Chippy Works

Chippy Works

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Chippy Works, Digital creator, Taytay.

17/09/2026

need upgrade mo ba upgrade sa ebike mo?

stock motor at battery
upgrade natin Yan controller
nd72260

salamat po sa tiwala

17/09/2026

Hindi nag dalawang isip nag downpayment agad nalaman may stock controller tayo Ng individual phase wire

Salamat po sir

For Delivery sa samar leyte

17/09/2026

Pag Nakita mo ang Sign na ito sa panel mo.

throttle issues yan
Check mo wirings baka lumuwag lang or naputol

Check mo active voltage
Red and black 5v

Check mo signal voltage
3.5v black and green

Pag throttle mo
4.5v dapat.

Yun lang tips salamat

17/09/2026

ang ganitong issues Ng ebike jerking ang takbo kadalasan issues nito ay drain battery.
sobrang drain Ng husto sa pag gamit kaya nasira isa sa mga battery Ng ebike mo
sundin mo ang 50% D.o.D Ng ebike mo upang Hindi ito ma overdrain

16/09/2026

“NANINIRA KAMI NG KAPWA TECHNICIAN?” 😏🔧

OO. BIG YES.
Kung ang tinatamaan ay yung mga technician na nanghuhula ng sira, nagpapalit agad ng piyesa, at naniningil nang malaki nang walang matinong diagnosis.

Kung hindi ka naman ganyan…

BAKIT SOBRANG AFFECTED KA? 😂

Hindi naman namin sinasabing lahat ng technician ganito.
Ang pinag-uusapan natin ay PRACTICE.

Kung professional kang technician, dapat kaya mong ipakita:

🔧 Ano ang actual na sira?
🔧 Ano ang test na ginawa?
🔧 Ano ang voltage reading?
🔧 Saan nag-fail ang circuit?
🔧 Bakit kailangan palitan ang piyesa?

Hindi yung:

“Controller yan.”
“Motor yan.”
“Battery yan.”

Tapos PALIT AGAD. 💸

Kapag tinanong ng customer kung paano mo na-diagnose, ang sagot:

“Ganyan talaga yan.” 🤦‍♂️

Hindi troubleshooting ang panghuhula.

Hindi diagnosis ang “baka.”

At hindi porke't technician ka, automatic tama na lahat ng sinasabi mo.

Kaya gumagawa kami ng ganitong content para matutong magtanong ang customer bago sila gumastos ng libo-libo.

Kung tama ang trabaho mo, ipakita mo ang testing.
Kung tama ang diagnosis mo, ipaliwanag mo kung bakit.
Kung kailangan talaga palitan ang piyesa, patunayan mo muna kung bakit.

At sa mga biglang umiinit ang ulo dahil sa ganitong content…

BATO-BATO SA LANGIT. 🪨😂

Kung hindi ikaw ang tinutukoy, BAKIT KA TUMATALON?

Hindi namin kailangang pangalanan ang kahit sino.

YUNG PRACTICE ANG PINAPATAMAAN.

Kaya bago ma-offend, tanungin muna ang sarili:

“Ginagawa ko ba talaga ito sa customer ko?” 👀

Kung HINDI, relax.

Pero kung OO…

Baka hindi ang video ang problema.
Baka yung ginagawa mo ang dapat mong ayusin. 🔧⚡

16/09/2026

ANO ANG KADALASANG SIRA NG E-BIKE?
(Mga Dahilan, Checks at Solutions)

1. Throttle
Check & Continuity:
RED: +5V
BLACK: GND
GREEN (Signal): 3.5V (Idle)
WHITE (Optional): Key / Lock
YELLOW (Optional): +5V
Paano I-check:
I-on ang susi.
Sukatin ang RED (+5V) to BLACK (GND) = 5V.
Sukatin ang GREEN (Signal) to BLACK (GND) = ~3.5V (idle).
I-twist ang throttle, dapat tumaas ang boltahe sa GREEN (hanggang ~1V to 4.2V depende sa system).
Kung walang pagbabago, sira ang throttle.
Solutions:
Linisin ang throttle pulley at spring.
Siguraduhing walang putol o loose na wire.
Palitan ang throttle kung walang output o hindi stable ang signal.

