐โค๏ธ
Ipinagmamalaki natin ang ating mag-aaral na nag-uwi ng karangalan:
๐
SHERYL P. APOLINAR
9th Place โ Editorial Writing (English)
Coach: Genalyn A. Gaba
Sa lahat ng lumahok mula elementarya at sekondarya,
Hindi man lahat ay nakapag-uwi ng parangal, ang inyong paglahok, pagsisikap, at pagbibigay ng inyong makakaya ay isa nang tagumpay na dapat ipagmalaki. โจ๐
Taos-pusong pasasalamat din sa ating Ulong G**o at sa lahat ng coaches sa kanilang paggabay, suporta, at walang sawang pagtuturo sa ating mga batang manunulat.
! ๐
04/09/2026
DISTRICT PRESSCON 2026!
SIX CATEGORIES. SIX VICTORIES. ONE PROUD EGAIS!
Incredible achievement for EGAIS! From English to Filipino, our campus journalists once again proved that talent, dedication, courage, and hard work can truly bring home the victory.
Congratulations to our amazing learners, coaches, and the whole EGAIS family!
โจ OUR WINNING CAMPUS JOURNALISTS โจ
Column Writing
English - Adrian P. Herrera 2nd place
Coach: Glaiza G. Garcia
Copy Reading and Headline Writing
Filipino - Monica F. Manalastas - 2nd Place
English - Ronnie H. Abraham - 5th Place
Coach: Mary Ann D. Esguerra
News Writing
Filipino - Geneva P. San Jose - 2nd Place
English - James M. Cauzon - 4th Place
Coach: Jane G. Rivera
Feature Writing
English - Maria Janella B. Rivera - 3rd place
Filipino - Julia F. Sangabol - 3rd place
Coach: Rizaliza D. Perez
Editorial Cartooning
Filipino - Clouei Jhane J. Omandam - 4th Place
Coach: Romelle T. De Leon
Science Writing
Filipino - Kristine J. Jane - 5th Place
Coach: Glaiza G. Garcia
From the District Press Conference to the next big stageโฆ
See you at CDIII PressCon
the BEST!!!
25/08/2026
Taos-puso kaming bumabati kay Maโam Mary Ann DG. Esguerra sa kanyang natatanging tagumpay at pagkamit ng ika-4 na puwesto sa Collaborative and Desktop Publishing sa ginanap na Division Online Training of School Paper Advisers and Coaches noong Agosto 21, 2026.
Ang iyong husay, dedikasyon, tiyaga, at pagmamahal sa pamamahayag ay tunay na kahanga-hanga. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang personal na karangalan kundi isang malaking karangalan para sa ating buong paaralan.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na mahubog at magabayan ang ating mga kabataang mamamahayag tungo sa higit pang tagumpay. Tunay na ipinagmamalaki namin ang iyong tagumpay!
Muli, CONGRATULATIONS, MA'AM MARY ANN! ๐๐
School Head: Maโam Digna Relucioโค๏ธ
14/08/2026
๐ธ LOOK: Matagumpay na naisagawa kahapon, Agosto 13, ang ating School-Based Deworming Activity!
Isang malaking pasasalamat kay Nurse Riza C Ayroso, mga g**o, at higit sa lahat, sa mga magulang na nagbigay ng kanilang pahintulot para sa kalusugan ng ating mga mag-aaral.
๐ฉบ๐Sa tulong ng libre at ligtas na gamot na ito, masigla at handa na muli ang ating mga bida sa pag-aaral nang walang iniisip na sakit ng tiyan!
โจ
12/08/2026
โA true leader does not only know how to lead; a true leader also knows how to care. For leadership with compassion is not measured by position, but by the hearts they inspire, strengthen, and the lives they make better.โ โค๏ธ
Isang taos-puso at buong pagpapahalaga ang aming inihahatid sa aming iginagalang na Public Schools District Supervisor Dr. Arnold M. Galvez sa pagbibigay ng mahalagang oras, kaalaman, gabay, at teknikal na suporta para sa aming mga mag-aaral.
