Barangay Mabini
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Mabini, Government Organization, Rizal Street, Santa Rosa.
βThis official page of the Barangay Mabini, Santa Rosa, Nueva Ecija Local Government Unit is designated exclusively for the posting of official activities and announcements.β
π OPISYAL NA PAGLILINAW AT PABATID
Sa mga kumakalat na katanungan at pahayag hinggil sa naging pagkaantala ng mga dokumento, voucher, kagamitan, at pondo, nais po ng Barangay Mabini na magbigay ng malinaw at diretsahang paglilinaw upang maiwasan ang maling impormasyon.
Una, HINDI PO BARANGAY MABINI ANG NAKAWALA NG MGA DOKUMENTO.
Ang Barangay Mabini ay nakapagpasa ng kinakailangang dokumento sa tamang proseso. Ang naging problema ay ang pagkawala ng dokumento sa pinagpasahan nito sa Kapitolyo, at hindi sa panig ng Barangay Mabini.
Kaya hindi po tama na ibinibintang sa Barangay Mabini ang pagkaantala na para bang hindi nakapagpasa ang Barangay. May dokumentadong proseso at may pinagpasahan ang mga naturang papeles.
Pangalawa, HINDI LAMANG BARANGAY MABINI ANG NAKARANAS NG GANITONG PROBLEMA.
Maging ang Barangay Lourdes ay nakaranas din ng pagkawala ng kanilang mga dokumento. Dahil dito, dalawang Barangay ang naging late sa pagkakuha ng kanilang voucher.
Pangatlo, tungkol naman po sa mga TENTS AT UPUAN.
Kung may nagtatanong kung bakit mayroon nang tents at upuan gayong wala pa namang nailalabas na bayad o tseke, malinaw po ang sagot:
Ibinigay na po ang mga ito bilang pakunswelo at konsiderasyon sa Barangay dahil sa naging abala at problemang dulot ng pagkawala ng dokumentong naipasa naman po ng Barangay.
Ibig sabihin, nauna nang ipinagkaloob ang mga kagamitan kahit wala pang nailalabas na bayad o tseke. Hindi po ito nangangahulugan na may inilabas nang pondo nang walang proseso.
Pang-apat, tungkol sa VOUCHER AT PAGLALABAS NG PONDO.
Naibigay na po ang voucher para sa Barangay Mabini. Subalit, alam naman po ng lahat na tayo ay kasalukuyang nasa ELECTION BAN. Dahil dito, may mga umiiral na batas, panuntunan, at proseso na kailangang sundin bago maaaring maglabas ng pondo.
Hindi po maaaring basta-basta maglabas ng pera dahil lamang sa kagustuhang mapabilis ang proseso. May proseso pong kailangang sundin, at ang Barangay ay hindi maaaring lumabag dito.
TUNGKOL SA DILG
Ang lahat ng naging problema at pangyayaring ito ay alam ng DILG. Patuloy po silang nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa Barangay Mabini upang maresolba ang mga naging aberya at upang maisagawa ang mga kinakailangang hakbang.
Pati po ang paglalabas ng pondo para sa ating mga iskolar ay patuloy na ginagawan ng paraan ng DILG, alinsunod sa mga kinakailangang proseso at umiiral na mga patakaran.
Kaya po, bago maglabas ng akusasyon o magbigay ng pahayag na maaaring makalito sa ating mga kabarangay, mangyaring alamin muna ang buong katotohanan at proseso.
Ang Barangay Mabini ay hindi tumatakbo sa sabi-sabi. May dokumento, may proseso, may pinagpasahan, at may mga kinauukulang tanggapan na nakakaalam sa naging sitwasyon.
Hindi po namin itinatago ang problema. Sa halip, inaayos po namin ito sa tamang paraan at sa tamang proseso.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikipagtulungan.
22/09/2026
Barangay Mabini
Initial Audit doneπ«°
Maraming salamat poπ₯°
20/09/2026
Barangay Mabini Sunday Night Duty
Punong Barangay
Hon. Jonathan B. Ruiz
Barangay Kagawad
Hon. Numeriano R. DeGeron
Hon. Raul A. Mendoza
Hon. Felix B. Bautista
Chief of Tanod
Antonio S. Alcantara
At mga masisipag po nating Barangay Tanod
20/09/2026
π DRAINAGE DECLOGGING AT P. ABIERTA STREET
Sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Jonathan B. Ruiz, isinagawa ang drainage declogging operation sa P. Abierta Street, Barangay Mabini, bilang bahagi ng patuloy na programa ng barangay para sa kalinisan at pagpapanatili ng maayos na daluyan ng tubig.
Aktibong nakilahok sa naturang gawain sina Kagawad Efren Catabas at Kagawad Raul Mendoza, kasama ang ating mga masisipag na Barangay Tanod sa pangunguna ni Chief Tanod Antonio S. Alcantara.
Kasabay rin ng declogging operation ang paghakot ng mga naipong basura upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang pagbabara ng mga drainage, lalo na sa panahon ng pag-ulan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para sa isang malinis, ligtas, at maayos na Barangay Mabini. π
19/09/2026
π£β¨ Maligayang Kaarawan! β¨π£
Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay Barangay Secretary Ivanne F. Ramosππ
Nawaβy pagkalooban pa po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas ng loob upang makapaglingkod nang tapat at buong puso para sa ating mga kabarangay. ππ
Mula sa inyong pamilya sa Barangay Mabini,
Maligayang Kaarawan, Sec Vanπ₯³π
π’ PAUNAWA SA MGA KABARANGAY
Sa mga kabarangay po nating nakakuha ng stub, ang pamimigay ng bigas ay gaganapin bukas, September 16, 2026, ganap na 1:00 PM sa RSG Compound, Barangay Burgos.