2. Brake Sensor
Check & Test (Switch Type):
OPEN: Kapag hindi naka-brake
CLOSE: Kapag nag-brake
Paano I-check:
I-diskonek ang brake sensor.
Sukatin ang 2 wires ng sensor.
Dapat OPEN (∞ / OL) kapag hindi hinihila ang preno.
Dapat CLOSE (0Ω) kapag hinihila ang preno.
Kung laging CLOSE o laging OPEN, sira ang brake sensor.
Solutions:
Ayusin ang posisyon ng sensor sa lever.
Tiyaking naka-align ang magnet at sensor.
Palitan ang brake sensor kung defective.
Linisin ang connector at contact.

3. Hall Sensor (Motor)
Check Hall Line (Active 5V):
RED: +5V
BLACK: GND
YELLOW (HA): ~5V (Active)
GREEN (HB): ~5V (Active)
BLUE (HC): ~5V (Active)
Paano I-check:
I-on ang susi, back probe sa connector.
Sukatin ang RED (+5V) to BLACK (GND) = 5V.
Paikutin ang motor nang mano-mano.
Dapat may pagbabago ang YELLOW, GREEN, BLUE (hall lines) antara 0V to 5V depende sa rotor position.
Kung walang reading o stuck sa 0V / 5V, sira ang hall sensor o putol ang wiring.
Solutions:
Suriin ang hall sensor circuit board sa motor.
Suriin ang wiring mula motor to controller.
Palitan ang hall sensor o ipare-wind / repair kung defective.

4. Wirings
Mga Madalas na Issues:
Loose connection
Naputol o napigtas na wire
Kalawang o dumi sa connector
Short circuit (tamaas ang init)
Sirang insulation / gasgas
Paano I-check:
I-check bawat connection isa-isa.
Hilahin ng bahagya ang bawat wire, tingnan kung may putol sa loob.
Linisin ang lahat ng connector.
Gumamit ng electrical tape / heat shrink.
Gamitin ang multimeter para sa continuity test.
Solutions:
Ayusin o palitan ang sirang wire.
I-secure at i-insulate ang connection.
Linisin gamit ang contact cleaner.
Gumamit ng quality na connector.

5. Battery
Kadalasang Dahilan ng Sira:
Over Discharge / Over Drain: Pinaka-madalas na dahilan.
Madalas na Deep Discharge: Bumababa ang lifespan.
Maling Charging: Masyadong overcharge / short circuit.
Mataas na Temperature: Overheat habang ginagamit o nagcha-charge.
Paano I-check:
Fully charge ang battery.
Sukatin ang boltahe:
12.6V - 12.8V = Full
12.2V pababa = Low
Kung mabilis bumaba ang boltahe at hindi na kumakarga, sira na ang battery.
Solutions:
Huwag i-over discharge ang battery.
Charge agad kapag mababa ang boltahe.
Gumamit ng tamang charger.
Palitan kung sira na ang cells (low capacity).
PANGKALAHATANG PAALALA
Inspect: Palaging mag-inspect at mag-check bago magpalit ng parts.
Parts: Gumamit ng quality parts para matagal at safe.

Wiring: Wiring ay ugat ng E-Bike. Ayusin at proteksyunan.

BAKIT IMPORTANTE ANG TAMANG DIAGNOSIS?
Maiiwasan ang hindi kailangang gastos.
Hindi na masasayang ang time.
Mas ligtas na gamit.

Mas matagal ang buhay ng E-Bike.
⚠️ OVER DRAIN = PINAKA MABILIS NA DAHILAN NG PAGKASIRA NG BATTERY
Kapag naubos hanggang low voltage, nasisira ang cells.

Kahit bago pa, pwedeng masira bago pa umabot ng 1 taon.
Alagang mabuti ang battery para tumagal ng 2 - 3 taon o higit pa.

15/09/2026

hatasu 4wheels model buggy
Hindi po binabasa ang foot throttle kaaring masira ang sensor nito at pag mag diy repair mag lagay Ng tagging sa socket upang Hindi mag kamali pag ibabalik na.
Yun lang po ang tips Maraming salamat.

15/09/2026

Hindi Ako nag Sabi nyan ahh
baka kami nanaman sisihin nyo Sabi daw
ehh sa vlog daw namin narinig
😂

14/09/2026

3wheel nag palit Ng bearing at eto ang sukat
6201 2pc sa harapang gulong

14/09/2026

sa mga naka 4wheels Jan na e.v check nyo palagi foot throttle Ng ebike mo Lalo kung nag Bago speed Ng ebike mo possible madumi Yan linisin mo Ng contact cleaner..
un lang tips salamat

Want your business to be the top-listed Autos & Automotive Service in Taytay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Taytay