News Prime
The Voice of the People. ๐ต๐ญ
๐ฐ News. Truth. Accountability. We speak for the people.
08/09/2026
๐ฅ๐๐ฃ. ๐๐๐๐๐ฅ๐: ๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐๐ง๐๐ง๐๐ช๐๐ฅ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐จ๐๐๐๐๐ญ ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐
Nanawagan si Tingog party-list Rep. Jude Acidre sa publiko na pairalin ang pagiging patas sa pagtingin kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, kasabay ng mga usaping nag-uugnay sa umanoโy anomalya sa ilang flood control projects.
Ayon kay Acidre sa isang pahayag noong Nobyembre 2025, wala pa umanong naipapakitang ebidensyang direktang nag-uugnay kay Romualdez sa mga kontrobersiyang ibinabato laban sa kanya.
Dahil dito, sinabi niyang hindi makatarungang agad humatol batay lamang sa mga haka-haka at hindi pa napatutunayang alegasyon.
โWala naman kasing ebidensya that directly imputes Martin Romualdez to all these controversies,โ wika ni Acidre.
Iginiit din ng mambabatas na dapat ibatay sa konkretong ebidensya, at hindi sa espekulasyon, ang anumang paghatol sa isang tao.
Dagdag pa ni Acidre, marami umanong naiambag si Romualdez sa bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Speaker ng Kamara.
โHe has also done so much good for the country, especially during his tenure as speaker.โ
Naniniwala si Acidre na nararapat lamang na mabigyan si Romualdez ng pagkakataong maipaliwanag at maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga paratang.
08/09/2026
71% ๐ฆ๐๐ง๐๐ฆ๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฅ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐, ๐ฃ๐๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ก๐ข ๐ก๐ ๐ง๐๐ช๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข ๐๐ฌ๐ข๐ก ๐๐๐ฌ ๐ฅ๐๐ฃ. ๐๐๐ข๐ก๐๐๐จ๐ก
Nananatiling mataas ang antas ng kasiyahan ng publiko sa House of Representatives matapos lumabas sa isang survey na 71% ng mga Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa pagganap ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Rep. Jay Khonghun, ipinahihiwatig umano ng resulta na nakikita at nararanasan ng mga mamamayan ang mga serbisyo at programa ng kanilang mga kinatawan sa kani-kanilang lugar.
โThe 71 percent satisfaction rating shows that, beyond national perception, our constituents feel the presence and service of their representatives in their daily lives,โ pahayag ni Khonghun.
Sinabi rin ng mambabatas na maaaring sumasalamin ang mataas na marka sa pagpapahalaga ng publiko sa mga konkretong serbisyong direktang naihahatid sa mga komunidad.
Isinagawa ang survey mula Marso 10 hanggang 17 at nilahukan ng 1,455 respondents.
Naganap ang survey sa panahong mainit na pinag-uusapan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Bagamaโt kasabay ito ng kontrobersyal na usaping pampulitika, iginiit ni Khonghun na ipinakikita ng resulta ang positibong pagtingin ng publiko sa trabaho ng Kamara.
07/09/2026
๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐ก ๐ก๐ ๐ฉ๐ฃ ๐ฆ๐๐ฅ๐, ๐ง๐๐ก๐๐ช๐๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ง๐
Hindi naitago ni Nuelle Duterte ang kanyang reaksyon sa mga naging aksyon ng kanyang pinsan na si Vice President Sara Duterte matapos itong hainan ng warrant of arrest kaugnay ng kasong may kinalaman sa pagbabanta.
Sa isang post, binanggit ni Nuelle ang mga umanoโy pagbabanta ng bise presidente laban kay Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Nuelle, hindi umano dapat sabihin ng kanyang pinsan na nasa panganib siya, lalo naโt binibigyan naman siya ng pagkakataong dumaan sa due process ng batas.
โShe was issued a warrant of arrest and given the chance to receive due process. Maangas kapag siya ang nagbabanta, pero duwag kapag humaharap sa tamang proseso ng batas.โ
Ang pahayag ni Nuelle ay kanyang sariling reaksyon sa naging sitwasyon ng bise presidente.
Sara Duterte
06/09/2026
๐ฆ๐๐ก. ๐๐๐ง๐ข ๐๐๐ฃ๐๐, ๐ก๐๐ก๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐
Nagbigay ng mensahe si Senador Lito Lapid sa publiko matapos ang pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Luzon dulot ng Habagat.
