Threads

Threads

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Threads, Video Creator, Pittsburgh, PA.

09/25/2026

Ayon kay Executive Secretary Ralph G. Recto, hinihikayat ang mga kumpanyang Amerikano na palawakin ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas, kasabay ng layuning makalikha ng trabaho, mapalawak ang pagsasanay sa mga lokal na talento, at mapaunlad ang mga industriya.

Sa 2026 Philippines Business Mission, binigyang-diin niya ang Luzon Economic Corridor na mag-uugnay sa Subic, Clark, Manila, at Batangas para sa logistics, manufacturing, connectivity, at innovation. Ayon kay Recto, inaasahang maaaring makalikha ang proyekto ng hanggang isang milyong trabaho.

Kabilang sa mga sektor na tinukoy para sa mas malawak na pamumuhunan ang electronics at semiconductors, renewable energy, at pagproseso ng critical minerals. Binanggit din ang CREATE MORE Act, Green Lanes para sa strategic investments, at Energy Virtual One-Stop Shop bilang bahagi ng mga repormang may kaugnayan sa pagnenegosyo at pamumuhunan.

Binigyang-diin din ni Recto na ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at United States ay maaaring masukat hindi lamang sa halaga ng pamumuhunan, kundi pati sa mga trabahong nalilikha, kasanayang nahuhubog, at mga industriyang napalalakas.

09/25/2026

Hindi sapat ang paglilinis ng mga estero at kanal kung patuloy naman ang maling pagtatapon ng basura. Kaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, pinalalakas ang clearing operations, waste management systems, at iba pang hakbang kontra baha. Nanawagan din si Executive Secretary Ralph G. Recto na magsimula ang pagbabago sa bawat komunidad, sa pamamagitan ng wastong segregation, tamang pagtatapon, at pakikiisa ng mga mamamayan at LGUs.
Kasama sa mga hakbang ang declogging at desilting ng mga daluyan ng tubig, pagpapalawak ng trash traps at Estero Rangers, at pagbibigay ng kagamitan para sa solid waste management. Pero malinaw ang punto ni Recto, hindi matatapos sa operasyon ng gobyerno ang problema sa basura kung walang disiplina sa araw-araw. Ang basurang itinapon kung saan-saan ay maaaring bumara sa kanal, dumaloy sa ilog, at magpalala ng pagbaha. Nagsisimula ang mas malinis at mas ligtas na komunidad sa tamang gawain ng bawat isa.

09/25/2026

May mga dokumentong isang beses lang natin kailangang asikasuhin, pero mahalaga sa napakaraming yugto ng buhay.

Sa HB 5213: Philippine Civil Registration and Vital Statistics Act, layunin ng panukala na gawing mas comprehensive, responsive at accessible ang civil registration system. Kabilang si Cong. Martin Romualdez sa mga principal author nito.

09/25/2026

May tanong ka tungkol sa HB 5213: Philippine Civil Registration and Vital Statistics Act? Heto ang mabilisang sagot.

Ang panukala, na kabilang si Cong. Martin Romualdez sa mga principal author, ay naglalayong i-modernize ang civil registration system sa pamamagitan ng digitalization at mas accessible na registration services.

09/24/2026

Kung serbisyo ang pinag-uusapan, dapat mas malapit sa tao.

Isa sa mga nakapaloob sa HB 5213: Philippine Civil Registration and Vital Statistics Act ang pagpapalakas ng barangay-level at mobile civil registration upang mas maabot ang mga komunidad, kabilang ang mga nasa malalayong lugar.

Kabilang si Cong. Martin Romualdez sa mga principal author sa pagsusulong ng panukala.

09/24/2026

Kapag tumataas ang presyo ng langis, hindi lang sa gasolinahan nararamdaman ang epekto. Maaari itong makaapekto sa pamasahe, delivery costs, presyo ng mga bilihin, at araw-araw na gastusin ng pamilya.

Inihain ni Cong. Ryan Santos Recto ang House Bill 5961, na nagpanukalang bigyan ang Pangulo ng kapangyarihang pansamantalang magsuspinde o magbawas ng excise tax sa petroleum products kapag natugunan ang itinakdang kondisyon sa presyo ng langis.

Ang HB 5961 ay kalaunang na-substitute ng House Bill 8418, at ang panukala ay humantong sa Republic Act No. 12316. Sa ilalim ng batas, maaaring bawasan o pansamantalang suspendihin ang excise tax kapag umabot o lumampas sa US$80 kada barrel ang itinakdang one-month average Dubai crude oil price, alinsunod sa mga kondisyon at prosesong nakasaad sa batas.

Layunin ng mekanismong ito na makatulong na maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa mga commuter, driver, negosyo, at pamilyang Pilipino.

09/24/2026

Hindi lang pag-iikot ang ginawa ni Cong. Ryan Santos Recto sa Lipa. May dalawang bagay na kailangang tutukan, ang mga proyektong ginagawa para sa publiko at ang mga kababayang kailangang marinig. Sa pag-inspeksyon sa mga ongoing infrastructure projects, sinisigurong maayos ang trabaho, nasusunod ang kalidad, at tama ang paggamit ng pondo ng bayan. Bawat proyekto, dapat may resulta. Bawat sentimo, dapat sulit.
Kasabay nito, personal ding binisita ang ilan nating mga kababayan upang makinig sa kanilang mga kwento, hinaing, at pangangailangan. Dahil ang tunay na trabaho sa public service ay hindi lang nasa opisina o project site. Nasa kalsada, nasa komunidad, at higit sa lahat, kasama ang mga taong pinaglilingkuran.

09/24/2026

Hindi lang papel ang birth certificate. Para sa maraming Pilipino, ito ang mahalagang dokumento na nagpapatunay kung sino sila at nag-uugnay sa kanila sa iba’t ibang serbisyo.

Sa HB 5213: Philippine Civil Registration and Vital Statistics Act, isinusulong ni Cong. Martin Romualdez at ng iba pang principal authors ang isang mas responsive at inclusive na civil registration system!

09/23/2026

Sa halip na buong weekend na nakaupo, pwedeng gawing oras ng laro, ehersisyo at bonding ang community parks.
Iyan ang konseptong tinutumbok ng Laro’t Saya sa Parke Act, na naglalayong magkaroon ng sports, fitness at wellness activities sa pampublikong park.
Isinusulong ni Cong. Martin Romualdez ay kabilang sa mga mambabatas na iniuugnay sa pagsusulong ng naturang panukala.

Want your business to be the top-listed Media Company in Pittsburgh?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Pittsburgh, PA