Poon Owner's Association
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Poon Owner's Association, Nonprofit Organization, City of Santa Rosa, Laguna, Santa Rosa.
P**n Owners' Association | Santa Rosa de Lima Parish is an organization of camareros and camareras dedicated to the care and stewardship of the parish's sacred devotional images, preserving Catholic traditions, fostering unity, and serving the Church
26/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Matapos ang isang buwan ng pagdiriwang, panalangin, at mga gawain para sa kapistahan ni Santa Rosa de Lima, tayo ay muling magsasama-sama para sa Pistang Lupi sa Agosto 30, 2026.
Bilang pagtatapos ng ika-234 na taong pagdiriwang ng Kapistahan ni Santa Rosa de Lima, inaanyayahan ang lahat ng parokyano at deboto na makiisa sa mga gawain sa araw na ito. Tampok dito ang Grand Replica & Friends of St. Rose of Lima Procession, bilang sama-samang pagpapakita ng ating debosyon at pasasalamat sa ating Rosang Pintakasi.
๐ฉ๐ถ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐๐ถ๐บ๐ฎ! ๐ฉ๐ถ๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ!
**nOwnersAssociation
25/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง, ๐๐ข๐ฆ๐๐ฅ๐, ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐จ๐ญ๐จ ๐ง๐ข ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐ข๐ฆ๐
Ang โTinig ng Debosyonโ ay hindi lamang isang kalipunan ng mga panalangin at patotoo. Ito ay bahagi ng ating paghahanda at dokumentasyon para sa hangaring maiangat ang ating Parokya bilang isang Diocesan Shrine na nakatalaga sa ating minamahal na patrona, Santa Rosa de Lima.
Sa pamamagitan ng mga salaysay ng ating mga debotoโmga panalanging ipinagkatiwala, biyayang natanggap, mga himalang nasaksihan, at mga karanasang nagpatibay sa pananampalatayaโnais nating maipakita ang malalim, buhay, at patuloy na lumalawak na debosyon ng mga mananampalataya kay Santa Rosa de Lima.
Inaanyayahan namin ang lahat ng deboto na magbahagi ng kanilang sariling patotoo. Kumuha ng papel mula sa nakalaang kahon, isulat ang inyong kuwento, at ihulog ito sa โTinig ng Debosyonโ box.
Hinihiling din na ilagay ang buong pangalan, tirahan, at contact number upang magkaroon ng wastong dokumentasyon at, kung kinakailangan, ay makapagbigay ng karagdagang impormasyon para sa mga layunin ng Parokya.
Santa Rosa de Lima, aming Rosang Pintakasi, ipanalangin mo kami!
*Matatagpuan ito sa paanan ng Imahen ni Santa Rosa de Lima (Peru) sa gilid ng simbahan.
24/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ฐ
Si San Bartolome, ayon sa sinaunang tradisyon, siya ay naging martir sa pamamagitan ng pagbabalat sa kanyang katawan nang buhay at pagkatapos ay pagpugot sa kanya, dahil sa kanyang pagtangging talikuran ang pananampalataya kay Kristo.
Ang kanyang pagkamartir ay nagpapaalala sa atin na ang pananampalataya ay hindi lamang ipinahahayag sa salita, kundi higit na pinatutunayan sa katapatan at sakripisyo. Sa kanyang pamamagitan, hilingin natin ang biyayang magkaroon ng pusong hindi sumusuko at pananampalatayang handang maglingkod hanggang sa wakas.
**nOwnersAssociation
23/08/2026
Kahit man patapos na ang araw ng ating kapistahan, kasabay ng pagtahimik ng mga kampana ng simbahan, unti-unting nawawala sa hangin ang masasayang tugtugin ng mga mosiko, humuhupa ang ingay ng mga paputok, at dahan-dahang nauubos ang sindi ng mga kandilang ating inialay.
Ngunit sa kabila ng pagtatapos ng mga pagdiriwang, nanatili ang tinig ng panalangin at ang maningas na debosyon ng mga deboto ng ating mahal na Patron, Santa Rosa de Lima. Ang apoy ng pananampalataya ay patuloy na nag-aalab sa puso ng bawat deboto, sapagkat ang pag-ibig at pagtitiwala sa ating Rosang Pintakasi ay hindi nagtatapos kasabay ng kapistahan
Sapagkat ang pagtatapos ng kapistahan ay hindi kailanman katapusan, kundi isang panibagong simulaโisang bagong taon ng patuloy na paggabay, pag-iingat, at paglingap sa atin ng ating mahal na Patron at Rosang Pintakasi, Santa Rosa de Lima.
๐-๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ ๐ข-๐ฌ๐ก๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ข ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐ข๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ.
๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐ข๐ฆ๐, ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ค๐๐ฌ๐ข, ๐ข๐ฉ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐๐ฆ๐ข! ๐น๐น๐น
22/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ - ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
Sa araw na ito, buong saya at pananampalataya nating ipinagdiriwang ang kapistahan ni Santa Rosa de Lima, ang ating Rosang Pintakasi at patrona ng ating pamayanan.