π Paalala:
Mangyari po lamang na dalhin ang inyong mga valid ID para sa maayos na verification at claiming ng bigas.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa. π
β Sangguniang Barangay Mabini
π KARAGDAGANG PABATID
Sa mga nagtatanong po kung bakit wala pa pong naipopo-post ang Barangay Mabini patungkol sa assistance mula kay PBBM, nais po naming linawin ang dahilan ng pagkaantala.
Ang Barangay Mabini ay nakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento para sa nasabing assistance. Subalit, ang mga dokumentong aming naisumite ay hindi na matagpuan o nawala sa tanggapan na aming pinagpasahan.
Sa 33 Barangays ng Santa Rosa, ang Barangay Mabini lamang po ang nakaranas ng ganitong sitwasyon. Dahil dito, kasalukuyan po naming inaayos at bineberipika ang mga kinakailangang dokumento upang maayos ang naturang concern.
Kaya naman po, hindi pa kami makapaglabas ng pinal at opisyal na impormasyon hinggil dito habang isinasagawa ang proseso ng pag-aayos.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya. Patuloy po naming gagawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maresolba ito sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa. π
β Sangguniang Barangay Mabini
15/09/2026
π’π’ PABATID PUBLIKO π’π’
Magandang araw po sa ating mga kabarangay!
Mayroon pong listahan ng mga benepisyaryong mula sa National Government na nabuo batay sa datos mula sa Community-Based Monitoring System (CBMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga nakaraang taon.
Kung natatandaan po ninyo ang mga nagsagawa ng interview, nangalap ng impormasyon tungkol sa inyong pamilya, at naglagay ng CBMS sticker sa inyong mga tahanan, ito po ang tinutukoy na FIRST WAVE.
π PAALALA: Mayroon pa pong kasunod na pamamahagi na inaasahang gaganapin sa Nobyembre, kung saan kabilang ang 10 kilo ng bigas.
β οΈ MAHALAGANG PAALALA
WALA PONG KINALAMAN ANG BARANGAY SA PAGPILI O PAGBABA NG MGA PANGALAN SA LISTAHAN. Ang listahan po ay batay sa datos at pamantayang itinakda ng kinauukulang ahensya.
Ang mga pangalan na nasa listahan ay pinapayuhang pumunta sa Barangay Hall ngayong araw, ganap na 9:00 AM - 1:30 PM, at magdala ng photocopy ng valid ID.
π MGA ALITUNTUNIN:
1. Double Entry Name β Isang (1) stub lamang ang maaaring makuha.
2. Mag-asawa o nagsasama bilang mag-partner β Isang (1) stub lamang.
3. DECEASED β Walang stub na ibibigay at hindi maaaring ilipat o ipasa sa ibang tao.
4. Non-Resident β Walang stub na maaaring i-claim.
5. Walang photocopy ng ID β Walang stub na maaaring makuha.
π PARA SA MGA WALA SA LISTAHAN
Sa mga hindi po kasama sa kasalukuyang listahan ngunit nais na maisama sa susunod na pamamahagi, maaari pong magsumite ng mga sumusunod:
π Katibayan na ang pamilya ay kabilang sa mahirap o nangangailangang pamilya
π Litrato ng bahay na kasama ang Family Head
πͺͺ Photocopy ng valid ID
Ang mga dokumento po ay ipapasa pa lamang para sa validation at assessment at hindi nangangahulugang awtomatikong makatatanggap. Maaari po kayong maisama sa susunod na pamamahagi, depende sa validation at available na assistance.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at pagsunod sa mga alituntunin.
β Sangguniang Barangay Mabini
Barangay Mabini, Santa Rosa, Nueva Ecija
13/09/2026
π£β¨ Maligayang Kaarawan! β¨π£
Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay Barangay Kawagad Hon. Victor βKonsi Vicβ F. Perezππ
Nawaβy pagkalooban pa po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas ng loob upang makapaglingkod nang tapat at buong puso para sa ating mga kabarangay. ππ
Mula sa inyong pamilya sa Barangay Mabini,
Maligayang Kaarawan, Konsi Vicπ₯³π
08/09/2026
π§ΉπΏ BARANGAY MABINI CLEAN-UP DRIVE πΏπ§Ή
Isinagawa ng Barangay Mabini ang isang Clean-Up Drive bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa ating komunidad.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Jonathan B. Ruiz, kasama ang mga Sangguniang Barangay, BHW at mga masisipag na katuwang ng barangay, sama-sama nating isinusulong ang isang malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran para sa lahat.
π€ Ang kalinisan ay responsibilidad nating lahat.
Magsimula tayo sa ating sariling tahanan at makiisa sa mga programa para sa isang Mas Malinis at Mas Maayos na Barangay Mabini! π
βMalinis na Barangay, Maunlad na Pamayanan!β
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Rizal Street
Santa Rosa
3101