Ayon kay Lapid, hinimok niya ang publiko na magtiis muna habang gumagawa ng mga hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. upang matugunan ang problema sa pagbaha.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na kabilang sa mga dahilan ng matinding pagbaha ang epekto ng climate change.
06/09/2026
๐ญ๐ฌ๐ต ๐ฃ๐๐๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ฆ๐, ๐ก๐๐ง๐๐๐ฃ๐จ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฌ๐๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ๐๐๐
Nadiskubre ng joint operatives ang karagdagang 109 pakete ng hinihinalang โkushโ na tinatayang nagkakahalaga ng โฑ204.44 milyon sa isinagawang re-inspection sa isang sailing yacht sa Subic Bay Yacht Club (SBYC), Zambales noong Setyembre 4, 2026.
Natagpuan ang mga pakete sa forward hatch ng yacht. Dinala ang mga ito sa Bureau of Customs (BOC) Collection District XIII, Port of Subic, para sa inventory at kaukulang proseso.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nakikipag-ugnayan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa BOC para suriin ang mga kaukulang dokumento at navigation systems ng yacht.
Layunin ng pagsusuri na matukoy ang naging biyahe at mga galaw ng sasakyang-dagat, kabilang ang mga posibleng rutang pandagat na ginamit sa transportasyon ng hinihinalang ilegal na droga.
Ito ay kasunod ng pagkakasamsam noong Setyembre 2, 2026 ng tinatayang 89 kilo ng hinihinalang high-grade ma*****na na nagkakahalaga ng โฑ106.8 milyon mula sa parehong yacht.
Lumahok sa operasyon ang mga tauhan mula sa PCG, BOC, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), at Subic Bay Yacht Club.
06/09/2026
๐ฃ๐๐, ๐ง๐จ๐ ๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ก๐ ๐ฎ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฎ๐ณ-๐ ๐๐ง๐๐ฅ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฆ๐๐๐ฆ
Noong Setyembre 4, 2026, tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang bagong 27-meter Marine Protector-Class vessels mula sa Baltimore, USA.
Ang mga barko ay pinangalanang BRP Pag-Asa (PATS 2701) at BRP Patag (PATS 2702) at ipinagkaloob sa pamamagitan ng isang U.S. grant.
Inaasahang magagamit ang mga bagong sasakyang-dagat para sa search and rescue operations, marine environmental protection, at pagpapalakas ng maritime domain awareness ng bansa.
Ang mga ito ay bahagi rin ng pagpapalakas ng operational capability ng PCG at ng pakikipagtulungan ng Pilipinas sa mga international partners sa larangan ng maritime security at safety.
๐ธ Photo/Info: Philippine Coast Guard
06/09/2026
๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | ๐ฆ๐๐ ๐๐โ๐๐๐ฉ๐๐ข ๐๐ฅ๐๐๐๐, ๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐ง๐ฅ๐จ๐๐ฆ๐๐ฌ๐ข๐ก
DAVAO โ Patuloy ang konstruksyon ng Samal IslandโDavao City Connector Bridge, na target makumpleto bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
Ang proyekto ay isang four-lane at toll-free bridge na may tinatayang haba na 4.76 kilometro. Ikokonekta nito ang Davao City at Island Garden City of Samal.
Kapag natapos at nabuksan sa publiko, inaasahang mababawasan ang oras ng biyahe sa pagitan ng dalawang lugar mula sa humigit-kumulang 30โ50 minuto na biyahe sa ferry tungo sa tinatayang limang minuto.
Inaasahan ding magkaroon ito ng epekto sa transportasyon, turismo, kalakalan, at pagbiyahe ng mga residente at produkto sa pagitan ng Davao City at Samal.
Patuloy ang proyekto habang tinutugunan ang mga usaping may kaugnayan sa pondo, construction costs, at right-of-way.
๐ธ Photo courtesy: Lipad ni Renzkie
05/09/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐ข๐ง ๐๐ง ๐๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ฆ
Patuloy na nagbibigay ng libreng gamot at iba pang assistance ang mga Cong. Jay Khonghun Action Centers para sa mga residente ng Unang Distrito ng Zambales at Lungsod ng Olongapo.
Matatagpuan ang mga Action Center sa Brgy. Aningway-Sacatihan, Subic at sa gilid ng City Hall sa Olongapo.
Kabilang sa mga assistance ang maintenance medicines, laboratory assistance, hospital assistance, burial assistance at iba pang serbisyong naaayon sa pangangailangan at itinakdang proseso.
๐ธ Photos: Cong. Jay Khonghun
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Subic, Zambales
Subic
2209
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when News Prime posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.