Sibuco Rural Health Unit Official
Health services and concern. Hotline # 09989552501
22/09/2026
MAAGAP NA PAGPAPASURI AT GAMUTAN, SUSI SA MAS MATAAS NA TSANSA SA PAGGALING!
Taon-taon, libo-libong bata ang naoobserbahang may iba't ibang uri ng kanser, tulad ng leukemia. Ang maagang pagtukoy sa mga sintomas nito ay may malaking papel sa matagumpay na paggaling.
Magmatyag sa mga warning signs tulad ng paulit-ulit o hindi maipaliwanag na lagnat, mabilis na pagkakaroon ng pasa, pamamaga o bukol sa katawan, at biglaang pagbagsak ng timbang. Ipa-konsulta agad ang bata sa pinakamalapit na health center o doktor.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo at tulong para sa kanser, i-scan ang QR code o bisitahin ang linktr.ee/DOHCancerSupport.
22/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ก๐ฌ๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐๐๐ญ๐๐๐๐ ๐๐ฅโ๐ฆ, ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ข๐ก๐ฆ๐จ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐!
Ang Alzheimerโs Disease ay isang sakit sa utak na unti-unting nakakaapekto sa memorya, pag-iisip, at pag-uugali ng isang tao. Karaniwan ito sa mga taong 60 taong gulang pataas at maaaring may kaugnayan sa pagkakaroon ng kapamilyang may Alzheimerโs, sakit sa puso, altapresyon, labis na timbang, diabetes, at dating aksidente sa ulo.
Magmatyag sa mga pagbabago sa memorya, pag-uugali, at pag-iisip. Kung ikaw o ang iyong kapamilya ay nakakaranas ng mga sintomas o may Alzheimerโs, magpatingin sa pinakamalapit na health center o Mental Health Access Site para sa tamang tulong at suporta.
22/09/2026
01/09/2026
DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!
Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.
Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.
Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!
30/08/2026
๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ณ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ฎ๐ | ๐๐๐ด๐๐๐ ๐ฏ๐ฌ ๐ค
Grief is a natural response to loss and a reflection of how deeply we have loved. Everyone grieves differently, and there is no set timeline for healing. ๐ค
Healing does not mean forgettingโ๐ช๐ต ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฏ๐ด ๐ญ๐ฆ๐ข๐ณ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ, ๐ญ๐ช๐ต๐ต๐ญ๐ฆ ๐ฃ๐บ ๐ญ๐ช๐ต๐ต๐ญ๐ฆ, ๐ต๐ฐ ๐ค๐ข๐ณ๐ณ๐บ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ญ๐ฐ๐ท๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ช๐ฆ๐ด ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐บ๐ฐ๐ถ.
If grief feels especially heavy, you donโt have to face it alone. Itโs okay to reach out for support. You deserve understanding as you find your way through grief. ๐ฟ
Our crisis hotline is here for you. ๐
๐ Globe: 0977 201 6640
๐ Smart: 0939 784 5513
๐ Available Monday to Friday (including holidays)
8:00 AM - 8:00 PM
โ Calls only. We do not respond to text messages.
๐ ๐๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข: ๐๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข-๐ด๐ค๐ฉ๐ฆ๐ฅ๐ถ๐ญ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ด๐ถ๐ญ๐ต๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ญ ๐ด๐ข ๐ข๐ฑ๐ฑ๐ฐ๐ช๐ฏ๐ต๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต, ๐ฎ๐ข๐จ-๐ฎ๐ฆ๐ด๐ด๐ข๐จ๐ฆ ๐ด๐ข ๐ก๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ฐ๐ง ๐๐ด๐บ๐ค๐ฉ๐ช๐ข๐ต๐ณ๐บ ๐๐ข๐ค๐ฆ๐ฃ๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐๐ข๐จ๐ฆ.
27/08/2026
Tips ni Dr. Richard Mata
Marami pong nagkakamali patungkol sa Chickenpox o Bulutong tubig!
Ang akala ng marami ay mas nakakahawa na ang Chickenpox kapag malapit ng gumaling ang pasyente.
Mali po yun. Di po yan ispirito na sasanib sa iba kapag tapos na sya sa isa. Virus po yan.
Nakakahawa na po ang pasyente sa unang araw palang ng sakit hanggang mga 5-7 days o hanggang tuyo na ang lahat ng bulutong!
Kung tuyo na ang bulutong ay di na nakakahawa. Kung basa pa nakakahawa pa.
Kunwari nagkachickenpox si Juan ng unang araw, pwede ng makuha ni Pedro na classmate niya sa unang araw pa lang ang virus!
Subalit hindi pa lalabas ang bulutong ni Pedro dahil ang virus ay mag-iincubate pa sa katawan ni Pedro ng mga 10 days then saka palang lalabas ang lagnat ni Pedro at ang bulutong.
Kaya ang buong akala ng iba ay kung kailan gumaling si Juan ay doon pa nahawa si Pedro pero matagal na pala syang nahawa nagincubate lang.
Ang virus ay pwedeng mapasa sa apat na paraan:
1. Kung malanghap mo ang ubo ng may chickenpox, o kahit malapit kayong nag-chika chika, hawa ka!
2. Kung nahawakan ang basa ng bulutong, hawa ka!
3. Kung nahawakan mo ang gamit ng may Chickenpox. Pwede kasing may virus doon na galing sa bulutong niya. Kaya hugas parati ng kamay.
4. Kung malanghap mo ang virus na lumipad galing sa bulutong , hawa ka!
Wag kamutin ang bulutong upang di pumeklat. Ang kuko inailcutter.
Pwedeng uminum ng anti-histamine at anti-virus pero dapat magpaconsulta para malaman kung anong dapat.
Gumagaling naman ng kusa ang Chickenpox kahit walang anti-virus na gamot kaya lang pagmarami ang bulutong ay mas magandang may gamot.
Pwede namang maligo ng maligamgam at sabonan upang di gaanong makati at maiwasan ang bacteria at magka-nana ang bulutong.
27/08/2026
DOH: GAWING REGULAR ANG PAGHUHUGAS NG KAMAY!
Detalye sa comment section.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Website
Address
Poblacion
Titay
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Sibuco Rural Health Unit Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.