Sa loob ng 234 na taon, patuloy na naging bahagi ng buhay ng ating mga ninuno at ng mga susunod na salinlahi ang debosyon kay Santa Rosa de Lima. Sa paglipas ng mga taon, nanatili ang ating pananalig at paggalang sa kanya bilang huwaran ng kababaang-loob, panalangin, paglilingkod, at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.
Sa bawat panalangin, Misa, prusisyon, at gawaing nakalaan para sa kapistahan, nawaโy lalo nating mapalalim ang ating pagkakaisa bilang isang pamayanan.
Sa patuloy na paglalakbay ng ating parokya, nawaโy manatiling buhay ang debosyon kay Santa Rosa de Lima at maipasa ito sa mga susunod pang salinlahi.
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐จ๐ฉ๐๐๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ค๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐ข๐!
๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ค๐จ๐! ๐๐๐ซ๐ ๐๐ค๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ ๐๐จ๐!
**nOwnersAssociation
21/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐๐๐
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
O mapalad na Santa Rosa, sa pagdamay mo sa malaking hirap na tiniis ng iyong sinisintang Esposo sa pagkamatay niya sa krus, ninais mo at natupad ang iyong nasa, na sa oras ng iyong kamatayan ay mapuno ang buo mong katawan nang di masabing sakit, hanggang sa nawika mo na hindi mo inaakala na ang katawan ng tao ay magkakasiyang pagpisanan ng gayong kahirapan na dumating sa iyo. Ipanalangin mo ako, mahal na pintakasi, sa Esposo mong napako sa krus, na sa oras ng aking paghihirap at paghihingalo ay matiis ko rin nang taimtim at magaan sa loob ang tanang sakit na darating sa aking katawan upang ang kaluluwa ko ay palaring magkamit ng maluwalhating kapayapaan na nalalaan sa mga anak ng Diyos. Sa pamamagitan mo ay aking makamtan nawa ang tanging biyaya na hinihiling ko sa pagsisiyam na ito, kung sakaling kalooban ng Diyos, at ikagagaling ng aking kaluluwa. Amen
๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ค๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐ข๐, ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ ๐๐จ๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐!
**nOwnersAssociation
21/08/2026
๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด! ๐ฃ๐ถ๐๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ!
Bukas na ang pinakahihintay na pagdiriwang ng 234th Fiesta Solemne bilang parangal sa ating minamahal na patrona, Santa Rosa de Lima, ang Rosang Pintakasi! Halinaโt sama-sama nating ipagdiwang ang matibay na pananampalataya at debosyong patuloy na nagbubuklod sa ating sambayanan.
๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ค๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐ข๐, ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ ๐๐จ๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐!
**nOwnersAssociation
20/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐๐๐
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก
O mapalad na Santa Rosa, upang hindi mo makalimutan ang sinisinta mong Esposo, isinabit mo sa isang mataas na pako ang munting buhok na natira sa iyong ulo at pinabayaan mong mabitin ang kaawa-awa mong katawan. O marangal na Santa, ako ay naglilo sa aking masintahing Ama, kaya ako ang siyang dapat mabiting kapares mo. Ako nga ang sukat magparusang sadya sa aking katawang makasalanan. Datapuwaโt ang kabigatan ng loob ko sa gawang magaling ang siyang nangyayari, at tila hindi ako makakakuhang halimbawa sa iyong labis na pagpapakasakit. Kaya nga, ipanalangin mo sa Diyos, mahal na pintakasi, na ang aking panimdim ay huwag mahiwalay sa oras ng kamatayan at ang aking puso ay paglagusan nitong tatlong sibat โ masakit na pagsisisi sa aking mga kasalanan, isang malaking pagkatakot sa Diyos, at maningas na pag-ibig sa kapwa tao. Sa pamamagitan mo ay aking makamtan nawa ang tanging biyaya na hinihiling ko sa pagsisiyam na ito, kung sakaling kalooban ng Diyos, at ikagagaling ng aking kaluluwa. Amen
๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ค๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐ข๐, ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ ๐๐จ๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐!
**nOwnersAssociation
20/08/2026
๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด! ๐ฃ๐ถ๐๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐! ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ค๐๐ฌ๐ข
๐๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฎ๐ฐ ๐ฃ๐ข?!?
Sa loob ng seryeng โTrivia ni Rosa!โ, muli nating nakilala ang buhay, pananampalataya, sakripisyo, at paglilingkod ni Santa Rosa de Lima. Nawaโy ang kanyang halimbawa ay magsilbing inspirasyon sa atin na mamuhay mang may pananampalataya,kababang-loob, pagmamahal sa Diyos, at malasakit sa kapwa.
๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ค๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐ข๐, ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ ๐๐จ๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐!
**nOwnersAssociation
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
City Of Santa Rosa, Laguna
Santa Rosa
4026