GnaG sa Progreso
#1 Congressman Gerald Galang
15/07/2026
01/07/2026
Neverstops๐
Isang taon na ang nakalipas mula nang ipagkatiwala ninyo sa akin ang pagkakataong makapaglingkod sa ating Distrito. Ang tiwalang ipinagkaloob ninyo ay hindi ko itinuturing na isang mandato lamang, kundi isang pananagutang araw-araw kong ginagampanan sa pamamagitan ng tapat, bukas, at may malasakit na paglilingkod.
Sa unang taong ito, nananatili ang ating paninindigan na isulong ang isang uri ng pamumunong inuuna ang pananagutan, mabuting pamamahala, at ang kapakanan ng bawat mamamayan.๐๐ต๐ญ
18/05/2026
๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐๐๐ก๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐ง๐ต๐ถ๐ป๐ธ. ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ. ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ. โจ
Ang bawat ideya ay maaaring maging simula ng pagbabago at ang bawat kabataan ay may kakayahang maging bahagi nito.
Ngayong May 22, 2026, magsasama-sama ang mga kabataan para sa Valenzuela City 2nd District Youth Summit 2026, isang pagtitipon para sa paghubog ng mga susunod na lider, changemakers, at mga kabataang may malasakit sa komunidad.
Sa taong ito, bibigyang-diin ng ang 5 Pillars ng United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) โ People, Planet, Prosperity, Peace, at Partnership, bilang gabay sa pagbuo ng mga ideya, proyekto, at inisyatibang maaaring magbigay ng positibong epekto sa komunidad at sa kinabukasan ng kabataan.
Bukas ito para sa lahat ng kabataang handang matuto, makiisa, at maging bahagi ng pagbabago.
๐ May 22, 2026 (Friday) 12:00 PM- 5:00 PM
๐ Our Lady of Fatima University, Assembly Hall
๐ Inaanyayahan namin ang lahat na sumali at maging bahagi ng .
Mag-register sa Google Form link sa ibaba:
https://forms.gle/C2k76PezuukoUdGU9
https://forms.gle/C2k76PezuukoUdGU9
https://forms.gle/C2k76PezuukoUdGU9
Think beyond ideas. Lead with purpose. Transform communities.
05/05/2026
Mas pinapalapit natin ang serbisyong pangkalusugan direkta sa inyong komunidad! ๐๐
Darating ang Garantisadong Gamot on Wheels sa Barangay Parada upang maghatid ng libreng gamot, bitamina at serbisyong medikal para sa ating mga ka-distrito, lalo na sa mga higit na nangangailangan.
๐ Lugar: 3S Center, Barangay Parada
๐
Petsa: May 9, 2026 (Sabado)
โฐ Oras: 8:00 AM โ 3:00 PM
Ito ay bukas para sa lahat ng residente sa ating distrito.
Mga dapat dalhin:
โ
Valid ID (government-issued)
โ
Certificate of Indigency mula sa barangay
ISANG MILYONG LAGDA PARA SA MATATANDA!
Bilang Vice Chairperson ng Committee on Senior Citizens, patuloy ang ating pakikiisa sa pagsusulong ng Universal Social Pension para sa lahat ng nakatatanda.
Isinusulong ang kampanya ng isang milyong lagda bilang mahalagang hakbang tungo sa agarang pagpapatibay ng panukalang batas na magtitiyak ng mas malawak at inklusibong proteksyong panlipunan para sa ating mga senior citizens.
Ang bawat lagda ay sumasalamin sa kolektibong panawagan para sa mas matatag na social protection at mas maayos na kalagayan ng ating mga nakatatanda, lalo na sa usaping pangkalusugan at pang-araw-araw na pangangailangan.
Makilahok at lumagda. Isulong natin ang para sa bawat senior citizen!
Gerald Galang Supporters
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
District 2
Valenzuela
1440