Ang inyong presensya ay higit pa sa isang simpleng pagbisita. Ito ay isang makabuluhang pagpapakita ng tunay na pamumunoโpamumunong may puso, malasakit, at pagkalinga. Ang inyong pakikibahagi sa aming mga mag-aaral, pagbibigay ng payo, at personal na paggabay ay nagbigay sa kanila ng dagdag na inspirasyon at kumpiyansa na patuloy na matuto at magsikap.
Ang inyong suporta ay isang biyayang aming lubos na pinahahalagahan at isang alaala na mananatili sa puso ng aming buong paaralan.
Maraming salamat po sa pamumunong may puso, paggabay na may karunungan, at pagkalingang tunay na nadarama. ๐โค๏ธ
01/08/2026
๐ฟ๐ฅ NUTRITION MONTH 2026 CELEBRATION ๐ฅ๐ฟ
โSa PPAN: Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahatโ
๐ฑ โNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!โ ๐ฑ
Buong pagmamalaking nakikiisa ang Eusebio G. Asuncion Integrated School sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026 sa pamamagitan ng mga makabuluhan, masaya, at pang-edukasyong gawain na nagtataguyod ng wastong pagkain, pangangalaga sa kalikasan, pagkamalikhain, at pakikilahok ng buong komunidad. ๐
Narito ang ilan sa mga isinagawang gawain sa bawat baitang:
๐ง๐ง KINDER โ Healthy Baon Challenge
Ipinakita ng ating mga batang mag-aaral ang kanilang masustansiya at malikhaing baon. Natutuhan nila na ang masustansiyang pagkain ay maaaring maging masarap, makulay, at masaya! ๐๐ฅฆ๐
๐จ BAITANG 1โ3 โ Paligsahan sa Pagkukulay
Naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain habang natututuhan ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain sa pamamagitan ng makukulay na likhang-sining. ๐๏ธ๐ฝ๐ฅ
๐ผ๏ธโ๏ธ BAITANG 4โ6 โ Paggawa ng Slogan at Poster
Ibinahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga mensahe tungkol sa wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng makabuluhang slogan at malikhaing poster.
๐ฝ๏ธ๐ฟ BAITANG 4โ6 โ Boodle Fight at Pagtatanim
Sa masayang boodle fight, naranasan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabahaginan, pagkakaisa, at samahan. Samantala, sa pamamagitan ng pagtatanim, natutuhan nilang pangalagaan ang kalikasan at pahalagahan ang pinagmumulan ng ating masustansiyang pagkain. ๐ฑ
๐ณ BAITANG 7โ9 โ Landscaping at Paghahanda ng Lupa
Aktibong nakilahok ang ating mga mag-aaral sa pag-aayos ng kapaligiran at paghahanda ng lupa para sa pagtatanimโisang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas luntian, malinis, at malusog na paaralan. ๐ฑ๐พ
๐ฝ๏ธโ๏ธ BAITANG 10 โ Boodle Fight at Paggawa ng Slogan
Ipinamalas ng mga mag-aaral sa Baitang 10 ang kanilang pagkakaisa at pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng boodle fight, habang ipinahayag naman nila ang kanilang adbokasiya para sa wastong nutrisyon sa pamamagitan ng mga makabuluhang slogan. ๐
Mula sa pagpili ng masustansiyang pagkain at malikhaing pagpapahayag hanggang sa pagtatanim at pangangalaga sa kalikasan, ipinapaalala sa atin ng bawat gawain na ang nutrisyon ay hindi lamang tungkol sa ating kinakainโito rin ay tungkol sa kung paano natin pinangangalagaan ang ating sarili, ang ating komunidad, at ang ating kalikasan. ๐๐
๐ Mabuhay at maraming salamat sa lahat ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay at makabuluhang pagdiriwang na ito!
Sama-sama nating ipagpatuloy ang wastong pagkain, aktibong pamumuhay, responsableng pagtatanim, at pangangalaga sa ating kalikasan. ๐ฑ๐ฅ๐ช
Eusebio G. Asuncion Integrated School
๐ Sama-sama para sa malusog na paaralan at mas malusog na kinabukasan! ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Riverside, Soledad, Nueva Ecija
Santa Rosa
3101
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when DepEd-Eusebio G. Asuncion Integrated School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.